🍯26

71 3 3
                                    

Jay's POV

"Jay Hyung, where's Noona?" Niki asked when he saw me.

"Iniwan ko muna sa kwarto. Nilalagnat." I answered while getting some food.

"Jay Hyung, Hindi ba ikaw yung nilalagnat? Ngayon ka lang kase lumabas ng kwarto ninyo eh tapos si noona buong araw na abala dito. Bakit parang baliktad naman yata?" Tanong naman ni Sunoo.

"Magkakasakit talaga silang dalawa. Kayo ba naman maulanan tapos hindi agad nakasilong." Sabi ni Hee Hyung.

"Napuna ko lang, si noona kahit hindi maulanan, mukhang may sakit. Feeling ko lang ba iyon?" Si Sunghoon naman ang nagsalita.

"Sunghoon hyung, grabe ka naman kay noona maka noona, same lang kayo ng birth year nun. Baka feeling mo lang iyon hyung." Si Jungwon naman ang nagsalita at umupo sa lamesa.

Nakakuha na ako ng pagkaing dadalhin sa kwarto with my mouth closed. Until now, nagdadaldalan pa rin sila at hindi pa rin nagsisimulang kumain.

"Hey bro, bakit dalawa iyan?" Jake asked na nagpunta sa kusina to wash his hands.

"Sasabayan ko siyang kumain sa kwarto. Why?"

"Doon ka na lang sa table kumain. Ako na lang ang sasabay sa kanya."

🐝

Honey's POV

Nakaupo pa rin ako sa kama at nag isip. Sobrang hina ng katawan ko para dapuan agad ng sakit, naulanan lang saglit. Tama nga si mama, sakitin ako since birth.

*knock knock* "Honey?" Dinig kong sabi niya at binuksan ang pinto.

"Hi Jake hehe" pumasok sa kwarto si Jake na may dalang dalawang pagkain. Ang hinihintay ko dito ay si Jay, si Jake naman ang dumating hihi.

Nilapag niya naman sa center table ang pagkain at umupo kami sa lapag pareho.

"I'll eat with you." Am I hearing this right? Kaming dalawa lang? OMG. "Jay said you have a fever. What are you feeling right now?"

Ako? Ako'y kinikilig! Nakanta ko tuloy sa isip ko hehe. Pero seryoso, sino bang hindi kikiligin diba? Masolo mo ba naman crush mo hihi.

"I don't feel sick actually. May fever lang talaga ako." Sagot ko rito na may ngiti.

"Eat a lot. Kukuhaan pa kita ng food if you want."

"I'm fine with this. Thanks a lot Jake." Nahihiya ko pang sabi bago kumain. Is this a dream? Someone slap me please?

"That's nothing. One more thing, ihahatid kita sa ibaba later. I wanna make sure na makakauwi ka tonight." Ang gentleman naman pakinggan ni Jake. Hay nako, baka hindi lang kita maging crush kapag ganyan ka. Sorry na marupok ako eh hehe.

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang kahihiyan. Pinaglalaruan talaga ako ng malas at swerte ko sa buhay. Mukhang Swerteng malas ako eh.

Kumain kaming dalawa ni Jake sa room nila tapos ako pa rin ang naghugas. I insist dahil trabaho ko naman ito. Naalala ko tuloy yung sinabi ko kagabi kay Jay, mukhang dapat kong itatak sa utak iyon ha. Yung line na "I don't get paid to flirt."

After that ay hinatid na ako ni Jake sa ibaba, sa tapat ng pinto ng bahay namin. Akala mo ang layo ko nakatira eh hehe.

"Honey, Huwag ka nang magpunta sa amin tomorrow. Umabsent ka muna so you can have your two day rest." Panimula niya.

"Bakit two days?" Taka kong tanong dito

"You have your day off the day after tomorrow." Nanlaki yung mata ko sa gulat.

"Jinjja? Really?" Tumango lang si Jake. "Hindi ko alam yun. By the way, pag iisipan ko pa kung aabsent ako bukas. Kapag hindi kaya ng katawan ko, hindi ako pupunta sa inyo hehe."

"It's your choice. Hey Goodnight Honey. Don't forget to take your meds." He smiley said.

"Sure. Goodnight too Jake! Sweetdreams!!" Kumaway pa ako sa kanya bago ako makapasok sa bahay. Ang sarap magwala sa kilig. Baka mapanaginipan ko pa siya ih grrr!

Hindi ko na hinintay si Mama at uminom na ako ng mga gamot ko bago matulog. Sana okay na ako bukas. Unang linggo ko pa lang aabsent na agad ako, isa pa gusto ko ulit siya makita bukas. Hindi ko pa rin mawala sa isipan ko yung ngiti niya. Rold, please make me dream of me. Kaya pinikit ko ang mga mata ko habang nakangiti habang iniisip siya.

"Hey Papa! Sobrang Namiss kita!" Sabay yakap ko pa kay papa pagdating niya. Sinundo kase namin siya sa Airport ngayon eh.

"I miss you too Princess!" Pagkasabi ni Papa nun ay napabitaw na ako sa yakap niya. "Siya ba yung tinutukoy mong boyfriend?" Tanong ni Papa habang tinuturo ang lalaking kasama ko. Napangiti naman ako.

Yumuko at nakipagkamay naman siya kay papa. "Hello po. My name is Jay Park ans I'm Your Daughter's Boyfriend"

"What the Heck??!"

= ♡ =

Wazzup guys hehe! Skl ang ganda ng gising ko ngayon. Ang pogi ng dalawang nasa panaginip ko eh. Sina Heeseung at Sunghoon hihi! Tapos bigla tumugtog sa utak ko yung Chamber 5 na ang cute nilang lahat huhu.

Hope you enjoyed this part! Keep streaming Drunk-Dazed MV hihi!!

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon