Chapter 45: The Day

94.6K 1.2K 66
                                    

A/N: Hello guys! Holy Week na ba ngayon? Kung gayon, nandito po ako para mag-pdate sa inyo! Ah! Yes 2 days to go marereleased ko na yung second story ko! Wooh! Sana po suportahan niyo po iyon. :) So here's the next chapter!

STEPHEN'S POV 

Paggising ko ay parang mabigat na yung pakiramdam ko. Bumangon ako at umupo muna sa kama. Tiningnan ko yung calendar ko sa cellphone ko kung may reminder at oo may reminder nga. Ngayon nga pala yung sa Batangas. Ang galing talaga ni Ate dahil napapayag niya si Lucky na sumama sa Batangas. Nagtataka ata kayo kung bakit hindi kami nag-aaway o nagsuntukan man lang kami ni Andrei. Sa totoo, may deal kami. 

Ngayon ay nandito ako sa company nina Ate Shanice at Kuya Miguel. Habang naghihintay ako ay may dumaan na sasakyan sa tabi ko at nakikita ko dito sa labas na yung driver ay yung walanghiyang si Andrei. Nakita ko na napansin niya ako at ngumisi kaya bigla uminit yung ulo ko. Papunta na ako sa kaniya habang siya naman ay baba sa kotse niya. 

Pagkalapit ko sa kaniya ay susuntukin ko na sana siya pero 

"Ganiyan ka na lang ba Stephen? Mahilig manuntok sa kapwa mo?" napatigil ako kaya binaba ko yung kamay ko.

"Sa palagay mo Stephen babalik sa iyo si Lucky kung ganiyan yung pag-uugali mo? Akala ko ba nagbago ka na, nasaan na?" tanong niya ulit sa akin. Dahil sa ewan kung kahihiyan ko ba ay yumuko at bmuntong hininga. Pagkatapos ay humarap ako sa kaniya.

"Bakit ka ba nandito Andrei?" tanong ko sa kaniya. Nakangisi lang siya kaya ako ay kahit gusto ko na siya suntukin ay pinigilan ko lang.

"Susunduin ko si Lucky." sabi niya. Nakita ko na may dala rin siyang bulaklak at daisy iyon, sa akin kasi rose. 

"Eh ikaw Stephen, bakit nandito ka?" tanong niya sa akin. Napansin niya rin ata na may hawak rin akong bulaklak.

"Niyaya ko lang naman si Lucky na magdinner kami." nakangiti na sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti. Ano ba problema niya at ganiyan siya ngumiti? Nakakatawa ba ako?

"Oh....mahal mo pa ba si Lucky?" tanong niya sa akin. Seriously? Tatanungin niya ako ng ganiyan.

"Oo naman! Kaya nga gagawin ko lahat para lang bumalik sa akin si Lucky." sabi ko sa kaniya.

"Oh...paano yan inamin ko rin kay Lucky na mahal ko siya at tinanong ko siya kung pwede manligaw at pumayag naman siya." nang marinig ko iyon ay susugurin ko na sana siya ng suntok pero pinakalma ko lang yung galit ko at napaisip. Naisip ko rin na mabait naman si Andrei at sa palagay ko naman na karapat dapat siya para kay Lucky pero naiisip ko pa lang naman na magkasama sila at ikinasal at magkaroon ng anak ay sa palagay ko masasaktan ako ng husto.

Umiwas na lang ako ng tingin kasi baka nga sila nga magkatatuluyan tsaka nahahalata ko rin kay Lucky na ayaw na niya na, na sumuko na siya sa relasyon namin. "Tsk...tsk...ganiyan ka ba kahina Stephen? Sa palagay ko nasasaktan ka na makita mo kami na mag-asawa at magkaron kami ng---"

"OO! Nasasaktan na ako makita ko kayo magkasama ni Lucky at nakikita ko sa mga mata niya ay masaya siya kasama ka! Oh ano?! Masaya ka na?! Kasi hindi ko man lang maangkin si Lucky kasi naging brutal akong asawa ni--"

"Kasalanan mo naman Stephen kung bakit sa palagay mo ay ayaw na sa iyo ni Lucky, kung bakit naiisip mo na baka nga sumuko si Lucky sa kasal niyo." 

A Wife's SufferDove le storie prendono vita. Scoprilo ora