Chapter 54: What She Wants

105K 1.3K 198
                                    

A/N: Hi Guys! Wooh! I can't wait! 2 more chapters + Epilogue and magready na tayo dahil aalis na tayo sa Book 1 and welcome to Book 2. Naschedule ko na po na the month of May ay ipapapublished ko yung second book ng A Wife's Suffer kaya hindi na ako makapaghintay pa sa susunod na mangyayari sa kanila! So here's the next chapter! Sorry kung late na rin.

LUCKY'S POV

Puti. Puti ang una ko nakita pagkatapos kong imulat ang dalawang mata ko. Inikot ko ang paningin ko at hindi ako nagkakamali nasa ospital ako ngayon. Tiningnan ko ang buong katawan ko at nakita ko na may galos ako at sugat rin ako. Hinawakan ko rin ang noo ko at nararamdaman kong may benda ito. Tumingin naman ako sa dalawang tao na magkayakap na natutulog sa sofa at hindi ako nagkakamali na sina Mama at Papa iyon.

Hindi ko maiwasan na maalala ulit ang nangyari sa akin. Naalala ko na naman ang pagtataksil ng asawa kong hindi ko alam kung ano pa itatawag ko sa kaniya dahil sa pinaggagawa niya sa akin katulad na nga na pinagmukha niya akong tanga at walang alam.

Naalala ko kung paano nakita ng dalawa kong mata yung magpamilya na iyon. Naalala ko kung paano ako nasaktan sa nadiskubre ko at sa nakita ko non. Naalala ko kung paano ako naiyak ng dalubhasa at kung paano tinutusok tusok yung dibdib ko. Naalala ko kung papa...anong papaanong...

"Oh princess nagising ka na pala." Gumising na si mama at lumapit sa akin pero ako ay bigla kong tinanggal yung kumot na nakabalot sa akin at kinapa ko agad yung tiyan ko. Nakita ko na nag-aalinlangan ang mukha ni Mama habang ako ay kinakapa-kapa ko pa rin ang tiyan ko kung nandito pa rin pero wala. Naramdaman kong flat ito at hindi na umbok ang tiyan ko.

Nagsimula na namuo yung mga luha ko at inaluhan bigla ako ng Mama ko. Dahan dahan tumutulo ang mga luha ko. Tumingin ako kay Mama at nakikita ko na malungkot ito kahit si Papa na gising na ay tumayo ito at tumalikod.

"Ma where's my baby? Bakit hindi ko maramdaman siya sa tiyan ko? Ma, a-asan siya?" tanong ko kay Mama habang tumutulo yung luha ko pero hindi ito sumagot at umiiyak lang ito. Tumingin ako kay Papa pero nahahalata ko na umiiyak na rin ito base na rin tindig ng katawan nito.

"P-pa, nasaan siya? Hi-hindi pa naman siya f-fully nine months baby pa!" mahahalata sa boses ko na nanginginig na ito. Hindi ko mapigilan na madismaya dahil hindi pa rin nila sinasagot yung tanong ko.

"Ma! Pa! Asan na siya?! Asan na yung baby ko?! Nasaan na si F-Felix?! Bakit hindi ko siya maramdaman?!" sigaw ko sa kanilang dalawa pero tanging iyak lang namin tatlo ang naririnig ko. Bigla akong tumingin kay Mama ng bigla siyang nagsalita.

"A-anak sa totoo...si Felix...yung apo naming-" bigla ko na siya pinutol sa sasabihin niya.

"WHAT?! WHERE IS HE?!" natataranta na tanong ko sa kaniya ng biglang pumasok si Tito Samuel. Si Tito Samuel ay isang doctor at pinsan siya ni Mama. Bigla ako humarap kay Tito at

"Tito! Buti nandyan ka nasaan yung baby ko bakit hindi ko na siya maramdaman sa tiyan ko? Diba 5 months pa lang siya? Bakit hindi ko na siya maramdaman?" tanong ko sa kaniya. Wala na akong pakielam kung baliw na ako sa paningin nila pero masakit sa isang magulang na nagdadala nito na hindi mo na siya maramdaman sa tiyan mo.

"Eherm. I'm sorry to say this Lucky pero wala na yung baby mo." Pagkasabi ni tito ay biglang nabasag yung pandinig ko nang marinig ko iyon. "Sinabi ko na rin ito sa Mama at Papa mo na mawawala yung baby mo dahil kritikal yung lagay nung baby at kailangan siya alisin sa tiyan mo dahil baka doon pa siya mamatay kapag hindi pa siya nilabas." Sabi nito pero tumingin ako sa kaniya.

"Pero kahit anong ga-gawin mo Tito kahit nasa loob pa rin siya ng tiyan ko, mawawala pa rin siya kahit ilabas niyo rin o tanggalin siya." Sabi ko sa kaniya as matter-of-factly.

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now