Chapter 38

1.6K 77 1
                                    

Shan POV

"Mam shan, Ito na po ang pagkain."

"Sige po..."

Ang matamlay ko na sagot kay yaya, Its been 3 days already at ginawa nga ni ava ang huli nyang sinabi sakin...Na katulad lang dati lantaran na ang pag iwas nya sakin. Isama mo pa ang isang araw na lumapit sakin si dulyo upang humingi ng atraso na ligawan ang aking kapatid.

Kahit tanggihan ko man ang kagustuhan nito eh wala pa rin mag babago dahil ang taong gusto nyang mapa sakanya ay pumayag naman na. I am happy I know that pero sadyang hindi pa sa ngayon dahil, kahit papaano...Mahalaga pa rin sakin bilang kapatid si ava...

I'm just hoping na magiging maganda nga ang future ng bruha na yun kay dulyo. Pero bakit ba sya pumayag agad eh hindi pa naman nya kilala gaano ang lalaking iyon?

Kunot noo kong tanong saking sarili habang tahimik lang na nakatingin saking pagkain, at hindi ko man lang namalayan na pinag lalaruan ko na lang pala ito...The hell is wrong with me? Hindi naman masama ang aking pakiramdam...pero bakit ang bigat-bigat ng katawan ko, tumaba ba ako? 

"Mam shan? hindi nyo po ba gusto ang pagkain?"

Pukaw ni yaya sa aking atensyon na isang tingin lang ang ginawaran ko sa kanya sabay baling ulit saking pagkain. How rude of me...pati ang mga tao sa paligid ko ay tila nadadamay ko na sa kalokohan ko.

"Yaya, I think I'm not hungry yet...Mamaya ko na lang po siguro kakainin ito." 

"sigurado ka ba iha? pero nung kagabi lang ay hindi mo rin ginalaw ang iyong pagkain."

"K-kakain ko lang rin po kasi  nun sa labas yaya...I need to go na po."

Aking alibi, dahil ang totoo yan nag kulong lang talaga ako sa office at inabala ang aking sarili dahil as usual laging tumatatak saking isipan ang mga sinasabi ni Ava sakin, even though yun naman talaga ang gusto ko diba? Siguro nabigla lang talaga ang isipan ko sa mga nangyayari...

"S-sige Iha, mag iingat ka."

"Yes---"

"Yaya, mauuna na rin po ako."

Putol ng isang salarin saking sasabihin at ng amin itong malingon ni yaya, ni hindi man lang dumapo ang mata nya sakin.

"Pati rin ikaw? hindi ka ba kakain muna?"

"Nope, sabay na lang po kami kakain ng sundo ko."

"Ganoon ba, osige mag iingat ka rin."

"Sure, bye."

Ang huli nyang sabi hanggang sa tuluyan na nya kaming nilagpasan na para bang isa na lang talaga akong hangin...I already prepare myself for this kind of treatment...But still, I really hate this kind of feeling.

Iritable kong anas sa sarili at naisipan na lang din lumabas upang makaalis na. Kaso, bago pa man ako maka pasok saking kotse, eh hindi ko pa sinasadya na matanaw sila ava at dulyo na nag lalambingan sa tapat ng gate. 

Ang akala ko nga ay hindi pa sila matatapos, pero ng ako'y mapansin ni dulyo ay agad nya ng sinenyasan si bruha na pumasok sa kanyang kotse bago ako nilingon ulit at tuluyan nag paalam. Gosh shan, ito ang gusto mo diba? Come on, be happy already... Be happy!

Akin ulit dugtong hanggang sa makapasok na ako sa kotse at pinaandar na rin ito...

-----

Pagkalipas ng isang oras ay maayos naman ako naka punta saking trabaho pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin akong gana sumabak sa mga pag subok na haharapin ko mamaya.

MY STEP SISTEROnde as histórias ganham vida. Descobre agora