Chapter 12: Trip to Boracay (Part 2)

118K 1.7K 50
                                    

A/N: Since wala naman pasok eh sagarin ko na yung oras mag update diba? Joke! As I promised mag uupdate po ako ngayon kasi ito lang yung time na may oras akong makapag update so wag na natin paghintayin pa. Just relax and read my latest chapter!

LUCKY'S POV

"Wag ka na umiyak Miss, papangit ka niyan."

Pag-angat ko ng ulo ay nagulat ako. Si---siya?! Diba siya yung tumulong sa akin nung time na hinarang ako ng di ko kilalang lalaki doon sa bar na dinaluhan namin ni Stephen na birthday ng kaibigan niya. Pati siya ay nagulat nung narecognize niya ata yung mukha ko. 

"I--IKAW?!" sabay naming sabi. Napatawa naman yung lalaki na nasa harap ko. Aba't pinagtatawanan niya ako? 

"Ikaw pala ulit Miss. Long time no see! Ba't ka umiiyak?" tanong niya sa akin ng may pag-aalala. Iiwasan ko sana siya ng tingin pero hinawakan niya yung chin ko at pagkatapos ay pinaharap niya ako sa mukha niya. Ngayon ko lang nakita yung buong mukha niya. Gwapo rin siya pero mas gwapo pa rin naman si Stephen. Pinunasan niya yung luha ko gamit ng panyo niya ulit. Tumulo ba na naman yung luha ko? Hindi pa rin ba ito titigil? 

"Okay lang kung wag mong sabihin sa akin kasi hindi naman tayo magkaibigan o magkakilala pero mas okay sa akin kung sasabihin mo yung problema mo para pampatagal ng bigat sa nararamdamon mo." pagkatapos niyang punasan yung luha ko ay binigay niya sa akin yung panyo niya. "Sayo muna yan, baka kailangan mo ulit eh." Feel ko naman mabuti naman siyang tao at hindi naman siyang mukhang masama kaya pwede ko naman ata sabihin sa kanya. Tumingin muna ako sa harap. Ang ganda talaga ng scene. Nakakawala ng stress. Bumuga muna ako ng hangin.

"Honeymoon dapat namin ng asawa ko ngayon, eh kaso nung nandito na kami may lumapit sa kanya ng dalawang foreigner na babae." Naiiyak na naman ako. "Dapat nga susugurin ko na sila eh. Kaso, yung asawa ko naman inaccept naman niya yung offer nila sa kanya na sumama siya sa kanila." Bumuhos na naman yung luha ko. Buti binigay niya sa akin yung panyo. Hinagod naman niya ako sa likod. "Tapos sabi niya sa akin na doon muna ako sa hotel room namin kasi  baka napagod ako sa biyahe namin pero hindi naman ako napagod eh. Kaya naglakad lakad na lang muna ako diyan. Tapos umupo na ako dito kasi nagagandahan ako. Parang pampawala ng stress pero naalala ko pa rin kung paano niya ako ipagtabuyan doon sa dalawa." Umiiyak na talaga ako. Siya naman ay patuloy ang paghagod sa aking likod.

Pagkatapos ng sampung minuto sa kakaiyak, pinunasan ko na yung luha ko. Meron akong narinig na shutter ng camera. Pagtingin ko sa tabi ko ay pinipicturan nung lalaki yung scenery. Ngayon ko lang napansin na suot niya yung camera. Pagkatapos niyang picturan yung scenery ay itinapat niya yung lense ng camera niya tapos ay pinicturan niya ako. Bumalik lang ako sa realidad nung tumatawa siya doon sa camera niya. Nainis ako kaya sinabi ko sa kanya na idelete yung picture ko doon kasi ang pangit pangit ko doon. Siya naman nilalayo niya yung camera at tumatawa pa yung mokong. Nakakainis. Kaya humarap na lang ulit ako. Kainis siya.

"HAHAHAHAHA! Uy sorry na. Gusto ko lang ikaw picturan kasi naman tumitingin ka sa akin." hindi ko siya sinasagot. Kainis siya. Manigas siya diyan. Sorry siya ng sorry sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Nang may maramdaman ako na may kumikiliti sa akin sa bewang ay natatawa ako. "Huy! Wag! HAHAHAHA! Wag! HAHAHAHA! Tama na! Huy! Hahahaha!" nakikiliti talaga ako. "Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapatawad." Ha?! Ang kapal ng mukha niya pero HAHAHAHA! nakikiliti ako. "Oo na! HAHAHAHA! O--o na! HAHAHA! Pi---pinapatawad na kita! HAHAHA!" Tumigil na siya sa kakikiliti sa akin.  Inayos ko na yung sarili ko.

"Yan, dapat maging masaya ka. Kasi alam mo, mas lalo ka lang napapagod kapag iyak ka ng iyak. Yung asawa mo naman, walang hiya naman siya. Pinapabayaan ka lang diyan sa tabi tabi kung ako lang siya baka hindi ka na makakatakas sa akin. Baka nga mighty bond na nga tayo eh. Ano ba problema nung mata ng asawa mo. Ang ganda ganda mo naman." Namula naman ako sa papuri niya sa akin. Ano ba naman yan Lucky! May asawa ka na ang landi landi mo pa. "Pero ito lang masasabi ko sa iyo, alam kong mahal mo yung asawa mo halata naman na hindi mo siya pinagsasalitaan ng masama nung kinukwento mo sa akin pero sana naman kung napapagod ka o kaya malapit ka ng sumuko dahil hindi mo na kaya yung mga pinaggagawa niya sa iyo, sumuko ka na lang. Tapos ay magsimula ka ulit. Kasi marami na rin akong kakilala na ganyan rin yung estado ng relasyon ng asawa nila. May iba sumusuko may iba martyr pa rin pero sumusuko rin sa huli. Pero sa iyo naman, hindi ka pa ata susuko sa asawa mo." 

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now