🍯3

168 14 21
                                    

"Pakisabay!" Saad ng bastos na poging lalaki na Honey lang ang binili. Pinunch naman ito ng cashier.

"Kulang pa po ng 421 pesos." Saad ng cashier.

"Here" abot ng lalaki ng isang libo. "Please separate that honey." Inihiwalay nga rin ng bagger ang honey niya. Honey nakakahiya ka. "Miss wala bang thank you?"

"Salamat pero sana hindi mo na ginawa. Kinulang na nga ako dahil nahulog ang pera ko, wala pa akong pamasahe pauwi. Nanggigigil ako." Isa pa iyon sa problema ko. "Uhm excuse me guard, pakibantayan po ng pinamili ko, may nahulog po kase akong pera sa loob eh."

"No problem po ma'am" saad ng guard at tumalikod na ako

"I'll wait for you too." Feeling close naman yung guy pero hindi ko na lang pinansin. Tumakbo na ako sa may honey section at baka wala na akong maabutang isang libo.

Wala na nga.

"Aish I hate you!" Patalon pa akong nagdabog. At bumalik ulit sa guard para kunin yung cart ko. At hinintay nga ako.

"Need help?" Tanong pa ng lalaking ito.

"Ay hindi, Wala akong pera eh. Gagapang ako pauwi." Sarkastiko kong togon sa inis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at wala naman akong load kaya hindi ko matatawagan si mama.

"Let's go." Hinatak naman nito ang cart ko papuntang taxi bay. Ayos rin itong lalaking ito noh. Ang laki ng hakbang at may mahabang legs.

"Kuya ayos ka lang?" Hindi naman rin ako pinansin nito.

Tinignan ko ito sa likuran niya at mukha siyang mayaman at mabango. Malinis at maayos ang itsura niya. Mukhang may lahi rin ito. Parang Idol sa South Korea na Korean Chinese. Ang lakas maka NCT or EXO member na baby face na matured na ewan. Pogi pero mukhang may topak.

Nilagay naman na ng driver ang pinamili ko sa loob. At pumasok ang lalaki sa loob.

"Excuse me? Gusto mong iuwi ko yung pinamili mo? Ayaw mong sumakay?"

=

PS: First Impression ko po talaga kay Jay yan, He's like a Chinese. Mapagkakamalan ko siyang SM Ent. Trainee kung nasimulan ko ang ILand. Pero yun nga. Ang lakas niya pa nga maka NCT Member for me na naligaw sa Enhypen haha. Own Opinion lang po skl hehe

Jyn🍯

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon