🍯17

86 6 5
                                    

"Annyeong Noona Goodmorning!" Isang cute na pagbati sa akin mula sa isang cute na nilalang.

"Good Morning Sunoo-ya! Ano palang ginagawa mo dito?" Bati ko rin dito.

"Nakalimutan mong iuwi yung binigay ko sa'yo kahapon. Dinala ko na dito para hindi mo na makalimutan." Nakangiti nitong sabi na tila ba'y halos wala na ring mata. Kumpara sa napanood ko kagabi, mas magandang pagmasdan ang cute niyang mukha.

"Honey tumatakbo ang oras kaunting bilis naman. Mauuna na ako hijo." Sabi pa ni mama at nagbow pa si Sunoo sa nanay ko biglang pag galang.

"Salamat pala ulit dito Sunoo. Mauna ka na muna sa itaas at baka hinahanap ka na nila." Memasabi lang. Hindi talaga kase ako magaling mag open ng matinong convo eh.

"You're welcome Noona pero hindi nila ako hahanapin. Nagpaalam akong mangangapit bahay ako dito habang hinihintay ka." Medyo hiya pa nitong upo sa dining area namin.

"Ay ganon ba? Sige ipagluluto na lang kita."

"Huwag na! May dala rin akong pagkain. Sabay na lang tayong kumain!" Sabi nito at binuksan ang dala niya habang ako naman ay kumuha ng mga plato at kubyertos. "Luto nga pala ito ni Jay Hyung."

"Marunong pala magluto iyon? Wala sa itsura niya dahil mukha siyang ma-attitude na spoiled." Bulong ko lang iyon pero nang lumingon ako kay Sunoo ay nakatitig ito sa akin na parang inosente. "Nevermind that. First impression ko lang iyon. Kunwari wala kang narinig hehe." Umupo na lang ako ang ngumiti ng peke.

Nagsimula naman nang dumaldal si Sunoo. "Alam mo Noona, best boy rin yun. Determined siya sa bagay na gusto niya, He can lead sa group, Translator and Interpreter ng group for being fluent in 3 other languages, Fashionista ng grupo basta may kinalaman sa tela gusto niya, Chef Jay kase siya yung lagi naming taga luto, Malinis at masipag sa chores, effortless magpatawa, magaling magmasahe, madaling lapitan at kausapin, soft hearted, Sweet and Caring sa lahat, parang magulang rin talaga namin iyon kahit mukhang immature." Sa sobrang daldal nito ay hiningal rin siya sa pagsasalita kaya uminom ito ng tubig.

Bakit ba niya sinasabi ito? Ang lakas namang maka husband material ng kupal na iyon. Parang ideal guy ko kahit wala sa itsura niya. For sure biased lang siya sa kaibigan niya.

"Kaya advice lang Noona, ramdam kong mukha siyang Bad boy for you but don't look at him like that. Kapag nakita mo na yung best sides ni Jay Hyung na sinabi ko, Iwasan mong maging marupok at mahulog, mahirap na haha! Halos nasa kanya na rin ang lahat pwera sa dalawang bagay!" Daldal pa ulit nito. Mas madaldal siya kaysa kahapon, tinalo niya talaga kadaldalan ko.

"Ano naman iyon?"

"Kapogian at kakyutan. Si Sunghoon Hyung ang pinaka pogi at ako naman ang pinaka cute sa amin!" Pagkasabi niya non ay nagpa cute pa nga sya.

*Cutie Sunoo*

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*Cutie Sunoo*

"Ang dami mong sinabi puro kay Jay lang na hindi ko alam kung bakit pero kung magkukwento ka pa, bukas pa tayo matapos. Kumain na nga lang tayo, gutom lang iyan!" Pabiro kong sabi dito at doon na natapos ang daldalan.

Nag almusal na kami, hinintay niya talaga akong maligo at mag ayos. Hindi naman siya nabored dahil nanonood siya ng drama sa TV habang kumakain pa rin ng popcorn.

"Noona tapos ka na? Hintayin mo ako. Patapusin ko lang ito." Jusko beh, may bahay ka naman nakinood ka pa dito haha.

Patapos na rin ang pinapanood niya kaya hindi rin kami nagtagal at pumanik na. Nakakain na rin sila kaya tambak na hugasin na rin ang bumungad sa akin.

Nagsimula ang araw ko sa pagligpit ng pinagkainan hanggang sa paglalaba. Kahit marami ay hindi naman ganon kahassle maglaba dahil may apat na washing mashine dito ay lahat iyon ay may dryer na kapag kinuha mo ay nakakapaso ang init na parang plinantsa. Hindi rin nagtagal ay tanghalian naman na kaya pumwesto na ulit ako sa kusina at inuna nang magsaing sa rice cooker nila.

"What are you doing?" Tanong sa akin ni Jay nang nakitang naglalabas ako ng pagkain sa fridge nila.

"Magluluto malamang." Sarkastiko kong sabi. Lumapit naman ito sa akin at binuksan ang isa pang pinto ng fridge. Halos nakadikit na kami kaya dumidistansya ako ng kaunti. Ang bango niya.

"Ako na. Kung gusto mo dito, tulungan mo na lang akong maghiwa at mag ayos ng lamesa. Ako nang bahala magluto." Natural nitong saad why does he looks so cool for me?

Hoy babae! Hindi porket nakakakita ka ng lalaking hindi chef na nagluluto ay matu-turn on ka. Just be thankful dahil maski paano ay pinapagaan niya ang trabaho mo!

Nasolo namin ang kusina nang walang umiimik. Siya taga luto at ako yung naging assistant. He looks so serious but not scary. I'm getting distracted.

"Yah! Why are you staring at me?"

Honey🍯 | Enhypen Jay FFWhere stories live. Discover now