Chapter 40: Who's This?

88.4K 1.1K 35
                                    

A/N: So time check, okay malapit na pala mag 12 ng madaling araw kaya okay pa ito. Sorry guys kung sabaw na yung tinatype ko dito it's either naantok na si author or minamadali na lang niya ang lahat. So, yun tsaka since Monday na ulit bukas ay balik na naman ng klase. Hay....kung buti sana wala pasok kinabukasan masaya pa ako pero hindi eh so next Saturday ay baka po mag-uupdate ako ng 2 ulit so hintay hintay muna tayo. Mahaba na pala yung author's note ko sorry. Here's the next chapter!

LUCKY'S POV 

Ngayon ay nakatayo ako sa harap ni Ms. Shanice at nililista yung mga dapat ilista sa reminder notebook ko.

"So, may meeting ako sa ASF Administration mamayang 3 ng hapon, uhm...tsaka may meeting rin ako mamayang 5 ng hapon para sa proposed project ng isa sa department at pwede kung pakialam kung anong department at proposed project iyon para mabasa ko naman at next week ng Monday ay pupunta tayo sa Baguio dahil na naman sa meeting at pakisabi nga sa Financial Department na kailangan ko na yung mga papeles para mabasa ko at mareview ko, nakuha mo ba Lucky?" tumango naman ako at nailista ko naman na maayos yung mga binilin niya sa akin. Ngumiti naman siya at

"Ah oo nga pala, bukas nga pala may imemeet tayong kliyente ko kaya pakihanap naman ako ng oras kung what time ako available para naman masabihan siya." tumango naman ako at ngumiti at

"Is that all Ma'am?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at

"Yes, you may go now." sabi niya sa akin tapos ay bumalik na naman siya sa mga papeles na nakakalat sa desk niya. Nakikita ko na parang cool na cool lang si ma'am at parang sanay na sanay sa ganitong gawain. Tsk! Ano ka ba naman Lucky, malamang siya lang naman ang asawa ng kompaniya nito at ang mag-asawa ay nagtutulungan diba?

Pero kami ba ni Stephen? Nagtulungan rin ba kami sa kompaniya? Hindi naman diba? Kasi iniiwan lang niya ako sa bahay at hindi niya ako pinapaalis at ginawa lang niya akong katulong doon. Bumalik na lang ako sa huwisyo ng

"Lucky, is there anything wrong? Do you need something?" umiling ako sa kaniya at tumango naman siya

"Okay, you may go now. Madami ka pang trabaho na gawin Lucky at bawal ang tumunganga." sabi niya sa akin. Tumango naman ako at lalabas na sana ako sa office niya ng biglang

"Oh I forgot! Can you make a cup of coffee for me." sabi niya sa akin. Tumango naman ako at

"Ma'am black or white coffee?" tanong ko naman ko sakaniya.

"Uhm...I prefer white coffee with whipped cream please." tumango naman ako at tuluyan na ako lumabas sa office ni ma'am. Pagkalabas ko ay nag-inhale muna ako ng malalim at nag exhale. Hay...First day pa lang at kakapasok ko lang pero sobrang pagod na yung nararamdaman ko pero kahit paano ay naging masaya ako at the same time kasi ito yung gusto ko na gumalaw ako sa isang place at hindi lang nakaupo ng maghapon at nakaharap sa laptop.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa coffee station at nagtimpla na ako ng kape na gusto ni ma'am. Pagkatapos kong lagyan ng whipped cream yung coffee ni ma'am ay dinala ko na ito sa kaniya. Kumatok na muna ako at nung narinig ko na yung signal ay pumasok na ako. Sabi niya na iwanan ko na lang sa coffee table niya at ipagpatuloy ko yung iniwan kong trabaho niya sa akin kaya lumabas na ako.

Pagdating ko sa desk ko ay tinext ko sina Nikki, Gaille, Jenny at si mama na nakapasa ako sa interview at pinagsimulan na ako ng trabaho dito sa kompaniyang ito. Nang itext ko na silang lahat ay tinext ko naman si Andrei.

To: Andrei

Hmm...Guess what? 

Yun ang tinext ko kay Andrei. Gusto ko kasi hulaan niya muna. Hihihi....

A Wife's SufferOù les histoires vivent. Découvrez maintenant