Chapter 55

1.6K 88 5
                                    

Someone's POV

"Are you serious about this?"

"Absolutely sir."

"W-what? Why? H-how?"

Puno ng tanong saking naguguluhan na isipan. Matapos ko kasing makita ang ibinigay ng aking tauhan, tila bigla na lang gumulo ang kalmado kong utak. 

"I can't believe this, p-paano, paano nila nagawa sakin ito?"

"According sa nag abot yan sir, nag simula ito sa event ng XYZ company na pinag mamay-ari ni Mr. Dulyo...Dito sila nagkaruon ng tyansa upang makamit ang nais nila..."

Marahan naman na paliwanag ng aking kausap, subalit ni hindi man lang nabawasan ang problema na bumabagabag sakin ngayon, lalo na't ramdam kong hindi magiging madali ang pag subok na sasalubong sakin ngayon.

"I need to go, kailangan makauwi na ako sa pilipinas sa lalong madaling panahon."

"Alright sir, ipapahanda ko na ang masasakyan ninyo ngayon din."

"Thank you...And by the way...She doesn't need to know."

"Sir?"

"You don't need to inform her."

Akin pang pag uulit kasabay ang mariin na pag titig dito para kahit papaano ay maintindihan nya ang gusto kong ipahiwatig. Hindi naman ako nabigo doon ng umayos ito ng tindig sakin harapan at nag salute bago tuluyan lumabas.

"Hindi nya kailangan malaman ito..."


----------------

Shan POV

"Anong meron at nagawa mong mag-aya?"

Diretsa kong tanong saking kaharap nang tuluyan akong makarating sa binigay na location nito, pero imbis na sagot ang aking makuha ay nagawan nya muna akong senyasan na umupo. Kaya bagot na sinunod ko na lang din ito habang sya ay taimtim lang akong tinitignan.

"May nasagap kasi akong balita...na sobrang kakaiba."

Pagkaraan nyang udlot sa katahimikan that makes me chuckled sarcastically, alam ko na kasi kung saan patutunguhan ang usapan na ito. Sabagay, ano nga ba ine-expect ko kung magka dugo sila ng taong nag ngangalang romeo?

"And let me guess, gusto mo rin akong sabihan na, nahihibang na ba ako, hindi ba lara?"

"Well, you're not wrong about that pero hindi ko rin sasabihin na 101% mo nakuha ang pakay ko."

Kanyang pahayag sabay ngiti nito sakin na nakakaloko, dahilan para mapaingos ako dito. Ano na naman ba kasi ang gustong ipaglaban ng mga ito? At ang bilis naman ata nya nasagap ang nangyari.

"If that so, pwede mo na ba sabihin, nasasayang mo na kasi ang oras ko."

"You don't need to be mean shan kung gusto mo lang umiwas sa mga katanungan ko. Just say you're scared, edi wala na tayong sasayangin na laway pa."

"Don't you dare mock me---"

"Isn't she's your step-sister?"

"Half-sister."

Agad kong mariin na pag tama na ikinataas nya lang ng kilay, sabay uminom muna ng kanyang inumin bago ulit itinuon ang atensyon nya sakin.

"Oh, really...But that's what Ava said."

"Yun lang ba talaga ang pakay mo sakin? Look, kung gusto mo lang naman pala malaman ang ugnayan namin dalawa tanong mo na lang kay ava, dahil wala rin akong alam kung bakit ganoon ang pakilala nya sa inyo."

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now