Chapter 31: Thinking Of Her

140K 1.5K 104
                                    

A/N: Okay, so kahapon at nung isang araw hindi man lang ako nakapag-update kaya para naman bumawi ay mag-uupdate po ako ngayon ng dalawa kaya wag na kayo maging malingkot guys. Natutuwa po ako sa mga comments niyo po nung nakaraan na chapter. Sabi ko naman sa inyo na may rason yung pagsusulat ko kaya wag na atin patagalin pa! Here's the next chapter. :)

STEPHEN'S POV

Pagkagising ko ay hindi ko mapigilan na mapaisip kung totoo yung sinabi ni Lucky na lulubayan na niya ako. Kahapon ko lang nakita kung gaano siya....kung gaano napapagod na pala siya sa akin. Bigla na lang ako umiling sa iniisip ko baka panaginip lang yung nangyari kahapon tsaka imposible na mapagod si Lucky eh alam naman niya na may kasalanan siya sa akin at hindi niya ako iiwan kung hindi ko pa siya napapatawad kaya tumayo na ako at ginawa ko na yung morning routine ko. Pagkatapos kong gawin yung morning routine ko ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako kasi panigurado ako na nanduon na si Lucky at hinahandaan na niya ako ng breakfast.

Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa dining room namin pero laking gulat na wala pang pagkain na nakalatag doon o kahit kape man lang sa lamesa. Hindi Stephen, baka lang tulog pa siya kaya hindi pa siya nakakahanda, ganun lang Stephen. Kaya lumabas na muna ako at pumunta sa mailbox ko para kunin yung dyaryo pagkatapos ay bumalik na ulit ako. Pagkadating ko ulit sa dining room ay umupo na ako at binuklat ko na yung dyaryo. Minsan kasi naabutan ko si Lucky na kakababa lang.

Makalipas ng 20 minuto ay hindi pa rin siya bumababa. Ano na naman ba nangyayari doon sa babae na iyon? Hay! Malalate na ako nito! Baka gusto na naman niya gisingin ko ulit siya na malamig na tubig. Tumayo na ako at umakyat na ako dahil ayaw ko pa naman na umagang umaga eh iinitin na naman niya ulit yung ulo ko. Pagkaharap ko sa kwarto niya ay walang walang atubili na binuksan ko ito pero laking gulat ko na wala siya at nakabukas yung cabinet niya at kalat kalat yung mga hangers niya pati yung mga kahon na lagayan niya ng sapatos ay nakakalat rin. Tumakbo ako sa cabinet at nagulat ako kasi wala doon lahat ng damit niya. Hinanap ko siya sa CR niya pero bigo ako kasi wala siya doon kahit yung mga gamit niya na pampaligo. Bumalik na naman ako sa kwarto niya at wala na nga yung mga gamit niya dito kung hindi ang natira lang ay yung mga furniture.

Tinotoo nga niya yung pag-alis. Hindi nga panaginip yung nangyari kahapon. Bigla akong naghina at napaupo ako sa kama. So totoo nga na napagod nga siya sa akin. Hindi ko naman alam na biro lang yung mga sinasabi niya kahapon na akala ko ay panaginip lang iyon.

Sa wala na akong nagawa dahil wala na si Lucky dito sa bahay ay hindi na ako kumain ng almusal at nagbihis na rin ako ng pang-opisina ko. Ano naman kung wala na siya dito sa bahay atleast malaya na ako, pwede ko nang gawin lahat ng bagay. Pagkasakay ko sa kotse ay hindi ko mapigilan na ngumiti. Ibig sabihin non wala na akong asawa, pwede na ako mambabae kahit kailan, pwede ko na rin sila iuwi kahit anong oras kasi wala naman siya o kaya pwede na mag-overnight nito sa bar. Ang saya ko kasi wala na asungot o manggugulo sa buhay ko. You're free man!

Habang nagdadarive ay kinuha ko yung cellphone ko at dinial ko yung secretary ko. Wala pang isang ring ay sinagot na niya ito.

"Sir, may kailangan po kayo?" tanong ng sekretaryang ko si Faye.

"Pwede ba bilhan mo ako ng pang-agahan at dalhin mo na lang sa opisina ko?"

"Yes sir. Masusunod po."

Pagkatapos niyon ay binaba ko na. Bastos? Huh?! Dati pa akong bastos kung alam niyo na lang, naging ganito lang ako nung kinasal kami ni Lucky. Pagkadating ko sa parking lot ng komapaniya ko ay bumaba na ako at dumiretso na ako sa opisina. Wala akong pake sa mga nagbabati sa akin eh ano naman boss nila ako wala naman akong karapatan na batiin ko rin sila. A work is a work at hindi ako ganun na kapag bumati sila sa akin ay babati rin ako sa kanila ano sila sinuswerte? Bakit mga kaibigan ko ba sila? Hindi naman ah.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon