Chapter 50: The Revelation (Part 3)

75.3K 950 15
                                    

A/N: Wooh! So hello guys! So napapansin niyo parang ang dami kong errors noh? Uhm...dahil yan sa nangangarag na si author kaya naging ganun na yung mga natytype ko kaya nagkakamali na rin ako ng words pero thank you sa kaniya kasi atleast natuto ako sa kaniya. Thank you ate/kuya sa pagcocorrect sa akin. :) So here's the next chapter!

LUCKY'S POV 

Woooh! Nandito na ako. Kaya mo yan Lucky para kay Stephen naman ito diba? Para hindi siya maghirap dahil kay Vivienne. Nandito ako ngayon sa Alvarez Company at nandito ako para komprontahin si Stephen. Huminga muna ako ng malalim at pumasok na ako sa kompaniyang ito. Pagkapasok ko ay alam ko na ako yung tinitingnan nila. Alam ko naman na si Vivienne ang nagkakalat ng tsismis sa amin ni Stephen para mas lalo ako layuan ni Stephen at naging successful naman siya pero dahil mahal ako ni Papa ay binayaran niya yung mga tao dito para patigilin na yung tsismis na iyon.

Dumiretso na ako sa elevator tutal kilala naman ako nung babae sa lobby. Pagkapasok ko sa elevator ay hindi ko mapigilan na manginig yung buong katawan ko dahil sa sasabihin ko sa kaniya mamaya. Alam kong wala si Vivienne ngayon dahil nalaman ko sa private detective ko na may kasama itong bagong lalaki. 

Pagkarating ko sa floor ng office ni Stephen ay lumabas na ako pagkatapos ay pumunta na ako sa office niya pero bago iyon ay madadaan ko na muna yung sa secretary niya. Lumapit ako doon sa secretary niya at nagulat ata nung secretary kaya ngumiti siya at

"May I help you ma'am Lucky?" nakangiti na tanong sa akin ni Theo. Yep! Si Theo ay masunurin na secretary ni Stephen at maasahan mo talaga ito at lalaki po ito.

"Uhm...may appointed meeting ako with your boss Stephen Alvarez." sabi ko sa kaniya. 

"Uhm...ma'am titingnan ko lang p--"

"Ah! Promise talaga may appointed meeting talaga kami ni Mr. Stephen Alvarez." sabi ko sa kaniya pero nakatingin lang siya sa akin na nagtataka kaya tumango na lang siya at pinapasok na niya ako. Ngmiti na lang ako sa kaniya at pumasok na nga ako tuluyan sa office ni Stephen.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Stephen na nagbabasa ng mga papeles at halata sa kaniya na seryoso ito at base rin sa mga papeles niya ay marami pa siyang gagawin at babasahin. Tumikhim ako at naagaw ko ang attensiyon ni Stephen. Mukhang nagulat siya pero nawala rin iyon.

"W-Why are you here Ms. Lucky Evangelista?" tanong niya sa akin. Lumapit naman ako sa sofa niya dito sa opisina na ito at umupo. Tumingin ako sa kaniya ng diretso at

"I need to talk to you right now." madiin na sabi ko sa kaniya. Kahit nagtataka siya ay tumayo siya sa desk niya at umupo na rin sa opposite sofa na kung saan ako nakaupo. Dahil sa hindi mapigilan na manginig yung mga kamay ko ay nilagay ko ito sa tuhod ko para hindi niya mahalata na nanginginig ito. Tumingin ako sa kaniya ng diretso at seryoso at

"I want you to marry me Mr. Alvarez." sabi ko sa kaniya ng diretso. Nakita ko na bigla siyang napatigil at pagkatapos ay ilang minuto ay napatawa ito ng malakas.

"Hahahaha! What a joke Lucky! Seriously? Hindi naman April Fool's Day diba?" tanong niya sa akin. Napatawa naman ako ng saglit at tumingin sa kaniya ng diretso.

"Hindi ako nagbibiro Stephen o baka gusto mo mawala si Vivienne dito sa Pilipinas na ito at hindi mo na siya ulit makikita pa." sabi ko sa kaniya na nakangisi. Nakita ko na napahigpit yung hawak niya sa tuhod niya at nakikita ko na malapit na ito sumabog.

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now