🍯29

64 5 0
                                    

Nandito na kami sa tinutuluyan nila at naiuwi na ang lahat ng pinamili namin. Saglit akong dumaan sa bahay at pasikretong sinearch out of curiosity ang birthday ng bwiset na ito sa net dahil hindi na ako muling nagsalita pa mula nung tinanong ko iyon.

Seriously? Same birth year and birth date?

"Noona? Bad mood ka ba nung napag usapan namin yung sa comeback namin? Noona?"

"Ay palaka!" Gulat ko nung may tumusok sa tagiliran ko na nakiliti ako. "May sinasabi ka Sunoo?"

"Sabi ko bakit ang lutang mo ngayon?" Napairap na lang ako ng mata. "Uy pero seryoso noona, nagtatampo ka bang magiging busy kami for comeback? Porket magiging busy kami? Mamimiss mo kami noh?" Clingy pang sabi ni Sunoo. Kami lang dalawa dito sa kusina at inaayos ang pinamili kanina.

"Hindi naman kayo aalis eh, bakit ko kayo mamimiss?" Napairap pa ako ng mata, nang aasar lang ako.

"Kunwari ka pa!" Lumapit pa sa akin si Sunoo at mahinang nagsalita. "Sus mamimiss mo lang si Jakeu Hyung eh. Hindi mo madedeny yan!" Napakunot naman ang noo ko. Bakit ba parang baklang chismoso kung umasta itong batang ito? Saglit? Pati ba naman ikaw? Halata ba talaga ako?

"Anong meron kay Jake?"

"Patay malisya ka pa eh. Aksidente kong nakita yung edited wallpaper mo na may maliit na face ni Jake Hyung kaya sinabi ko kay Jay Hyung pero alam niya rin pala at tumawa lang." Tinakpan niya pa yung bibig ko. Alam niya sigurong sisigaw ako sa gulat. "Aylabyu noona kahit Jake Hyung biased ka. Don't worry, your secret is safe with me."

Pakyu Jay Park anong nakakatawa doon? Pero ang tanga mo self para hindi mo maitago iyon! Ang sarap magwala pero ayokong gawin itong big deal. Shut up na lang self. Palitan ko na lang.

"Ikaw pa rin favorite ko pero lagot ka pa sa akin kapag sinabi mo kay Jake na crush ko siya. Haist bwiset na lyf!" Mahina ko ring sabi dito dahil mahirap na at baka marinig kami ng ibang members. "Pwede mo lang sabihin sa kanya kapag sinabi ko na sayo. Hmp!"

"Noted noona! Basta ipagluluto mo ako shanghai!" Nag pogi sign pa ito. Pacute ka talaga Sunoo eh. Mukha ka talagang pagkain eh.

"Oo na. Gusto mo ngayon pa kita lutuan eh!" Natawa na lang kami.

At dahil hindi kaya ng oras at tamad magluto si Jay ay nag order na lang kami ng food for lunch. May pinag uusapan ulit silang hindi na naman ako makarelate dahil korean sila magsalita. Buong araw na lang?

"Aray ko!" Daing ko ng sakit. May nagbukas kase ng cabinet tapos bigla pa akong gumalaw kaya naumpog ako sa cabinet na binuksan niya sa uluhan ko. Bakit ba hindi ko naramdaman ang presensya niya?

"I'm sorry." Hindi ko alam kung kaninong tinig iyon ngunit nakilala ko iyon by his accent.

Pogi ka pero manakit ka. Ang clumsy mo rin eh huhu.

"Why naman ganon Jake?"

= ♡ =

Huhu medyo nangangalawang na utak ko biglang nag iba ang takbo ng istorya haha. I swear I didn't plan the scenarios in this chapter to happen. Anyways, Feel free to drop your thoughts positive man or hindi hehe. Enjoy Reading!!

Keep streaming Drunk-Dazed MV!

J y n ♡

Honey🍯 | Enhypen Jay FFWhere stories live. Discover now