🍯16

71 5 0
                                    

Third Person POV

"Oo hehe. Sorry natulugan ko pati kumot mo nagamit ko pa." Pagpaumanhin ng dalaga kay Jay.

"Mukhang pagod ka na unang araw mo pa lang. Ang putla mo! Sa iyo na lang iyong pagkain ko at baka isumbong mo pa ako sa may ari na inaalila ka dito." Nilapag naman ng binata ang pagkaing may sabaw. Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit lumisan agad ng silid si Jay.

Sa paglabas ng binata ay kumuha ulit ito ng sarili niyang makakain na sarili niya ring niluto.

"Oh hyung nasaan na yung kinuha mong pagkain?" Tanong ni Jungwon kay Jay.

"Here. Isn't it obvious na kumukuha ako ulit?" Pamimilosopo pa nito.

"Nakita kita hyung eh. Pumasok ka sa kwarto dala mo tapos pag labas mo wala na. Binigay mo siguro kay Noona!" Sabi naman ni Sunoo na may ngiting nakakapangasar.

"Magdedeny ka pa ha!" Sabi naman ni Sunghoon.

"Shh! Ang ingay niyo. Tig isa kami ayos na kayo?" Sabi naman ni Jay at nagtungo ulit sa silid nila.

"Pwesto mo pala ito. Sige sa labas na lang ako kakain." Sabi ni Honey na nakaupo sa kama ni Jay.

"Huwag na!" Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ng binata ngunit mas nagulat ito nang umupo rin ito sa sarili niyang kama. "Hintayin mo rin akong matapos."

"Ang sarap naman nito. Sinong nagluto?" Tanong ni Honey habang sunod sunod pa ang pagsubo ng pagkain. Hindi siya sinagot nito hanggang sa parehas silang matapos kumain. "Tapos ka na? Huhugasan ko na eh!"

"Thanks." Pareho na silang lumabas ng silid kasama ang ibang miyembro habang si Honey naman ay naiwan sa kusina mag isa.

🐝🐝🐝

Honey's POV

Gabi na at tapos na rin sila kumain. Parang wala akong ginawa kundi maghugas at maglinis ng pinagkainan nila kahit nag order lang naman sila ngayong gabi at sandamakmak naman na basura ang inabot nila. Hindi na ako nakikain doon dahil nabusog naman ako sa kinain ko kanina pero mas mabusog rin ako sa tubig. Alas otso na at hindi pa rin ako nagugutom.

"Noona, anong oras ka po uuwi?" Tanong bigla ni Niki matapos kong magmop.

"Depende sa inyo. Sa akin ayos lang kahit anong oras." Sagot ko.

"Makakauwi ka na Honey. Pakisabay na lang yung pagtapon ng basura paglabas. Thank You!" Utos naman ni Heeseung at nagbow pa ako dito.

"Thank you. I'll be back tomorrow around 8am. Bye!" Pamamaalam ko pa dito sabay bow sa kanilang lahat.

"Annyeong Noona!"
"Jaljayo!"
"Goodnight!!"
"Bye Noona!"

Puro pamamaalam yung narinig ko sa kanila at tango lang kay Jay. Maliban kina Jake at Sunghoon na nasa labas at hindi ko alam kung saan nagtungo.

Lumabas na ako dala yung basura para itapon at pumasok ng bahay upang kumain. I enjoyed this day too. I guess I'm just happy because their loud, cute and marami sila. Unlike here na laging mag isa sa bahay. My parents are damn busy to their work at nagpapayaman.

Sana hindi na lang kayo nawala para hindi ako mag isa palagi. Siguro kung buo tayo, maingay rin ang bahay natin.

Maya maya ay sinearch ko sila. I forgot their group name that's why I just searched for 'kpop idol jay park'

"Ang dami namang Jay Park na idol... teka nga, bakit ba etong Jay ang hinahanap ko?" I scrolled down once more at natagpuan ko na siya "Enhypen Jay? Oo siya na nga!"

Nagtuloy tuloy na ang pagstalk ko sa kanila. They're Famous with more than 2 million subscribers and followers. Sana all!

🐝🐝🐝

"Hoy Honey! Tumayo ka na! Paalis na ako hindi ka pa rin bumabangon! Bumangon ka na para makapanik ka na ng maaga!" Dinig kong pagbubunganga ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Tinignan ko kung anong oras na. 6:38am pa lang. Pagka unlock ko naman ng phone ko ay ito ang bumungad sa akin!

"Aaakk!!" Napatili ako nang makita kong mukha na naman ni Jay yung nakita ko. Buti hindi ko napanaginipan.

"Hoy sigaw ka ng sigaw. Nakakahiya sa itaas at sa bisita dito!!" Sigaw ni Mama.

Sinong bisita?

= ♡ =

Helloo! Sorry medyo managal ang update. Peace rin dahil lagi akong may A/N at the end of per chapter. Nakasanayan lang hehe. Enjoy Reading hehez!

J y n

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon