Chapter 19

605 30 3
                                    


"Jennie?"

Napa tingin naman ako sa pinanggalingan ng boses.

There she is.

My angel.

My home.

My Rosie..

Lumapit siya sa tabi ko at naupo siya habang naka tingin sakin. I smiled, para hindi naman niya mapansin ang mga iniisip ko. Ayoko nang may mag alala nanaman dahil sakin.

"May problema ba? Are you okay?" she asked.

"Everything's fine Rosie.." I simply said. Alam kong hindi siya naniniwala kaya ngumiti lang ako.

"Bakit hindi ka pa pumasok? Bakit umupo kapa dito kung walang problema?" see? Matalino talaga tong babaeng to.

"Wala nga.. gusto ko lang maupo dito saglit. Ngayon lang ako nakapunta dito sa bahay mo eh, it's beautiful Rosie.. I'm happy for you." Pag amin ko sakanya. I'm not sure pero parang ngumiti siya sa sinabi ko at nag iwas ng tingin sakin.

"Thankyou.. actually nahirapan ako pero kinaya ko naman hehe.." alam kong may halong lungkot ang pagkasabi niya non. Kung sanang nasa tabi mo lang ako nung mga panahong nahihirapan ka..

"I know. You're strong Rosie.. kahit pa dalawa nalang kayo ng Mam-" natigil ako sa pagsasalita nang marealize ko kung anong sinasabi ko. Shit.

Napa tingin naman siya agad sakin habang puno ng mga tanong ang mga tingin na pinupukol niya sakin.

"Never ko pang nasabi sayo na wala na si Tatay.. p-paano mo.." this time ako naman ang nag iwas ng tingin sakanya. Ang daldal ko naman kasi.

"Jennie?" tawag niya sa pangalan ko. Ayoko sanang malaman niya pero ako mismo bumuking sa sarili ko, pathetic..

Naka tingin lang siya sakin, alam ko. Kahit pa di ako naka tingin sakanya alam kong naka harap siya sakin.

"It's.. you..?" tanong niya na parang hindi pa sigurado. Tahimik parin ako, napaka careless ko.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sakanya.

"Rosie-"

"So ikaw nga?! Ikaw yung nagbayad ng hospital bills ni Tatay?" there she said it. Haay! Ayoko sanang malaman niya dahil what for diba?

"Y-yes.." Then hinawakan ko ang mga kamay niya bago pa siya makapag react.

"Please don't be mad at me Rosie.. kahit umalis ako dito at wala ako dito, alam ko kung anong nangyayari sayo. Kung ano mga pinagdaanan mo, I'm sorry pero I can't help it. The night na magkasama tayo bago ako umalis, nag promise ako sayo na tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Remember? A-ayoko lang baliin ang pinangako ko. Na kahit malayo ako sayo, gusto ko paring tuparin yun. Believe it or not, kahit saglit lang kitang nakilala noon, napalapit kana sakin. Naging espesyal kana sakin. How I wish na nasa tabi mo ako sa bawat oras na nahirapan ka. Nung nalaman ko ang nangyari sa tatay mo, yun lang ang naisip kong gawin para makatulong sayo.. because I want too Rosie." I bite my lower lip. I don't want to cry, naiisip ko palang na magagalit siya ay naiiyak nako.

"P-pero.. b-bakit di mo s-sinabi?" utal niyang tanong na para bang anytime ay iiyak siya.

"I.. hmm. I-iniisip ko kasi na di naman na kailangan. I'm sure pag nalaman mo, tatanggihan mo lang din ang tulong ko." I said.

"Mahalaga yun para sakin, hindi mo lang alam kung gaano ko gustong malaman kung sino ang tumulong samin ni Nanay noon. Na kung gaano ko kagustong personal na magpasalamat sa taong yon. Na hanggang ngayon di parin ako tumitigil na alamin kung sino siya.. but. here you are.. i-ikaw pala ang taong yon." I don't know what to say kaya tahimik lang ako.

Why me?Where stories live. Discover now