Chapter 52: Gender

101K 1.2K 110
                                    

A/N: So here I am! Wooh! 4 chapters to go! Sana basahin niyo rin yung second story ko na The Hardest Phrase: Move On. So ano pa ba sasabihin ko? Wala na ata so here's the next chapter!


LUCKY'S POV

Pagmulat ng aking mga mata ay bumangon ako at tiningnan ko agad yung nasa tabi ko pero laking dismaya ko na wala siya tabi ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa side table ko at chineck ko kng nagtext siya pero kasamaang palad ay di man lang siya nagtext sa akin.

"Baby hindi nakauwi yung daddy mo." Sabi ko habang hinihimas ko yung tiyan ko. Tumayo na ako sa kama at nagpunta na ako sa CR para maligo at ihanda na rin yung sarili ko. Pagkabihis ko ay inayos ko na muna yung kama namin at bumaba na rin ako.

Pagkababa ko ay eksaktong pumasok si Stephen na halata pagod at puyat ito. Lumapit ako sa kaniya at hinwakan ko yung dalawa niyang pisngi. Nakikita ko sa mga mata niya na may pag-aalala at pagod. Ngumiti naman ako sa kaniya at gumanti rin naman siya ng ngiti pero hindi abot mata ito. Baka lang pagod ito.

"Ba't ngayon ka lang umuwi?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na nag-alarma siya at hinawakan naman niya yung dalawa kong pisngi.

"Hinintay mo pa ako? Dapat natulog ka na lang kaysa hintayin baka mapaano ba si baby." Sabi niya sa akin. Hindi ko na mapigilan na ngumiti dahil inaalala pa rin niya kami ng anak namin. Umiling ako sa kaniya at

"Hindi naman. Natulog naman ako pagkaalis mo." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na nakahinga siya ng maluwag at tinulungan niya ako paupuin sa sofa sa living room namin pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ang bango naman ng love ko." Bulong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapahagikhik sa sinabi niya at

"Kakaligo ko lang kasi Hub. Oo nga pala bakit ngayon ka lang nakauwi?" tanong ko sa kaniya. Tumikhim siya at

"Malayo kasi yung ospital na pinaconfine  ni...ni Paul tsaka ako nagbantay sa kaniya kasi yung asawa niya wala, nagtatrabaho yung magulang naman nila wala rin kasi pmunta sa ibang bansa." Sabi niya sa akin. Oh. Kaya pala ganun. Tumango naman ako at

"Kilala ko ba si Paul na iyon? Pinakilala mo na rin mo ba siya sa akin iyon?" tanong ko sa kaniya kasi yung mga kaibigan lang niya ay sina Troy at Nathan.

"A-ah eh. Hindi mo siya kilala Love. Uhm. Kaibigan ko siya kasi isa siya sa mga investor sa kompaniya ko at ayun isang araw naging magkaibigan na lang kami." Sabi niya sa akin.

"Ganun ba? Kaya ka pala pagod at halatang puyat na puyat ka." Sabi ko sa kaniya. Bigla ko na lang naramdaman na humigpit yung yakap niya sa akin.

"What a caring boss you are Mr. Stephen Alvarez sa mga kaibigan o employees mo." Sabi ko sa kaniya na nakangiti. Nakita ko na nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumawa ito ng pagak.

"Eh siyempre kaibigan ko yun at malaki rin nagawa sa akin i-iyon." Sabi niya sa akin. Dahil sa hindi ko mapigilan ay hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Nagulat naman siya at tumingin sa akin.

"Hihihi. Nirerechrge ko lang kita." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at tinulungan na niya ako patayuin. Hinawakan ko yung braso niya at

"Papasok ka pa? Maghalf day ka na lang o wag ka na lang pumasok halata sa eyebags mo na pagod ka." Sabi ko sa kaniya. Nag-aalala rin naman ako sa kaniya kasi siya na kasi nagbantay sa kaibigan niya na may dengue at nagdrive pa siya ng pauwi dito. Malayo pa naman yung ospital na pinaconfine nung kaibigan niya. Nakita ko na umiling siya at ngumiti

"I need to work Love for our baby rin naman ito kaya ako papasok." Sabi niya sa akin. Tututol sana ako ng

"Love please. Promise kapag may free time ako sa opisina matutulog ako doon o kaya magluto ka sa akin ng lunch para naman makain ko." Sabi niya sa akin.

A Wife's SufferHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin