Chapter 35

2.6K 119 25
                                    

Shan POV

"For fuckin 3 days, hindi mo man lang..."

"For 3 days hindi mo ako binisita at i-confront..."

"Hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinag alala at blah, blah, blah..."

"And you have the guts para ulit-ulitin iyon sa utak mo nanparang sirang plaka, shan?"

Marahan kong tanong sa sarili habang mag damag na nakatulala sa kisame.

Its already quarter to 4 am pero hanggang ngayon ay ito, malaya pa rin nakahilata sa kama ko.

Habang pinapa-kiramdaman ang hang over saking ulo na sinabayan pa ang ma-klaro na alala sa mga kaganapan, kagabi.

Damn this hang over and damn this embarrassment. Kung matagal ko lang alam na ganito pala ang kinahi-hinatnan ng mga nasobrahan sa alak eh sana hindi ko na naisipan pang sumama kayla Ava.

For Pete's sake, nagawa mo pang mag paalalay at mag paalaga sa bunso mong kapatid imbis na ikaw dapat ang gumagawa yun.

At hindi lang yun ah! Kung anu-ano pa ang sinasabi mo sa harapan nya na akala mo ay nakikipag-usap ka lang sa manika. Anong mukha ang ihaharap mo yan ngayon, shan!?

Mariin kong litanya saking sarili at wala sa oras binaon ang mukha ko sa unan, upang magbaka-sakali na mag laho ang aking kahihiyan.

Ngunit, hindi rin naman ito nag tagal nang maramdaman ko na ang pagkapos ko sa hangin hanggang sa napapikit na lang ako ng wala sa oras.

I must need to get up now, dahil mala-late na rin ako, maka-kalimutan na rin naman siguro ni bruha yun dahil marami rin syang iisipin.

Pero, saan nga ba ako mag sisimula kung kahit ang katawan ko ay ayaw naman sumunod saking kagustuhan?

I swear, last na talaga ang pag-iinom ko na yun! Being a wasted person eh sa umpisa lang pala masaya pero kapag dumating na ang bukas isang sakit sa ulo naman pala ang kapalit.

Akin pa rin naman sinubukan bumangon sa kama, subalit nang hindi pa ako tuluyan naka katayo, eh bigla ko na lang naramdaman agad ang pagka hilo.

Wala tuloy sa oras na napa dapa na lang ako at mariin ulit ipinikit ang aking mata.

"I see, you're still not in a good condition huh?"

Litanya ng isang salarin na agad nag kuha saking atensyon, dahilan upang akin rin itong ika-irap. Pero bukod pa doon, ni hindi ko rin mapigilan kabahan..Siguro dahil na rin sa hiya sapagkat hindi ko naman nalimutan ang aking mga pinag-gagawa. 

"W-who told you na pwede ka pumasok sa kwarto ko?"

"Oh, wala naman... Sadyang kaya ko lang magawa ang gusto kong gawin."

"What do you want?"

"You."

"Pwede bang sagutin mo muna ako nang maayos kahit ngayon lang."

Mariin kong pakiusap, hindi pa ba nya nakikita ang sitwasyon ko? At nagawa pa nito mag biro na akala nya ay nakakatuwa? Literal na hindi naka-katuwa dahil hindi ko rin maantig ang kakaibang reaksyon ng aking katawan na tila'y ngayon ko lang naranasan.

"But I'm saying the perfect answer to your question, Shan."

"Arggh..."

Ang tangi ko na lang nasabi, dahil sa sobrang irita na sinabayan pa ng kirot sa ulo.

"By the way, here. Dinala ko na lang yung breakfast mo dito kasama na ang gamot para sa iyong hangover."

Kanya naman paliwanag na akin na lang hinayaan habang patuloy pa rin naka baon sa unan ang aking ulo.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now