Chapter 62

1.1K 66 15
                                    

Ava POV

"Ava, girl sasama ka ba samin mag lunch ngayon?"

"Yes, saglit lang malapit na rin akong matapos dito."

"Oh sure, may 10 minutes ka pa naman masipag girl."

Nakangiting pahayag ni Aris, one of my friends dito sa states. Isa sya sa mga nakasabayan kong grumaduate sa university na napasukan namin.

At isang coincidence lang talaga na pati sa trabaho ay makakasama ko ulit sya, mabuti na nga lang at filipino rin ito kaya ayos lang na mag tagalog kami pwera na lang kung kami lang dalawa ang mag kasama.

"Done! Tara na aris."

"Sure, by the way kanina naka ilang ring ulit yang phone mo ah pero hindi mo pa rin sinasagot, bakit?"

"Well, hindi naman kasi importante ang taong yun."

"Why? One of the flings mo lang ba?"

"I don't have any flings aris."

"Seryoso? Sa ganda mong yan wala?"

"Yup, bukod sa may nag mamay ari na sa puso ko, wala rin naman kasi taong makaka lamang doon."

"What do you mean about that?"

"Let just say, we're not together anymore pero...sya pa rin ang mahal ko."

"Oh I see, faithful as heck? Bakit ayaw mong subukan? Malay mo maging effective."

"Hmn, that's not gonna happen..."

"Bakit naman?"

"Gusto ko lang umiwas sa gulo."

"Well, sabagay-sabagay..."

Ang pag sang ayon nito sa huli...it is 12 in the afternoon dito sa states at ngayon ay lunch time namin kaya malaya kaming nag uusap ni aris.

Its been 3 months already ng huli kong makita si Shan, at hanggang ngayon tila parang kahapon lang ng iniwanan ko ito sa hindi magandang sitwasyon.

Kaya kahit nagagawa kong ngumiti sa iba...deep inside nakakulong pa rin ako sa pangungulila ng presensya ni shan.

After rin kasi na makarating kami sa states ni dad, agad na akong nag palipat sa dorm na papasukan ko dahil, ayaw ko rin mag tagal sa tabi nila lalo na't galit pa rin ako dito at kahit sa sarili ko, dahil saking nagawa.

'that was the biggest lie I ever told you.'

Fuck it. Fck those words kinasusuklaman ko talaga iyon sobra, dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ko sobrang nasaktan si Shan nung araw na iyon.

Kung mas may kapangyarihan lang sana ako para kaya kong labanan si dad ay hindi mangyayari ito eh...pero dahil sa wala, kailangan ko sumugal para mangyari ang kagustuhan ko...pero sana nga lang mangyari...

"Ava to earth? Ang lalim na naman ng iniisip mo."

"Sorry about that aris."

"Its fine, by the way..panoorin mo itong news may eroplano daw na nag crash papunta sana dito sa states pero ayun nga na crashed.."

Kuhang atensyon sakin ni aris, dahilan para sundin ko ito. Subalit habang nakikinig bakit parang may iba akong nararamdaman?

Pagkaraan na pag tataka ko saking sarili at mas lalo pang lumala ng mag ring ulit ang aking phone dahilan para magulat ako at hindi sadyang natabig ang baso na nasakin gilid.

Crack!

Hudyat upang marinig sa paligid ang ingay na binigay nito. Marahan lang naman akong humingi ng pasensya sa iba at pupulutin na sana ang bubog.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now