chapter 24

3.3K 134 41
                                    

Shan's POV

"Here goes the airplane, say aahh"

Ngunit imbis na ngumanga ay tinaasan ko lang ito ng kilay at pasimpleng iniwasan ang kutsarang naka tutok na sa bibig ko.

Nahagip naman sa aking paningin ang walang pakundangang buntong hininga neto sabay napa irap pa.

"Alam mo damuho, isusubo mo na nga lang ito at ngunguyainPinapahirapan mo pa ako."

"Kasalanan ko ba na hindi ka nakikinig."

"Ayan na naman yang linya na yan, pang ilang beses na yan."

"Sa totoo naman ava eh, ikaw lang tong nag pupumilit. ang sabi ko naman sayo nang ma klaro diba, kaya ko na."

"Paano ako maniniwala eh sa pag upo mo pa nga lang hirap ka na nang ikaw lang mag isa, sa pag hawak pa kaya nang kutsara?"

Prangkang sagot nya, hindi ko naman mapigilan mapa ingos sa sinabi neto dahil totoo ang kanyang pahayag.

"Kahit na, asan ba kasi si yaya at ikaw ang nandito?"

"Oh gosh, bakit mo ba kasi hinahanap yung taong wala eh nandito naman ako?"

"Ayaw ko sayo."

Straight to the point kong sagot. Napa ngisi naman sya nang wala sa oras, kaya mas lalo pa akong nainis. Sino ba naman tao ang nanaisin na mag alaga sa kanya eh sobrang daming kalokohan sa utak? Kahit na sabihin pa nyang inaalagaan nya lang ako. Sure akong hindi lang doon ang gagawin nya.

Ika nga nya, this is her chance. Oh, anong dapat i-react ko dun? Alangan ngitian pa sya nang malaki at asahan ang mga susunod nyang gagawin. Please lang, may sakit lang ako hindi pa ako nawala sa pag iisip.

"As if you have a choice, shan. Kung ako sayo kumain ka na dahil kailangan mo pang uminom ng gamot."

"Give me the food then, at ako mag susubo sa sarili ko."

"No, I can do that."

"Edi walang kakain."

"Okay, you give me no choice then."

Anas nya, agad naman ako nag taka nang sya ang kumain sa nakalagay sa spoon, pero ganun na lang ang aking gulat nang bigla itong lumapit sakin na buti na lang naharangan ko agad ang noo neto.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now