Chapter 30: Last Hatred

137K 1.9K 164
                                    

A/N: Ok first of all guys, nabasa ko na po yung mga comments niyo nung nakaraan. Uhm...una sa lahat okay lang po sa akin kung ayaw niyo na po basahin o kung ayaw niyo na po ipagpatuloy yung story ko, sino naman ako para pigilin ko kayo sa pagbabasa diba? Kayo, kayo lang ang may choice kung ipapagpatuloy niyo pa po. Sa lahat po na sinusulat ko po may rason kaya kung ayaw niyo na po ito okay. Ang hirap po maging author rin sa totoo kasi kailangan mo rin mag-isip, kailangan mo rin iexacto sa chapter. Pero ito lang ang masasabi ko lang ipapagpatuloy ko po yung pagsusulat kasi para rin ito sa mga tao na gusto pa nila malaman kung ano yung mangyayari sa huli. Thank you sa pagbabasa nito at sa pag-iintindi. :)

LUCKY'S POV 

Pagdating namin sa dati kong bahay ay bigla akong bumaba sa taxi at hindi ko na hinintay pa si Nikki dahil nakita ko na si Mama at Papa na nasa labas ng bahay namin. Nang nakita ako ni Mama ay umakto siya na yayakap sa akin kaya dali dali ako pumunta sa kaniya at yumakap ng sobrang higpit. Pagkatapos kong yakapin si mama ay yumakap na rin ako kay Papa.

"Huy Bessy! Grabe ka iniwan mo lang ako sa taxi!" sigaw sa akin ni Nikki at pagod na pagod dahil sa kakatakbo.

"Bayaan mo na Nikki namiss ata kami ng princess namin eh." sabi sa kaniya ni Mama. Tama naman siya eh miss na miss ko na sila dahil matagal na ako hindi nakakapunta dito kasi nga nakakulong lang ako sa bahay namin ni Stephen.

"Halata nga eh Tita. Tingnan mo nga naman siya ang higpit higpit ng yakap kay Tito." napasimangot naman ako kay Nikki. Masama ba na yakapin sila ng mahigpit eh sa miss ko na sila eh.

"Hahahahaha! Oh tama na yan pumasok na tayo." aya ni Papa sa amin. Pagkapasok nila ni Mama ay binelatan ko na lang si Nikki at daling dali pumasok sa loob baka kasi sabunutan niya ako eh.

"Oh tutal magdidinner na rin kayo dito dahil pagabi na rin, halika Lucky at Nikki at magluto tayo. Nakakamiss yung ganitong bonding noh Lucky." tumango naman ako kay Mama at sabay kami ni Nikki na pumunta sa kusina. Pagkadating namin sa kusina ay nanduon na yung mga ingredients. Halatang may plano talaga si Mama na dito kami magdinner.

"Ay oo nga pala Lucky, magbake ka na rin ah kasi si Nicole sabi ko iuuwian ko siya ng cake na bake ng ninang niya which is ikaw." sabi sa akin ni Nikki.

"Opo. Ano ba gusto niyang cake?" tanong ko kay Nikki para naman alam ko kung ano ibabake ko.

"Ah kahit strawberry cake. Paborito niya iyon eh. Tita may strawberry po ba kayo diyan?" tanong ni Nikki kay Mama habang naghahalungkat sa mga ingredients sa lamesa.

"Ah oo tingnan mo lang diyan Nikki." sabi ni Mama habang may kinukuha na siya sa mga ingredients.

"Ito! Thank you Tita ah." sabi ni Nikki kay Mama at binigay na niya sa akin yung strawberry.

"Wait lang naman Nikki, nagmamadali ka ba?" tanong ko sa kaniya kasi naman pinagbabake na niya ako.

"Ah...eh...oo kasi pagkatapos natin magdinner magpapasundo na ako sa asawa ko tsaka bukas kailangan kong mag out of the town kasi may trabaho pa akong tatapusin." sabi sa akin ni Nikki habang kinukuha na niya rin yung mga ingredients para sa baking.

"Oh sige na nga para na rin naman ito sa inaanak ko na hindi man lang ako makabawi sa kaniya." sabi ko kay Nikki habang kinukuha ko yung mga binibigay niya sa akin.

"Oh ikaw naman Nikki pagkatapos mong ibigay yan lahat kay Lucky tumulong ka na rin magluto sa akin." sabi naman ni Mama kay Nikki.

A Wife's SufferDonde viven las historias. Descúbrelo ahora