chapter 26

3.2K 140 32
                                    

Shan's POV

Its been 3 weeks already na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag iwas ko kay ava simula nung araw na ginawa nya yun sakin.

And as of now ginagambala pa rin ako nang ala-ala na iyon, kahit anong pilit ko maging abala sa aking trabaho ay sumisingit pa rin ito.

Ni hindi nga ako nakakatulog nang maayos dahil kahit pati na rin sa aking panaginip ay dumadalaw ito.

Dapat nga ay i-confront ko sya sa ginawa nya upang sya ay madala, pero paano ko gagawin yun kung pati rin naman ako ay bumigay? Kaya imbis na tapang at inis ang pumalibot sa aking katawan.

Eh tila nabuhusan ako nang hiya kaya hindi ko ito malapit-lapitan. Although, wala akong kasalanan dahil may sakit ako.

Pero nangyari na kasi ang dapat na hindi mangyari, and being an honest person I'm sure na kapag na corner ulit ako madadag-dagan na naman ang aking kasalanan.

Kaya mas maganda nang lumayo habang maaga pa kaysa sa huli na. Hindi naman ako pinahirapan ni tadhana para maka layo lang dito.

Bagkus ay tila sang ayon pa nga ito sakin, dahil kapag gusto nung bruha na lumapit ay kusang ang paligid na namin ang gumagawa nang paraan upang hindi ito matuloy.

At ang dating maaga kong pag uwi sa bahay, ngayon ay nagiging 2am na ng umaga, para lang masiguro na tulog na nga ito pag uwi ko.

So right now, I'm in the company again, at kahit na uwian ko na ay nandito pa rin ako, mas minabuti ko na lang ilaan ang aking atensyon sa mga aking gagawin para pampatay oras lang.

Siguro nga kung empleyado lang ako eh baka tanghalin akong employee of the year, paano ba naman kasi ang mga papel na nasa harap ko ngayon eh 2 months pa kailangan, tas ito malapit ko nang matapos.

Kung hindi lang kasi dahil sa bruha na yun edi sana nag sasaya kami ngayon ng kama ko.

Pero tsk, isipin pa lang na baka mas maging malala pa ang kanyang gagawin kumpara sa dati ay...

Kasabay nang pag litaw saking ala-ala ang mga nangyari noong isang araw, kaya agad akong pinamulahan nang mukha at hindi pa ako kuntento dahil pabagsak ko lang naman sinandal ang aking ulo sa table.

"Susko naman, kung kailan na set aside ko na eh, bigla na naman bumalik."

Angal ko saking sarili at mangiyak-ngiyak na napa tingin saking ginagawa na hindi ko na alam kung saan ako nahinto, kaya imbis na ipag patuloy ay minabuti ko na lang iligpit ito dahil 1:50 am na rin naman na at 10 minutes na lang ay uwian ko na.

Sakto na yun saking pag lakad papunta sa basement parking, kahit ramdam ang ngalay saking katawan at lugmok na aura. Eh naibalik ko naman sa maayos ang kaninang magulo kong lamesa, at maingat nang lumabas sa office...
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Saktong 3am ako nakauwi sa bahay, maingat kong sinara ang pinto upang hindi ako makagawa nang ingay, and as usual tahimik at madilim na paligid ang sumalubong sakin.

Aking munang napag pasyahan na umupo sa sofa at malayang sinandal ang pagod kong katawan.

Mamaya kasi ay magigising na naman ako ng 5am upang hindi lang maabutan si ava, pero sa isang oras lang na pahinga ko ay hindi ko pa masusulit dahil ilang minuto pa ako bubulabugin nang aking utak bago ko mahanap ang aking antok.

Kaya ganito na lang ang aking pag kalantay, taimtim ko na lang muna pinikit ang aking mata at nag hintay saglit na bumalik ang aking lakas.

Kaso, hindi rin naman nag tagal nang bigla akong napadilat dahil may naramdaman akong mabigat saking kandungan.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now