A/N: Oh diba, as I promised mag-uupdate po ako para sa inyo. ;) Next week po ng Saturday ay itatary ko po na makapag update ng 2 ulit para naman makabawi man lang ako sa inyo. ;) Uhm... hindi pa natin alam kung maannul ang kasal nila ni Lucky at Stephen abangan na lang natin guys. ;) So here's the next chapter.
STEPHEN'S POV
"Shit! Putangina talaga! AHHH!" sigaw ko. Inalis ko lahat ng papeles dito sa desk ko at kung ano pa man meron dito sa ibabaw ng desk ko.
"CRASH!"
"BLOGG!"
Wala akong pake kung ano yung nabasag basta ang alam ko galit ako at naiinis ako sa sarili ko. Aish! Ano ba ito?! Putangina! Gago mo talaga Stephen.
"Ano ba ya-- Stephen!" bigla ako napatigil ng marinig ko yung boses na iyon. Matagal ko na rin hindi narinig ang boses niyang iyon para bigla bang yung sistema ko tumigil. Bigla akong nanghina at napaupo sa swivel chair ko dito sa office ko.
Lumapit sa akin ang isang pinakamamahal kong babae at inalagaan ako noon. "Stephen, anak anong nangyari sa iyo?" biglang tanong sa akin ni Shiela Alvarez the one and only mom of my life. Nang hawakan niya ang pisngi ko ay bigla na lang ako nanghina at biglang tumulo yung mga luha ko.
Oo nakakahiya dahil umiiyak ako sa harap ng babae pero ano magagawa mo kung yun talaga ang nararamdaman mo na parang nanghihina at nawala lang ang lahat sa wala. Bigla akong yumuko at yumakap sa mom ko at doon rin ay humagulhol ako ng iyak.
"Sshhh....Tama na Steph....sabihin mo sa akin anong nangyari?" tanong sa akin ng mom ko pero umiling lang ako dahil naalala ko pa rin yung mga sinabi sa akin ni Lucky.
"Hay...kung ganun sige, hihintayin kita na mapatigil yung mga iyak mo. Hay nako ang laki laki mo na pero umiiyak ka pa rin." tumawa ng mahinhin yung mom ko pero wala na akong pake kung anong asar ang binato niya sa akin basta niyakap ko lang siya ng mahigpit dahil alam ko na kailangan ko siya ngayon.
"Oh ano na, pwede mo na ba sa akin sabihin kung anong nangyari at naging ganito yung office mo at kung bakit nagdadabog ka?" tanong sa akin ng mom ko. Nandito kami sa couch ko dito sa office at pinalinis na rin ng mom ko. Nang malinis na yung office ko ay kami na lang dalawa ng mom ko.
"Si Lucky....si Lucky sabi niya pagod na daw siya sa akin bilang asawa gusto na niya ata magdivorce kaming dalawa." hinintay ko yung magiging reaction ni mom kasi alam ko na maghyhysterical siya dahil gustong gusto niya si Lucky pero hindi ko man lang narinig yung paghyhysterical niya kaya tiningnan ko siya at nakita ko na nakangiti lang siya na hindi abot sa mata.
"Ganun ba? Sayang naman si Lucky, alam ko na mangyayari itong mga bagay na ito sa inyo." sabi sa akin ng mom ko, ako naman ay napatanong sa sinabi niya. Ano ibig niyang sabihin?
"Alam ko na ganito yung mangyayari sa inyo Stephen. Alam ko na mapapagod rin si Lucky at iiwanan ka rin pero sigurado ka bang na magdidivorce si Lucky sa iyo?" nang sinabi niya iyon ay bigla akong yumuko dahil ang alam ko ay humihingi lang sa akin si Lucky ng panahon para lang makapag-isip kung ipapagpatuloy pa ba namin yung kasal namin.
"Oh hindi pa pala eh ibig sabihin nun may pag-asa ka pa." Bigala akong tumingin sa mom ko. Nakita ko na ngumiti siya sa akin. "Oh bakit hindi pa naman niya sa iyo sinasabi na gusto na niya magpadivorce sa iyo diba? So ibig sabihin lang nun may pag-asa ka pa anak." bigla lumiwanag yung mukha ko at hindi ko rin mapigilan na ngumiti at yumuko ulit. Oo nga hindi pa naman sa akin sinasabi ni Lucky na gusto na niya magdivorce kami tsaka wala rin naman siya binibigay sa aking papel kaya ang ibig sabihin lang nun may pag-asa pa nga ako.
BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomanceIsang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakaya kaya niyang makuha puso ulit nito kung kailan bulag na ito sa pag-ibig ng iba?