One

44.2K 1.3K 320
                                    

SYREEN

STRESS na stress na ang gandang taglay ko dahil sa hanash ni Dean. Hindi na ako natutuwa sa mga pa-etchos niyang drama sa buhay. Professor naman ako, pero ang tingin niya sa akin muchacha dahil bata ako at baguhan! Ginigigil niya ang beauty ko!

"Yes, woooh! Nguso mo bilat abot hanggang jupiter," anang isang boses at nalingunan ko ang bakla kong frenny na mukhang kulang na naman sa aruga ng jowa niyang porenjer!

"Beks, napupuno na 'ko kay Dean, hahamunin ko na 'yon ng suntukan!" wika ko saka ako nagpaypay ng mga daliri ko sa mukha.

"Kumalma ka, gaga! Wala pa tayong laban sa mashondang hukluban na 'yon na mukhang kinulang sa dilig. Laki nang gigil sa atin kasi lost na ang beauty niya!" ani Veron at umangkla bigla sa braso ko. "Let's go bilat. Tara na at magdilig ng mga tuyong halaman."

Ang slapsoil na Dean namin, inutusan ba naman akong diligan lahat ng halaman na nakapalibot sa buong campus! Iniintindi niya ang mga halaman, ako nga kulang sa dilig, umetchos ba 'ko! Palavarn pa rin ang beauty ko kahit na tuyot ang fukikels!

Nasa may garden na kami ni Veron at nagliliwasan kami sa pagdidilig nang lapitan kami ni Dr. Jio Licaoco, campus director namin.

"Ms. Averde, Mr. Lacitivo," bati nito sa amin at agad naman akong ngumiti sa kaniya.

"Good morning, Sir!" masiglang bati ko sa kaniya.

"Good morning, Sir, pero hindi ako natutuwa sa pa Mr. Lacitivo mo, Sir! Alam mo naman na bilat din akes," biro ni Veron. Mabait kasi si Sir Jio. Iyan 'yong kahit may doctorate degree na, down to earth pa rin ang drama. Lovable pa kasi ang guwapo.

"Ikaw talaga, Miss Veron," aniya saka tumawa. "Bakit kayo ang nagdidilig niyan? Wala ba si Mang Cenon?" tanong niya sa amin at nagkatinginan kami ni Veron.

Nakita kong nanlaki ang mata niya sa akin nang ngumisi ako sa kaniya. Akmang lalapit siya sa akin para takpan ang bibig ko pero kiber na! Kukuda ako dahil gusto ko!

"Si Dean po, Sir! Nai-insecure na naman sa ganda ko! Gusto niya 'kong ma-haggard para kahit paano maabutan niya 'tong ganda ko! Palibhasa kulubot parang cactus!" sumbong ko at napatapik na lang sa sarili niyang noo si Veron. Iyan talaga ang gusto niyang pigilan, ang bunganga kong makasalanan. . . pero realtalk lang naman, e!

Imbes na magalit si Sir Jio sa sinabi ko ay napahagalpak pa siya ng tawa. "Sir! Hindi naman ako nagjo-joke!" tantrums ko at lalo itong tumawa nang tumawa.

"Gaga ka! Iyang bunganga mo, akala ko masisisante ka na! Mabenta ka talaga, sarap mo ibugaw," bulong ni Veron habang nanonood kami sa paghagalpak ni Sir Jio.

"Napasaya mo 'ko Ms. Averde," ani Sir Jio nang makabawi na siya mula sa pagtawa. "Sige bitiwan n'yo na iyang mga pandilig na 'yan. May parating tayong bisita ngayon, ayaw kong makita nila na ganito tratuhin sa atin ang mga baguhan na prof. Hayaan ninyo't pagsasabihan ko si Dean Mina, kapag nakita ko ha?" dagdag nito at awtomatiko kaming napatango ni Veron saka ngumiti sa kaniya.

"Thank you, Sir! Sana talaga magka-jowa ka na! Very much deserve mo! Gwapo na makatao pa!" pang-uuto ni Veron na ikinatawa muli ni Sir Jio bago ito nagpaalam.

Sasalisi na sana ako ng layas nang biglang higitin ni Veron ang braso ko. "At saan ka pupunta bilat? Ako nanggigigil na 'ko sa 'yo! Sinabi ko na sa 'yo iyang bibig mo! Baka mapatalsik ka ni Dean-"

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now