Chapter 17: The Word 'Sorry'

140K 1.8K 37
                                    

A/N: So, hello again guys/FloralBriders out there!!! I'm here still alive and kicking! Sorry talaga! Inenjoy lang ni Ms. Author yung semestrial break niya kasi naman yun na lang naman kung kailan makakapagpahinga after yung mga school works diba? Kayo rin naman gusto niyo rin naman makapagpahinga kahit one week lang. So tama na ang drama ang peg ituloy na natin yung chapter na ito. Oh and I forgot! I dedicate this chapter for you! So here's the next update!

LUCKY'S POV

"Lucky."

Biglang nanginig ang buong katawan ko nang may humawak sa balikat ko at nang narinig ko ang malamig niyang tinig. Shocks! Nakita ba niya kami? Nahuli ba niya ako kasama si...Hala! Hindi pwede ito. Wala naman kaming relasyon sa totoo lang ah. Pero....baka magalit siya sa akin. Hindi ko na alam. Humarap na kaya ako baka magtaka pa siya. Bahala na magalit siya sa akin. Dahan dahan akong humarap sa kanya at sa palagay ko yung mukha ko putlang putla na.

"St—-Ste—-Stephen...." Pati pananalita ko nauutal na rin. Tumingin ako sa mga malalamig niyang mga mata.

"Lucky, ano bang nangyayari sa iyo? Parang nakakita ka ng multo." sabi ni Stephen sa akin. Hindi talaga ako makahinga. Hindi niya ba talaga kami nakita? Hindi niya ba ako nahuli? Bigla siyang parang naubo kaya naagaw niya yung attensiyon ko sa kaniya. Ano ba itong iniisip mo Lucky! 

"Ano....Uhm....Pwede ba tayong mag-usap sa loob Lucky?" Biglang napakamot si Stephen sa batok niya. Bigla rin umiwas yung tingin niya sa akin nung sinabi niya sa akin iyon. 

"Importante ba iyon Stephen?"nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Tsk!" Bigla na lang siya umalis sa harap at diretsong pumunta na siya sa bahay namin. Anong nangyayari sa kaniya? Napailing na lang ako. Sumunod na lang ako sa kaniya baka magsungit na naman siya sa akin. Pero habang naglalakad ako ay naalala ko yung pagpunta ni Andrei dito sa bahay namin ni Stephen.

Flashback

Habang nagtatrabaho ako sa online shopping ay biglang

Ding dong! Ding dong!

"Hala! Sino naman iyon? Anong oras na ba?" tiningnan ko muna yung orasan sa laptop ko. Hala! 2:30 na pala ng hapon. Hindi ko na pala alam na tapos na yung Lunch. Biglang kumalam yung tiyan ko. Hala! Ano ba naman ito.

Ding dong! Ding dong!

"Hala! Wait lang!" sigaw ko sa hangin. Pinatay ko muna yung laptop. Mamaya na lang ulit. Lumabas na ako sa kwarto tapos ay bumaba na ako.

Ding dong! Ding dong!

"Wait lang!" sabi ko. "Sino  ba kasi ito?" bulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin baka mukha na ako losyang. Nang okay na ako ay hinawakan ko na yung door knob sa front door at dahan dahan na pinihit ko ito. Pagkapihit ko ay nagulat ako sa harapan ko ngayon.

"Andrei? Bakit ka nandito?" pagkatanong ko sa kaniya ay bigla kong naalala yung pagsigaw ko sa kaniya kahapon. Magsosorry ako sa kaniya. Napakarude ko naman sa kaniya.

"Uhm... ano-" paninimula ko.

"Di mo ba ako papasukin?" tanong niya sa akin. Nagulat ako kaya

"A-a-ah.. Pasok ka." pinapasok ko na muna siya at tiningnan ko siya. Meron pa rin siyang sugat sa mukha niya pero yung iba pagaling na. Hay...Ano ba naman ito oh.

"S-s-sorry Andrei." yuko kong sabi sa kaniya. Nakakahiya naman talaga kasi yung ginawa ko sa kaniya eh. Sinigawan ko siya sa harap ng mga kapitbahay namin ni Stephen dito.

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now