Chapter 4

592 24 5
                                    

-------------

Almost 1 week na mula nang mag desisyon si Chaeyoung na iwasan si Jennie, kasama na rin don sina Lisa at Jisoo. Don't get her wrong okay? Ayaw niya lang na mas lumalim pa ang nararamdaman niyang pag hanga sa babae. Feeling niya, hindi pwede. Paniguradong maraming mangyayari pag nagkataon.
Pag nakikita niyang makakasalubong niya sina Jennie ay agad siyang lumilihis ng daan, paano naman kasi sa tuwing malapit siya dito ay kumakabog na ang dibdib niya.

Nag decide si Chaeyoung na pumunta muna sa library para makapag basa. Ginagawa niya to everytime na marami siyang iniisip.

Habang nagbabasa..

"Hello Chaeyoung.." nagulat siya nang biglang bumulong si Jisoo sakanya sabay upo sa tabi nito.
Napalunok siya, pag sinuswerte ka nga naman.

Tipid na ngiti lang ang isinukli niya kay Jisoo sabay hinga ng malalim. If nandito si Jisoo, may chance na nandito o pupunta rin dito sina Lisa at si Jennie. At yun ang di pwedeng mangyari.

"Ahm, s-sige una na ko Jisoo." Paalam niya dito. Habang napa taas naman ang isang kilay ni Jisoo sakanya.

"Sit." Rinig niyang sabi nito ng maka tayo na siya.

"H-ha?" Ano ba naman to sabi niya sa isip.

"Let's talk Chaeyoung. Akala mo ba di ko napapansin na parang iniiwasan mo kami?" Rinig niyang sabi ni Jisoo. Kaya napa lingon siya dito.

"H-hindi ah! San mo ba galing yang naiisip mo haha." Palusot niya sabay ngiti. Ngumiti lang si Jisoo sabay iling iling sakanya.

Kaya wala siyang nagawa kundi umupo ulit at tapusin nalang ang binabasa.

"May nagawa ba kami?" Pahabol pang tanong ni Jisoo.

"Wala ah. Ano ka ba di ko naman kayo iniiwasan, b-busy lang talaga. Hehe." Sabay kamot ni Chaeyoung sa ulo niya. Hoping na maniwala si Jisoo sa palusot niya.

"Okay kunwari nalang naniniwala ako.." mahinang sagot ni Jisoo sakanya habang binuklat rin nito ang dalang libro.

Napa pikit nalang si Chaeyoung at di na sinagot si Jisoo. Haay napaka hirap naman palang mag sinungaling sa taong to.

"Ahm.. excuse me?" Rinig ni Chaeyoung na sabi ng isang boses sa tabi niya. Isang lalaki ang naka tayo sa tabi niya kaya nag angat siya ng tingin dito.

"I'm J-jimin.." utal sa sabi ng lalaki sakanya sabay lahad ng kamay nito. Hindi sila pareho ng uniporme kaya ibig sabihin ay may kaya ang lalaking to.
Natitigan niya ng maayos ang lalaki, may itsura naman ito at halatang galing sa magandang pamilya, pamilyar nga sakanya ito pero di niya lang maalala kung saan niya ito nakita.

"Chaey-" sagot niya sana dito at aabutin niya sana ang kamay nito ng biglang magsalita si Jisoo sa tabi niya.

"Yes Jimin?" Tanong ni Jisoo sa lalake pero sa libro parin nakatingin.

"Well.. I just want to-"

"I don't care. Nag uusap kami tapos bigla bigla ka nalang susulpot diyan na parang kabute. How rude." Sabay tingin ni Jisoo sa lalaking naka tayo sa tabi niya.

Wtf?! Nakakatakot din pala si Jisoo?

"I-I'm sorry.. ahm sige alis nako." Halata sa boses ng lalaki ang panghihinayang.

"Good." Simpleng sagot lang ni Jisoo..

At dahil mabait si Chaeyoung, magsasalita sana siya para humingi ng pasensiya sa inasal ni Jisoo.

"Don't you dare.." sabi ni Jisoo habang inilipat ang pahina ng hawak na libro.

"Ano yon?" Tanong ni Chaeyoung sa katabi ng maka alis na ang lalaki.

Why me?Where stories live. Discover now