Chapter 17 (this is it😂)

771 26 1
                                    

"Yah! Park Chaeyoung! Wake up!" pag gising ni Irene sa kaibigan. Nag text kasi ito sakanya kanina na nag iinom ito mag isa sa isang bar. Kaya dali dali naman silang pumunta ng girlfriend na si Seulgi.
Wala lang itong kibo at halatang naka tulog na sa sobrang kalasingan. Marami rami rin ang bote na nasa lamesa nito.

"Pag nakita ko yung Jimin na yon, babaliin ko talaga leeg non!" inis na sabi ni Seulgi habang pinag tutulungan nilang itayo si Chaeyoung.

"Isama mo ko para masapak ko yung loko na yon." sabi ni Irene habang akay akay nila si Chaeyoung papuntang sasakyan. Dahan dahan nila itong inihiga sa backseat.

Habang nagmamaneho ay di parin mawala ang galit ng dalawa kay Jimin.

"Pinagkatiwala natin si Chaeyoung sakanya tapos lolokohin niya lang? Akala ko ba mahal niya si Chaeyoung?! Aish!." inis na sabi na Irene. Hinawakan naman ni Seulgi ang isa niyang kamay para pakalmahin.

"Hayaan mo baby.. akong bahala don pag nakita ko." then Seulgi smirks.

Napa lunok naman si Irene. Aminado naman siyang takot siya kay Seulgi, at yang mukha na yan ng girlfriend niya ay kilalang kilala niya. Ika nga, tumakbo kana habang may lupa pa.

"Mali siya ng taong niloko.." rinig niya pang bulong ni Seulgi.

Siya ata ang dapat kong pakalmahin? Tanong ni Irene sa sarili.

Nang makarating sila sa bahay ni Chaeyoung ay maingat nila itong inihiga sa kama at tinanggalan ng sapatos.

"Wait here, kukuha lang ako ng pamunas." sabi ni Irene kay Seulgi. Tumango naman si Seulgi at umupo sa tabi ni Chaeyoung at kinumutan ito.

Habang naka upo ay naka tingin siya kay Chaeyoung at napansin niyang nag didikit ang dalawang kilay nito kasabay ng pag tulo ng luha sa mga mata nito. Pinunasan niya ang luha ng kaibigan.

"Don't cry Chaeyoung-ah.. Pagbabayaran ni Jimin ang ginawa niya sayo." mahina niyang sabi habang naka yukom ang isang kamay nito.

Maya maya lang ay narinig niyang nag beep ang phone ni Chaeyoung. Alam niyang mali na mangielam sa personal na gamit ng kaibigan pero gusto niyang malaman kung sino yon.
Tiim bagang siya habang hawak ang phone ni Chaeyoung.

"Babe please let's talk.. Ikaw ang mahal ko, maniwala ka please. I'm here at ***** hihintayin kita. Please babe. I love you.."

Jimin.

Agad niyang ibinalik sa bulsa ni Chaeyoung ang cellphone nito pero binura niya muna ang text ni Jimin.

Pag tayo niya ay siya namang pagpasok ni Irene.

"Wait, san ka pupunta?" tanong ni Irene ng makitang inaayos ni Seulgi ang sintas ng sapatos niya.

"May tuturuan lang ako ng leksyon." tipid na sagot nito sabay humalik sa labi ni Irene at lumabas.

Naka tingin lang si Irene kay Seulgi hanggang sa tuluyang nawala sa paningin niya ito.

"Fuck you, Jimin.." sabi ni Seulgi habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

Sa isang madilim na parke ay naka upo si Jimin habang inaantay si Chaeyoung.
Paano niya ipapaliwanag dito ang nangyari sakanila ni Dahyun?
Agad siyang napatayo at napa tingin sa likod ng makarinig ng kaluskos na para bang may nag lalakad palapit sakanya.
Sa pag aakalang si Chaeyoung ang dumating ay humarap siya dito pero sa halip ay isang kamao ang dumapo sa pisngi niya kaya napabagsak siya sa lakas ng suntok.

"S-seul?" tawag niya sa pangalan ng babaeng naka tayo ngayon sa harapan niya. Kitang kita niya ang galit ni Seulgi sakanya.

"Ang kapal naman ng mukha mong saktan ang kaibigan ko Jimin!" sigaw ni Seulgi sakanya habang dahan dahan naman siyang tumatayo. Para kasi siyang nahihilo sa lakas ng suntok nito.

Why me?Where stories live. Discover now