chapter 22

2.9K 121 4
                                    

Shan's POV

2 weeks had passed matapos ang nangyaring confession ni ava sa bahay ni romeo. pero hanggang ngayon ay wala pa rin nag bago sa pakikitungo neto sakin. let say na mas lumala pa nga ito na hindi ko inaasahan.

gaya na lang nang madalas nyang pag uwi sa madaling araw o hindi kaya mag kalat sa bahay nang kung anu-ano sa alas singko ng maaga. kaya imbis na maganda ang bungad ng araw ko ay ito, kailangan pa ni yaya mag mop at mag walis para lang maging malinis ang bahay. sino ba naman hindi sasakit ang ulo kung ganoon ang nabungaran mo?

"mam wala na po si ava sa kwarto nya"

isa pa yan, kung saan-saan pumupunta akala mo ay pusang gala. kay aga-aga asan na naman lupalop napunta iyon?

"naku naman talaga yung bruhang iyon oh."

hindi ko mapigilan anas saking sarili sabay napahagod saking mukha sa sobrang pagod. oh well, balik na naman kasi sa pagiging busy sa trabaho ang sarili ko, lalo na't sunod-sunod ang gusto mag invest sa company na pinang hahawakan ko. 

kaya kahit ang aking vacant time ay hindi ko na nagagamit dahil na o-occupy na sya nang aking working hours. although, okay lang naman sakin dahil mahal ko ang aking ginagawa pero madalas hindi rin talaga ito nakakaligtas sa init nang ulo ko dahil kay ava. kaya pati ang aking mga employee ay napag bubuntungan ko ng inis.

" I need to go yaya, inform nyo na lang po ako kung nakauwi na si ava."

aking paalam at hindi na nag abala pang galawin ang naka handang pagkain sa mesa, para saan pa't nawalan na ako ng gana. kung hindi lang talaga ako mabait na tao ay hahayaan ko na ang bruha na yun kung saan nag pupunta eh, kahit sa mars pa iyon ay bahala sya sa buhay nya. 

kaso hindi ko talaga mapigilan mag alala, dahil alam ko naman na may parte rin sa akin na kasalanan ko kung bakit nag kakaganun ang kapatid kong iyon. kung ito lang din ang paraan nya para mag higanti sakin edi okay, kahit papaano ay nakakabawi naman sya sa kanyang ginagawa.

kahit na hindi ko pinapa halata yun, but deep inside simula nung araw na nag r-rebelde na ulit si ava ay wala na akong tulog na matino. ewan ko nga rin kung bakit hindi ako mapakali na wala sya bahay at ang malala pa, hindi ako maka focus sa aking trabaho pag may nasasagap akong balita sa mga pinag gagawa nya. 

katulad na lang nang pag sayaw neto sa bar na kahit na hinihipuan na sya ay parang wala lang sa kanya. meron din na may kahalikang lalaki na buti na nga lang nakakauwi pa ito na hindi buntis. wag na kayo mag taka kung saan ko nakukuha iyon, I have my own ways at hindi stalker ang tawag dun ah. ayus-ayusin nyo lang.

kadalasan ay nakikita ko rin itong kasama ang kanyang nobyo na si mike. pero as I said hindi magandang impluwensya ang lalaking yun kay ava, kita mo nga hinahayaan nya lang may kalampungan na iba ang kapatid ko, anong klaseng lalaki kaya iyon at hindi man lang nya pag sabihan ang bruha.

"move"

malamig na utos nang salarin sa aking harapan. doon ko lang napansin na ang tagal ko na palang naka tayo sa daanan, at kung hindi pa ako tinabig neto ay hindi pa ako magigising sa matagal na pag titig ko sa kanya.

"where did you go?"

agaran kong tanong habang sinusundan sya nang tingin, pero imbis na sagutin ako neto ay dire-diretso lang syang pumanhik sa kanyang kwarto at rinig ko pa ang marahas na pag sara nya sa pinto. 

wala sa oras napa buntong hininga na lang ang aking nagawa at binigyan nang pansusumamo na tingin si yaya, senyas na sya na ang bahala kay ava bago ako tuluyan umalis sa bahay upang pumunta na saking trabaho.

MY STEP SISTEROnde as histórias ganham vida. Descobre agora