🍯30

64 2 0
                                    

Honey's

"Why naman ganon Jake?" Napatakip naman ako ng bibig ko nang marinig ko ang sarili kong tinig. Nasabi ko pala?

"Sorry Honey shh Sorry." Hinarap niya ako sa kanya at hinimas himas niya pa ng kaunti ang parte ng ulo ko na tumama sa cabinet.

"Ayos lang, tanga rin ako eh hehe." Sabi ko pa rito sabay tanggal ng kamay niya sa ulo ko. Ang awkward.

Tumalikod na ako sa kanya at hinawakan niya ulit ang ulo ko nang buksan niya ulit yung cabinet para hindi na matamaan ulo ko. Nagpapakita ka ba ng motibo para rumupok ako sa iyo o sadyang marupok ako sa iyo Jake?

Tumingin naman ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit ako natawa pero napangiti rin siya. Nakuha na niya yung Snack.

"Kuhaan mo nga rin ako!" Iritang sabi ni boss Jay na umupo sa dining area at nakataas pa ang paa. Mukha siyang bad mood.

Binatuhan naman siya ni Jake ng Snack at nasalo iyon.

"I think you need this." Malumanay kong sabi kay Jay habang nilagay sa harap niya ang Honey niya.

"Thanks!" Halatang pilit ang ngiti nito pero bakit iba yung epekto nun sa akin?

🐝🐝🐝

Ni-Ki's

Nakatambay kami sa kwarto namin habang naghihintay ng hapunan. Nakaupo ako sa upuan dito dahil Mag isa akong nagpractice ng sayaw sa harap ng salamin dito.

"Hyung! Ang weird ni noona ngayon. Napuna niyo rin ba?"

"Oo nga hihi."

"Baka ganon talaga kapag babae. Noona ko rin kase weird minsan." Pagsingit ko kina Jungwon at Sunoo Hyung.

"Hindi naman siya ganoon kaninang umaga. Anyways, Huwag niyo na lang kulitin, baka mainis." Sabi naman ni Heeseung Hyung.

"Sunoo Hyung, Bakit kinikilig ka diyan?" Nilapitan ko pa at bigla namang nag iba ang ginagawa nito sa phone niya.

"Kinikilig ako sa pinapanood kong K-Drama." Sabay pinakita sa akin ng screen niya.

"Hyung, hindi ka kaya nanonood. Kanina ka pa nagseselfie diyan eh." Sabi naman ni Jungwon Hyung.

"Eh kasi ano-- HAHAHA~!" Bigla namang tumawa si Sunoo hyung na parang ewan. "Si Jay Hyung weird rin. Ang cute lang rin HAHAHA~!!"

"Weird ka rin kase bigla kang ngumingiti at tumatawa mag isa kaya cute ka rin. Okay ka na?" Sabi naman ni Heeseung Hyung at nagpout si Sunoo hyung.

"Oo nga medyo weird rin si Jay Hyung kanina simula nang mabanggit na malapit na birthday niya. Biglang naging good mood." Sabi ko naman tungkol sa naobserve ko kanina kay hyung.

"Tawagin nating matanda para maging bad mood!" Nahampas ni Heeseung hyung si Jungwon sa sinabi niya habang humahampas rin ng tawa si Sunoo hyung. Hayop kase magpatawa rin minsan ito si Jungwon Hyung eh, bastos.

"Hoy! Sinong matanda ang pinag-uusapan niyo?"

Hyung hindi uso kumatok sa iyo?

= ♡ =

Annyeong guys!! Sorry medyo late update than the usual. Babawi ako ng update soon hihi ♡

-  J y n




Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon