Chapter 19: College Days (Part 1)

120K 1.2K 14
                                    

 A/N: Konnichiwa Minna-san! Kamusta na kayo? Hindi na ba kayo makapaghintay ng update? Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Alam niyo naman yung sitwasyon ko diba? Kaya sana maintindihan niyo po ako. Thank you thank you talaga kasi 51,000 thousands na yung reads nitong story na ito! Congratulations to all of us FloralBridres! Sobrang saya ng Ms. Author ngayon. Hihihihi! Pagpasensyahin niyo na si Ms. Author kung late siya mag-update. Intindihin niyo na lang ha? Itong next na update ko ay puro flashbacks nung college pa sila. Kung paano naging friends sila.

LUCKY'S POV

(Please refer to Chapter 3 and 4 kapag di niyo na maalala. Maganda kung balikan niyo kasi hindi niyo magegets, sinasabi ko na sa inyo yan.)

Flashback

Pagkagising ko ay tiningnan ko muna kung nasaan na ako. "Nasa kwarto nga pala ako." sabi ko sa isip ko. Tumayo na ako at tiningnan ko sa full length mirror ko yung itsura ko. Hay....Mugtong mugto yung mata ko. Ayoko naman na ganito yung itsura ko kapag nagkita kami pero makakaya ko ba na makipagkita ako sa kaniya ngayon?

"Hija, papasok ka ba ngayon?" sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko. Si manang muna yung magbabantay sa akin dito sa bahay habang wala pa si mama at papa dito sa bahay. Papasok ba ako? Parang ayoko kasi makikita ko na naman siya doon kasama yung girlfriend niya. Ayoko muna makita siya kasi parang kapag nakita ko siya ngayon baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na maiyak ulit dahil sa nararamdaman ko sa kaniya. Pumunta muna ako sa pinto ng kwarto ko at binuksan ko. Nakita ko si manang na nakangiti sa akin. Ningitian ko siya ng malungkot kasi hindi ko naman kaya na ngumiti sa kaniya na pagkasaya saya.

"A--a--ah manang, hindi po muna ata kasi masama yung pakiramdam ko." pagsisinungaling ko sa kaniya. Tumango na lang si manang pero bago umalis si manang ay

"Oh Lucky, bakit namamaga yung mata mo? Nagmumuto pa, umiyak ka ba kagabi?" hindi ko mapigilan na umiyak ulit sa kaniya. Niyakap ko siya kasi nalulungkot na naman ako. Naalala ko na naman yung nagyari kahapon.

"Ssshhh....gusto mo ba pag-usapan natin iyan?" tanong niya sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot habang magkayakap kami. Hinahagod naman niya yung likod ko para mapakalma ako. 

Nandito na kami sa kama ko at sinusuklay naman ni manang yung buhok ko habang ako naman ay nakahiga sa hita niya. Ang sarap ng hagod ng buhok ni manang sa akin hindi ko mapigilan na mapapikit ng mata. Pero bago pa ako makatulog ay

"Umiibig na pala yung anak ko ah." sabi ni manang sa akin kasi sabi niya sa akin na parang anak na niya ako. Ako naman siya yung second mama ko kasi nandyan siya kapag wala sa bahay si mama.

"Manang naman eh." sabi ko sa kaniya.

"Eh bakit? Totoo naman ah, kahit hindi mo sa akin sabihin kung bakit ayaw mo pumasok kanina ay alam ko na umiibig ka na. Hay....Dumadalaga ka na Lucky." ngiti na sabi sa akin ni manang sa akin. Totoo naman si manang na umiibig na ako. Wala naman kasi sa dictionary ko na 'love' puro studies lang o kaya libro.

"Eh bakit manang? Dalaga naman talaga ako ah. Hindi na ako kaya bata." tumayo na ako sa pagkakahiga sa hita niya at bumasangot yung mukha ko sa kaniya. Eh kasi naman eh, nagkakamens naman ako, tumatangkad naman ako, o edi ibig sabihin lang nun dalaga na ako kasi nagbabago na yung katawan ko.

"Oo nga dalaga ka nga pero isip bata ka naman." natatawa na sabi sa akin ni manang. Ah ganun! Bwisit si manang, akala ko pa naman icocomfort niya ako ayun pala mas lalo niya lang pinalala. 

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now