A/N: Argh! Nakakainis Guys! Yung pinaghirapan ko pong BS nabura agad! Kaya po kailangan ko po ulit siyang ulitin! Nakakainis! Bwiset! So, ngayon I try my best na alalahanin yung mga pangyayari. Uhm. Dapat po kasi bukas mag-uupdate rin ako kaso may exam week na naman po kami kaya focus muna po ako sa study. Baka po next week may update na ako. Maghintay lang kayo, gaganda na yung flow ng story na ito. ;))
LUCKY'S POV
"Bakit mo kasama yung lalaking iyon ha Lucky?"
Hindi ko alam kung bakit nag-iba yung aura ni Stephen biglang may sumapi sa kaniya na masamang espirito. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin niya sa akin.
"Bakit mo kasama yung lalaking iyon ha Lucky?" Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos kaya ako na ang bumitaw sa pagtititig naming dalawa. Tumingin ako sa coffee table namin. Hindi ko kaya na matingnan yung mga malalamig niyang titig sa akin. Mahigpit pa rin yung hawak niya sa braso ko.
"BAKIT MO KASAMA YUNG LALAKING IYON HA LUCKY?!" Galit na sigaw niya sa akin. At lalo pa niyang hinigpitan yung braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil hindi pa rin magaling yung sugat ko sa katawan. At dahil katabi ko lang siya dahil ginagamot niya yung sugat ko sa katawan ko kanina ay parang nabingi ako dahil sa sigaw niya sa akin. Hindi ko maatim kaya tumingin ako sa kanya ng malamig na titig.
"Gusto mong malaman Stephen? Pero bago iyon, ikaw nga tinatanong ba kita kung bakit kasama mo yung mga babae na dinadala mo dito sa bahay? Pinapakelam ko ba kayo? Diba hindi ba Stephen?" Malamig na titig ko sa kanya at matapang na tanong ang binigay ko sa kaniya. Kahit nahihirapan akong baka ako yung matalo na naman sa pagtitig namin ay nakahinga ako ng maluwag na siya ang unang bumitaw sa aming dalawa.
Napatawa siya pero hindi pa rin niya binibitawan yung braso ko at lalo naman niyang hinigpitan yung paghawak niya sa akin at pagkatapos niyang tumawa ay humarap siya sa akin.
"Nagpapatawa ka ba Lucky? Baka hindi mo alam na ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa. Ikaw ang nagsira sa amin ni Vivienne. Ikaw ang unang nangealam sa relasyon namin ni Vivienne Lucky."
"Akala mo masaya akong tumira sa pesteng bahay na ito kasama ka? Hindi Lucky, nasusuka nga ako kapag kasama kita eh kaya ako nagdadala ng mga babae dito sa bahay kasi sila pinapaligaya nila ako eh ikaw hindi."
"Tandaan mo Lucky, you have to pay of what you've done to me and to Vivienne. Kaya nga kita pinapahirapan hindi ba? Kasi gusto kong ipaghiganti kita sa mga ginawa mo sa amin ni Vivienne. Kaya ngayon nakatali ako sa hindi ko naman mahal at nakatira pa ako kasama niya dito sa pesteng bahay na ito. Alam mo yun Lucky kung sino iyon diba?"
Ako na naman yung bumitaw sa pagtitig namin sa isa't isa. "Oo, alam ko na ako ang may kasalanan. Oo, ako ang nagsira sa relasyon ninyo pero sana naman Stephen maintindihan mo rin kung bakit ko ginawa yung mga bagay na iyon sa iyo." Gusto ko sana sabihin sa kaniya ito pero sa palagay ko hindi naman siya makikinig sa akin. Baka pa nga sampalin, o bugbugin pa niya ako dito sa sala.
Kumirot bigla yung puso ko. Biglang tumusok yung mga karayom diretso sa puso ko. Paasa ako. Paasa ako kasi akala ko magkakaroon na kami ng happy ending pero hindi pala after 3 years na pagsasama namin bilang mag-asawa mahal pa rin niya si Vivienne.
Sa wakas at nabitawan na niya ako sa braso ko. Bigla akong umusog at pumunta sa dulo ng sofa habang hinahawakan ko yung braso na hinawakan niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla ako naluha, hindi ko alam kung sa sakit na sugat na natamo ko sa katawan o yung masasakit na salita na ibinigay sa akin ni Stephen na hindi ko malunon dahil nakabara pa ito sa lalamunan ko at yung puso ko na natutusok tusok dahil sa karayom.
BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomanceIsang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakaya kaya niyang makuha puso ulit nito kung kailan bulag na ito sa pag-ibig ng iba?