Chapter 32

2K 105 8
                                    

Ava POV

Tak!

Tak!

Tak!

Tak!

"A-ava..."

Tak!

Tak!

Tak!

Tak!

"U-uy, Ava."

Tak!

Tak!

Ta---

"Ava!"

"What!? Ano ba kasi iyon?"

"E-eh, may problema ba?"

"Really, Mayo? Pinahinto mo lang ako sa ginagawa ko para matanong mo lang yan?"

"Eh, a-ano ba yung problema."

"Wala akong problema, gawin mo na lang yang pinapagawa sayo."

Masungit kong taboy sa kanya, at balak na sanang ipagpatuloy ang naudlot kong gawain. Pero, bago ko pa man magawa ito ay agad nya ulit kinuha ang aking atensyon.

"Kung wala, eh bakit galit na galit ka dyan sa paglagay ng tatak sa form? K-kawawa naman yung papel."

"Gusto mo ba ikaw na lang ang tatakan ko para matigil ka na dyan?"

"H-hindi naman kasi sa ganoon, pero seryoso ano ba ang buma-bagabag sayo, parang tatlong araw ka na kasing ganyan."

Pahayag naman nya, na halata sa boses nito ang pag-aalala. Dahilan yun upang kahit papaano napakalma nito ang sarili ko, hanggang sa marahan akong napaiwas ng tingin dito.

"Just some stuff, pero kaya ko pa naman i-handle Mayo."

Akin na lang alibi para matantanan na ako nito, which in fact isang malaking kasinunga-lingan para sakin iyon.

Tulad nga kasi nang sinabi nya, tatlong araw na ang naka-kalipas nang matapos ang nangyari sa office na pinuntahan namin ni damuho at hanggang ngayon parang wala lang sa kanya ito.

Hudyat para maging ganito na lang ang kilos ko na akala mo'y may malaking kasalanan sakin ang mundo. 

Pero totoo naman talaga may kasalanan si damuho sakin, kaso wala lang sa kanya yun.

Kaya sinong gaganahan yan, kung ang taong nag papaligaya rin sayo ay walang kaalam-alam?

"S-siguro nga, lalo na't ilang oras na pala tayong naandito. Actually, 15 minutes na lang ay end time na natin, gusto mo bang kumain muna bago umuwi?"

"I'm still full. Sa tingin ko ay sa susunod na lang slut, parang gusto ko na muna magpa-hinga agad pagtapos nito."

"Ganoon ba? Osige, edi mauuna na muna kami ni Furo, Ava ah."

"Sure."

Ang tangi ko na lang na respond habang nakatuon na ang aking atensyon sa form na nilalagyan ko ng tatak.

Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang kusang tumigil saking ginagawa at napa sandal na lang nang matamlay saking upuan.

"Damn it."

Marahan bulong ko pa sa ere, nang wala man lang pahintulot dumapo ang pangu-ngulila kong nararamdaman saking katawan.

Ganito ba talaga yung feeling na magtampo pero wala naman sumusuyo? Hindi ko akalain na nakakainis pala syang maranasan. Sapagkat, kahit gusto ko man lapitan si damuho ngayon pero sa tuwing na-aalala ko ang ginawa nya that time ay bigla na lang lumalamang ang sakit at pride kaya natitigil nito ang plano ko.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now