Chapter 25: Serenade

103K 1.2K 23
                                    

A/N: Ok guys! Here I am at mag-uupdate po ako sa inyo. Natututwa po ako sa kaniya kasi minessage niya ako na mag-update na kaya as a promise mag-uupdate ako this day. Guys! Magcomment rin kayo para ganahan naman ako mag-update. Thank you sa mga patuloy na sumusuporta sa story ko po. So here's the next chapter!

LUCKY'S POV 

Linggo na.

Isang panibagong umaga.

Isang magandang araw.

Ito rin kung kailan uuwi na kami ni Stephen sa Maynila. 

Hay... Kahit kailan hindi kami nakapagpasyal o nakapag-ikot dito sa Zambales pano ba naman kasi kahit ngayong araw man lang kung kailan uuwi na kami ay ayun wala na naman siya, umalis na naman daw sabi ni Manang Joy. Ano ba problema niya at alis siya ng alis dito sa resthouse niya? Nakakainis naman siya at naiinis na rin ako sa mood swings ko! Gusto ko na talaga matapos yung red days ko. Pangalawang araw ko na kasi ito.

Nandito ako ngayon sa sofa at nakabusangot yung mukha ko dahil nga kay Stephen. Kagabi hindi pa rin ako natulog sa kwarto niya dahil sa mood swings ko at dahil may kasalanan pa siya. Pataasan na ng pride kasi ngayon lang ako pwede makipagtaasan ng pride sa kaniya. Gusto ko naman na maranasan na suyuin niya rin ako pero wala naman siya ginagawa.

"Oh Ate, bakit ka nakabusangot na naman dyan?" tanong sa akin ni Gia. Umupo siya sa tabi ko at nag-aalala yung itsura ng mukha niya.

"Hay....Eh paano naman kasi Gia hanggang ngayon kung kailan uuwi na kami ayun umalis pa rin siya sabi ni Manang Joy." sabi ko sa kaniya. Nagulat naman si Gia sa sinabi ko kaya

"Huh?! Umalis na naman si Kuya? Ano ba naman iyon, uuwi na nga kayo pero umalis pa rin siya baka naman Ate ayaw na niya umuwi." sabi sa akin ni Gia.

"Pero hindi pwede kasi kailangan na siya sa kompanya niya bukas. Hindi naman pwede na pabayaan niya yung kompaniya hindi ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango na lang siya tsaka umayos siya ng upo sunod naman na ginawa ni Gia ay kinuha niya yung remote ng TV sa center table nila dito at binuksan yung TV. Pagkabukas ng TV ay cartoon ang lumabas kaya yun na lang pinanuod namin kasi nakakaenjoy naman panuorin yung cartoon.

"Ang sarap maging bata ulit noh Ate?" tanong sa akin ni Gia. Tumingin ako sa kaniya pero nakatutok pa rin yung mata niya sa TV. Totoo. Totoo yung sinabi niya kasi kapag bata ka wala kang problema, kapag may problema ka aakuhin ng mga magulang mo. Malaya kang maglaro ng maglaro. Hindi magiging seryoso sa lahat ng bagay na binibigay sa iyo ng mga magulang mo. Hindi ka nila pinepressure sa kahit anong bagay. Binibigyan ka nila ng kahit anung gusto mo at hindi mawawala yung pagmamahal at pag-aaruga nila sa iyo.

"Mmm...Oo. Masarap maging bata kasi wala kang poproblemahin, sila ang mag-aako para sa iyo." sabi ko sa kaniya.

"Kaya nga kasi habang lumalaki ka nadadagdagan yung problema mo tsaka humihirap rin ito." sabi ni Gia. Tama naman siya. Kapag lumalaki na tayo nadadagdagan na nga yung problema mo tsaka pahirap ng pahirap na hindi na rin kaya ng mga magulang mo na akuhin iyon kasi kahit sila rin ay may sarili rin silang problema. At yung problema na iyon ay kailangan sa sarili mo iyon solusyunan at hindi sila.

"Pero kahit ganun, atleast alam na natin kung paano masolusyunan yung problema na iyon kahit sa sarili natin at hindi sa magulang natin. Nandyan lang sila para gabayan ka." sabi ko sa kaniya. Nakita ko na tumango siya. Humarap na lang ulit ako sa TV. 

"Pagpasensyahin mo na lang si Dianne kahapon Ate." sabi sa akin ni Gia. Tumingin ulit ako sa kaniya pero nanduon pa rin yung mata niya sa TV.

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now