Chapter 20: College Days (Part 2)

94.5K 1.1K 33
                                    

A/N: So hi Guys! Sorry po kung ngayon po ako nakapag update kasi last week po ay ang dami ko pong ginawa kaya po humihingi po ako ng pasensiya sa inyo. Pero ang good new po ay mag uupdate po ako sa inyo ng dalawa this weekend. Hihihi! Para naman hindi sayang yung effort niyong magbasa. Tsaka rin po itatatry ko pong mag-update ng dalawa kapag weekends. O diba? Kasi po gusto ko pong gumawa ng bagong story kaya parang mamamadaliin na natin itong story. Gusto niyo guys ng bagong story? Pero di ko  pa po alam kung anong magandang titile doon po sa story na iyon. Oh siya! Sa susunod na lang po natin iyan pag-usapan ito muna. Here's the next update.

LUCKY'S POV 

"Iha gising ka na ba? Nandito si Nikki." Naalimpungatan ako sa katok ni manang kaya napaupo ako at kinamot ko muna yung mata ko kung may muta ako. 

"Hoy Lucky! Buksan mo nga itong pesteng pintuan mo!" Hala! Ba't nandito si Nikki? Tiningnan ko muna yung orasan may klase sila ngayon ah. Bakit nandito siya? Dali-dali akong bumaba sa kama ko at nagpunta sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko si Nikki na pulang pula yung mukha at nagulat ako ng yakapin ako nito.

"Walang hiya ka Lucky! Ba't di ka nagsasabi sa akin ha?! Ba't di mo sinabi sa akin na may girlfriend si Stephen ha?!" pagkasabi na iyon ay napaluha na naman ako. Tiningnan ko muna si manang at naintindihan naman niya ako agad kaya umalis na siya. 

Pumasok muna kaming dalawa ni Nikki sa kwarto ko pagkatapos ay umupo muna kami sa kama ko. Umabot kami ng limang minuto na nakayakap sa isa't isa. Pagkatapos ay humarap na si Nikki sa akin na nakabusangot na namumula yung mata. Halata na galing sa iyak. 

"Ba't di mo sa akin agad na may girlfriend na yung gago na iyon ha?!" pagkasigaw na iyon ay napangiti ako ng mapait. Sasabihin ko naman sa kaniya pero hindi muna ngayon eh. Kailangan ko muna ng tamang oras para sabihin sa kaniya iyon. 

"Sasabihin ko naman sa iyo yun eh, pero di ko pa kaya na sabihin iyon sa iyo." sabi ko sa kaniya. "Eh ano naman yung di mo pa kaya kung bakit di mo pa sinasabi sa akin?" tanong niya sa akin. "Di ko pa kaya na sabihin sa iyo kasi kagagaling ko lang sa you know..." sabi ko sa kaniya. 

"Ano nga yung you know mo kung buti sana nagegets ko rin yung sinasabi mo eh wala nga ako kaide ideya eh. Di ko naman nababasa yung utak mo teh!" sabi niya sa akin. Ano ba naman itong si Nikki hot-headed na tao. "Kagagaling ko lang sa heartbreak...." mahinang sambit ko sa kaniya. Makalipas ng ilang minuto tumahimik yung atmospera, pagkatingin ko sa kaniya nakatingin lang siya sa akin na walang emosyon. Nang biglang tumawa ito ng malakas sa harap ko pa.

"Hahahahahaha! Wow! For the first time, yung bestfriend ko buhay na hindi na patay!" pagkasabi niya iyon ay binatukan ko siya. Walang hiya rin itong bestfriend ko kung makasabi naman ito na patay eh hindi naman ako patay ah. "Makasabi ka ng patay diyan ah! Hindi ako patay buhay kaya ako, tingnan mo hindi naman malamig yung katawan ko mainit nga eh." pagkasabi ko sa kaniya ay natatawa pa rin siya.

Babatukan ko na sana pero pinigilan niya ako. "Sorry Lucky, ang ibig kong sabihin, hindi na ikaw yung puro libro yung nasa harap mo, ngayon may lovelife ka na pero masaklap naman." sabi niya sa akin. Ah ganun, ganun pala ako dati. Mas gusto ko nga yung dati yung pinoproblema ko lang yung grades ko lang pero ngayon parang nadagdagan lang.

"Eh di natutuwa ka pa kasi first ko lang magkacrush tapos may girlfriend na pala yung tao." sabi ko sa kaniya. 

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now