Chapter 60

1.2K 70 15
                                    

Shan POV

"M-ms. Shan, c-closing time na po."

Alanganin na pukaw sakin ni aryana subalit imbis na mahinto ako saking ginagawa, marahan lang ako nag respond dito habang hindi na nag abalang lingunin sya.

"Pwede ka ng mauna aryana tatapusin ko lang ito, meron pa bang mga gagawin iwanan mo na lang dyan ako na bahala."

"Ms. Shan...Three weeks na po kayong ganyan... Halos lahat po ng mga gagawin ninyo ay natapos nyo na...pero mukhang hindi nyo na naman po ginalaw ang pagkain na inihanda ko sa inyo."

"Hindi pa naman ako pagod at gutom...Sige na umuwi ka na alam kong madami ka pang gagawin sa inyo."

"Nag aalala rin naman po ako sa kalusugan nyo ms. Shan"

Determinado nyang dahilan hudyat ng pag buntong hininga ko sa harapan nya at doon sya nilingon.

Klaro naman sa itsura ni aryana na nag sasabi ito ng totoo, pero...kailangan nya ba talaga mamilit sa hindi ko naman kagustuhan? Imbis kasi na maging grateful ako eh tila mas naalibadbaran ako sa pagiging makulit nya.

"Fine, kakainin ko itong dala mo,pero uuwi ka na. Understand? "

Well, ano pa bang magagawa ko, kahit naman pag buntungan ko sya ng inis ako lang itong mapapagod dahil aware rin naman akong hindi tama ang mag palipas ng kain. But swear hindi ko talaga ramdam na umaalburoto ang sikmura ko.

Mabilis naman itong sumang ayon saking kagustuhan at kasabay yun ay kinuha ko na ang pagkain na lumamig na dahil sa paghintay sakin.

Kahit na hindi ko ito masyadong malasahan ay inubos ko pa rin tulad ng aking sinabi.

"Here ubos na ayos ka na ba?"

Pagkaraan kong tanong dahil kahit naman naka kain ako ay hindi naman nabawasan ang mabigat na damdamin na dinadala hanggang ngayon ng dibdib ko.

"Ms. Shan... K-kung ano man iyang dahilan ng pagiging malungkot mo I hope wag mo na ito paabutin sa punto na sumusuko ka na rin sa sarili mo... Dahil diba mas nakaka regret kung pati ang sarili natin ay hahayaan na lang din?... Hindi mo ma d-discover kung ano at sa anong dahilan kung bakit natin nararanasan ang ating kinalalagyan... And worst... Hindi na masusulit pa ang mga paparating na araw na... iyon na pala ang naging magandang bunga sa mga sakripisyo natin ngayon..."

Marahan na pahayag ni Aryana, na kung tutuusin ngayon ko lang din sya nakitang ganito...hudyat yun kaya taimtim lang ako napatingin sa kanya na walang masabi.

"Sige po ms. Shan uuwi na po ako."

Pagkaraan nyang putol sa tahimik namin paligid bago tuluyan syang umalis sa harapan ako.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas napatayo na lang din ako sa aking upuan at naisipan na rin umalis dahil tuluyan na akong nagambala sa sinabi ni Aryana.

Regret...

Mag sisisi ba talaga ako sa huli kapag hindi ko hinayaan pigilan ang aking sarili sa ganitong kinikilos ko?

Pero kahit naman ako ay hindi ko ito ginusto, ngunit ano ang aking magagawa kung hanggang ngayon parang kahapon lang nangyari ang pag iwan ni Ava sakin sa ere.

All of her words and promises is broken in just an hour... because she want it too...and now saan ako mag sisimula ulit kung pati ang trust at confidence ko ay tuluyan rin nawasak, imbis na iyon ang aking kailangan para manumbalik ulit sa dati..

I hate this, I..I hate it...

--------

"W-welcome home mam..."

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now