Chapter 51

1.6K 92 13
                                    

Ava POV

"Come on, shan ano ba kasi ang pinag usapan nyo ng mokong na yun?"

Limang beses ko ng tanong sa aking kausap matapos akong tuluyan makarating sa kanyang office. Ni hindi nya nga ako napansin na nasa harapan na ako nito kung hindi ko lang sinunggaban ang na-nanahimik nyang labi upang makuha lang ang kanyang atensyon.

However, dahil saking ginawa ay isang hampas sa balikat ang binalik nito sakin. At ngayon, para akong hangin sa harap nito dahil patuloy pa rin sya sa kanyang ginagawa ngunit may kasama ng pag m-mukmok.

Well, I can't help It. She's really pretty ng walang kahirap-hirap. that's why hindi ko masisisi si Romeo na ma-over heels ito kay Shan. 

"Tapos na ba ang klase mo kaya ka ng gugulo ngayon?" 

"Hmm, not exactly."

Honest kong sagot dahilan yun upang ako ay lingunin nya. Mabuti naman at nagawa na ako nitong tignan pero sa naka kamatay na paraan nga lang.

"Eh bakit ka nandito? Balak mo bang sirain yan pag aaral mo?"

"It's not like that, nandito kasi ang pakay ko that's why."

"If I remember tapos na ang ojt mo. Pumasok ka na nga sa school, wag kang magulo."

Halata sa boses nito ang pagka-irita, pero imbis na sundin ko sya ay nagawa ko na lang ulit tumayo saking pagka upo at lumapit dito. 

"Ang sabi ko umalis ka bruha hindi ang lumapit."

kanya pang dugtong, but as usual tuluyan na lang akong napa-upo sa desk nya habang bagot syang tinignan.

"Wala rin naman siguro akong sinabi na mag o-ojt ako dito diba? I'm asking kung ano napag usapan nyo."

"Bakit ba gusto mo malaman? Ikaw na nga itong hindi binibigyan ng iisipin, pinipilit mo pa."

"Eh bakit ayaw mo rin ba kasing i-share?"

"seriously, nakinig ka ba sa sinabi ko?"

Litanya nito pero isang malawak na ngiti lang ang iginawad ko sa kanya, dahilan upang mapa buntong hininga ito at mapasandal sa kanyang swivel chair.

"Aren't you too tired?"

Pagkaraan kong litanya habang taimtim pa rin syang pinag mamasdan. Kaya lang naman gusto ko malaman ang pinag usapan nila upang mabawasan kahit papaano ang kanyang iniisip, but I think kaya ayaw nya rin sabihin iyon dahil nga alam nya na iba ako kumilos kumpara sa kanya...na kailangan nadadala sa maayos na usapan.

"You're not wrong about that, kaya pwede ba wag ka na muna makulit?"

"You're too mean sa girlfriend mo shan, don't you miss me?"

Pag kunwari kong tampo kasabay pa ang lungkot-lungkutan sa kanyang harapan habang pasimple rin na lumapit dito.

"It's not lik---what are you doing?"

Mabilis nyang tanong ng ako'y mag tagumpay umupo sa kanyang kandungan, hindi naman kasi ako ganoon kalayo sa pwesto nya lalo na't sumandal pa ito kaya madali lang talaga ako makasingit sa pagitan ng desk at upuan nya.

"Hmmm...Girlfriend duty?"

"You really are stubborn aren't you?"

"Nothings change naman sakin damuho~ yung feelings ko lang~"

Malambing kong pahayag sa harap nya matapos kong isukbit na rin sa kanyang leeg ang dalawa kong braso habang patuloy lang nakatitig sa kanyang mukha na ngayon ay namumula na.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now