Chapter 42: Success or Failed?

96.6K 1.1K 49
                                    

A/N: Wooh!!!! MABUHAY! MABUHAY MGA GUYS! TAPOS NA RIN ANG AMING FINALS!!! PARTY PARTY! Sorry po kung last time hindi ako nakapag-update dahil nakatulog ako ng matagal, sleeping beauty lang ang peg ni author pero promise talaga since tapos na yung finals namin except yung isang subject namin which is Research dahil may defense ako bukas at yun ang ibabase sa grade namin ay goodluck na lang sa akin pero since nga tapos na at next week ay clearance na lang ang aasikasuhin ng president namin ay halelujah! Yup, guys baka sa susunod na days ay makakabawi na ako sa inyo. Tsaka baka lang naman na matapos ko na itong story pero di ko sure kung kailan matatapos pero ang alam ko may BOOK 2 PO ang AWS! Yes! May BOOK 2 pa po siya kaya hintay hintay na muna guys. So here's the next chapter kasi mahaba na yung Author's Note eh ano magagawa niyo namiss ko kayo eh. ;)

LUCKY'S POV 

Pagmulat ng mga mata ko ay biglang sumakit yung ulo ko at naaninag ko yung liwanag na pumapasok sa kwartong ito. Nakita ko na parang nakayakap ako sa isang malaking unan at parang ang tigas ata ng nahihiganan ko? Pagtingin ko ay nakita ko lang naman siya na nakangiti sa akin at yung mga mata niya ay nangniningning sa tuwa.

Nang matauhan ako ay bigla akong lumayo at kinumutan ko yung sarili ko kahit alam ko naman na hindi niya ako ginalaw pero nakakagulat kasi eh.

"Good morning! Ang haba ng tulog mo ah. Sa palagay ko napanaginipan mo ako kaya ayaw mo na gumising. Akala ko matutulog ka na lang habang buhay." sabi niya sa akin na nakahiga pa rin dito sa kama. Kama? Tiningnan ko yung buong paligid at nasa kwarto nga kami. Tumayo ako at lumapit sa bintana at nakita ko sa labas na may buhangin at dagat, sa palagay ko nasa private beach resort kami kasi wala mga tao na lumalangoy.

Pinalahanan ko yung mga pangyayari kahapon ng umaga at huli ko na lang naalala ay may nilagay si Stephen sa aircon doon sa sasakyan niya at doon ako nahilo at nakatulog. Bigla kong tiningnan ng masama si Stephen at

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sa akin Mrs. Alvarez? Ayaw mo ba dito? O ayaw mo lang ako makasama dito?" tanong niya sa akin ng may nakakaloko na ngiti.

"Both." sabi ko sa kaniya ng may diin. "Bakit ba tayo nandito Stephen? Pauwiin mo na ako." sabi ko sa kaniya ng may masama pa ring tingin. Pero hindi siya natinag kaya

"Gusto ko lang naman na mag-usap tayo Mrs. Alvarez ng masinsinan at walang istorbo." habang sinasabi niya iyon ay hinahanap ko yung bag ko. Nang nahanap ko na yung bag ko ay nakita ko na nasa tabi lang siya ng kama doon at nasa baba naman kaya unti unti lumalapit ako kay Stephen at nakikita ko na biglang lumawak yung ngiti niya. Kala lang niya. Pumunta na ako sa kama at sinipa ko na yung bag paloob ng kama para hindi niya mahalata. 

Tapos ay lumayo na agad ako kaso nagkamali ako kasi bigla niya ako hiniga sa kama at nakaibabaw na siya. Naramdaman ko na hawak niya yung magkabila kong kamay at nakita ko yung nakaloloko niyang mga ngiti. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. Nakita ko na biglang nagbago yung mga mata niya at biglang nalungkot ito.

"Why are you not smiling my wife?" tanong niya sa akin pero ganun pa rin yung tingin ko sa kaniya at umiwas na lang rin ng tingin.

"Are you no--" bago pa siya may sabihin ay my tumunog na cellphone. Sigurado akong hindi ko yung cellphone kasi iba naman yung ringtone ng cellphone ko kaya tiningnan ko siya at halata yung frustration niya kaya binitawan na niya yung mga kamay ko at kinuha niya yung cellphone niya sa pants niya at lumayo ng konti.

Ako naman ay umupo lang at tinitingnan ko lang siya. Nakita ko na nafufrustate siya sa kausap niya.

STEPHEN'S POV 

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now