Chapter 6: His POV

168K 1.9K 58
                                    

A/N: Nagulat kayo noh? Bakit kaya ang author ay nag-update ngayon eh diba nag-uupdate siya kada Saturday? Ang sagot ko sa tanong na ito ay dahil hindi po ako makaka-update sa Saturday kasi po next week ay First Quaterly Exam ko kaya po hindi muna ako makakapag-update on that day. Eh naisip ko po na ngayon na lang ako mag-update tutal wala namang pasok at may free time rin naman ako kahit papaano so here's the update for you Guys!



STEPHEN'S POV


Pagkagising ko ay wala na yung katabi ko. Bumangon ako at may nakita ako sa sidetable na may sulat. Binasa ko.

"Goodmorning! Sorry kung naunahan na kita sa paggising, may pupuntahan pa kasi ako. Thank you for your time. See you next time! ;) Call me if you need me again. ;)"

Napangisi na lang ako. Nilukot ko yung papel at tinapon ko kahit saan. Wala naman ako pake doon sa babae na iyon. Parehas lang naman ang kailangan namin eh init ng katawan pero may addition sa kanya kailangan niya rin ng pera ko. Pare-parehas lang naman silang mga babae. Ako? Nagsasawa? Hindi noh. Mas maganda nga yun eh. Naagaw yung attensyon ko sa walang hiya kong asawa.

Bumangon na ako sa kama at pumunta na ako sa CR para maligo at magbasta na rin para sa trabahao ko. Pagkababa ko nakita ko yung pinaka-aayawan ko. Nakatalikod siya at may binabasta siya. Pagkaharap niya, nagulat siya at ngumiti sa akin. Sinamangutan ko na lang siya. Umupo na ako sa upuan at kinuha ko yung dyaryo para magbasa.

"Ano, Stephen, bakit umuwi ka na ng late?" halata sa boses niya na kinakabahan siya. Hmp! Dapat nga sa kanya na matakot siya sa akin. Tiningnan ko siya tapos binalik ko yung pagbabasa ko.

"Bakit? Ang alam ko natutulog ka na sa kwarto mo sa ganung oras." sabi ko sa kanya.

"Eh kahit na Stephen, asawa mo pa rin ako. Nag-aalala rin ako." sabi niya habang hinahawak niya yung kamay niya at hindi ko maintindihan kung ano ginagawa niya sa kamay niya.

"Ah ganun ba? Kasi ako, hindi kita tinuturing na asawa. Tinuturing kita na basura at walang kwentang babae." sabi ko. Tiningnan ko siya at nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Bahala siya. Wala naman akong pake sa kanya eh. Hindi ko man talaga siyang tinuturing na asawa dahil hindi ko talaga plano na turingan ko siya na ganun.

"Pero Stephe--" Padabog akong tumayo. Naiinis na ako ah. Umagang-umaga iniinit niya yung ulo ko ah. Dapat pala hindi na lang ako sumasabay sa agahan kapag siya yung kasama ko.

"Ano ba! Kung ganun, wag mo na akong hintayin pa! Ano ba pakielam mo sa akin?! Hindi naman kita pinapakielam ah! Tsaka....." lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung panga niya ng mahigpit. "Ikaw rin naman ang kasalanan kung bakit naging ganito yung buhay ko." Pagkatapos non, tinanggal ko na yung kamay ko sa panga niya. "Wag mong kalimutan na ikaw ang may atraso sa akin kaya binabalik ko lang sa iyo yon." Pagkatapos nun, ay umalis na ako sa hapag kainan, nawalan na akong ganang kumain. Kinuha ko na yung coat ko at yung case ko pero bago muna ako lumabas ng bahay.

"Tandaan mo, hindi pa rin kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin." Pagkatapos na nun, ay tuluyan na akong lumabas sa bahay ko at sumakay na sa kotse ko. Bahay ko dahil hindi naman talaga para sa kanya yun eh. Dapat kay....AISH! Dahil sa kanya kaya hindi natuloy yung kasal namin eh. Eh di sana masaya na ako ngayon. Pero, kinagusto niya naman ito eh, bilang paghihiganti ko sa kanya ay ganito yung turing ko sa kanya. Hah! Kala niya mararanasan niya yung pagmamahal ko sa kanya. Hah! Nakakamali siya. Ituturing ko siya na parang baboy na malapit ko na siyang katayin.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon