Chapter 53

1.6K 92 5
                                    

Shan POV

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi."

Isang malamig na boses ang bumungad sakin ng tuluyan akong nakarating sa bahay. Taimtim ko lang naman syang tinignan matapos kong isara ang pintuan.

"Bakit gising ka pa, madaling araw na ah?"

"Alam ko."

"...I see, sige una na ako."

Ang tangi ko na lang nasagot, sapagkat hindi ko sya kayang masakyan ngayon dahil na rin sa antok at pagod. 

"Damuho."

However, bago pa man makatapak ang aking paa sa hagdanan ay agad na akong hininto ni ava. Dahilan upang mapalingon dito, balak ko sana syang sungitan sapagkat aking naisip ay mukhang mag sisimula na naman ito ng away.

Pero ganun na lang din ang aking pagka bigla ng bumungad sakin ang teary eyes nito bigla rin tuloy nag laho na parang bula ang antok ko.

"A-are we really good?"

"O-of course, bakit mo naman natanong yan?"

" Then, bakit parang ang lamig mo pa rin sakin? Galit ka ba dahil sa ginawa ko kay romeo?"

"No it's not--"

"You're saying that pero klaro naman sa kilos mo...Bakit hindi mo na lang sabihin sakin na kaya hindi mo masabi ang tunay na dahilan dahil wala ka pang tiwala sakin."

"N-no---"

"Even you deny It halata naman shan...Doon pa nga lang sa usapan ninyo grabe na ang pag layo mo sakin upang maiwasan mo ang mga katanungan ko...Okay lang sana kung ganoon eh pero hindi...You always say na ayos ka lang kahit halata naman na hindi."

"Ayaw ko lang naman mag alala ka bruha ayaw ko lang na may ii--"

"Iisipin? Bakit ganito na ba talaga kahina ang tingin mo sakin? Sa ginagawa mo ba ngayon, na lessen ba ang worry ko? Naging effective ba para sayo?"

Garagal nyang tanong hanggang sa tuluyan na itong umiyak sakin harapan, which cause my body got stiff, ngayon na lang ulit kasi sya naging ganyan saking paningin but this time mas malaki ang impact nito sakin.

" I-I'm strong, I'm independent, pero pag dating sayo nag kukusa na lang ang aking sarili maging maamo, b-but I think dahil sa ganitong ugali ko, parang mas nagiging pabigat pa ako sayo imbis na hindi dapat."

"D-don't say that."

Malungkot kong litanya, dahil mali, sobrang mali ang sinasabi nito. Pero kung sa tingin nya ay ganoon ang pinapahiwatig ng aking mga kinikilos, hindi ko intensyon yun. 

"I-I think you're right, we really need to sleep now, baka p-pagod lang ito...Forget everything I said."

Pilit ang ngiti na pahayag nito matapos nyang bitawan ang aking braso at nauna ng mag lakad kaya ang tangi ko na lang nagawa ay sundan sya ng tingin. 

Hindi ko ito ini-expect, hindi dapat ganito...Gusto ko humingi ng tawad pero hindi pa rin iyon enough upang matanggal ko ang lungkot na, naitamo ko sa kanya. P-pero ayaw ko rin naman na matapos ang araw na ito na hindi kami magka ayos. 

"R-romeo..."

Marahan kong banggit sa pangalan ng aking kaibigan hudyat upang ikahinto naman ito ng kaharap ko. Ngunit, hindi man lang ito tumingin sakin.

"R-romeo told me na hindi tayo pwede sa isa't - isa...H-he told me na kapag pinag patuloy natin ito marami ang masasaktan...A-and If I become selfish...w-wala na rin daw akong pinag bago sa taong kina-susuklaman ko dahil...parehas na lang din ang ginagawa ko sa nagawa ng taong iyon dati saking magulang.."

MY STEP SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon