🍯4

159 13 19
                                    

"Saan po tayo?" Tanong ng driver pagka upo ko.

"Sa bahay niya." Turo naman ng lalaki kaya wala akong choice kundi sabihin kung saan ang bahay ko.

"Bakit mo pala ako tinululungang ilibre?" Panimula kong tanong. Weird kase ni kuya eh. Bastos na mabait na abnoy.

"Hindi kita ililibre. Panigurado may pera naman sa bahay niyo diba? For sure you can pay me there." Sagot naman nito. Iba talaga ito.

Magkatabi kami ngunit nasa gitna namin ang honey niya. Nakakainis. Gusto kitang sisihin kaso mamaya na lang kapag nabayaran na kita. Hindi kita masisi dahil feeling ko tinutulungan mo ako. Ako pa magkakaroon ng utang na loob sayo bwiset.

Hindi naman ako takot sa lalaking ito dahil may pepperspray naman ako. Subukan niya lang akong gawan ng masama handa naman akong lumaban kung kinakailangan.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay tinanggal ko sa trunk ng taxi yung pinamili ko mag isa habang honey lang ang hawak niya.

"Come inside." Saad ko rito. Parang office naman ang Sala namin eh. "What can I get you? Coffee, juice, tea or water?" Tanong ko rito.

"Honey." Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Honey? Ako ba?

Ay illusyonada. Kinuha na naman niya yung honey niya at ininom. Lintek.

Umalis naman na ako at kumuha ng 600 pesos. Sinobrahan ko na lang ng kaunti. "Kuya bayad ko po." Lagay ko sa lamesita ng pera ko.

"May paupahan pala kayo?" Tanong naman nito. At tumango ako. "Do you have some vacant space right now?"

"Yes sir. Sa second floor po. Do you know someone who's interested?" Formal kong tugon.

"Ako. Kukunin ko ngayon na."

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon