Twenty

22K 978 264
                                    

SYREEN

HINDI ko malaman kung ano bang dapat kong gawin. Kung ipapapatay kay Veron ang tawag o mabilis na tatakpan amg bibig ni Liran na patakbo sa gawi ko.

"NANAY! NANAY!"

Mabilis kong sinenyasan si Veron nang tila hinihiwa ng kamay ang leeg para lang patayin na niya ang tawag na agad naman niyang ginawa.

"Woooooaah!" pagbuga ng hininga ni Veron nang tuluyan nang maputol ang tawag.

Agad akong tumakbo patungo kay Liran saka ko siya kinarga at niyakap bago ko binugaw ang bubuyog.

"Anak, bakit ka naman sumigaw?" nanglulumong wika ko sa kaniya pero nginusuan lamang niya ako na animo may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Manang-mana sa ama sa pagiging madrama.

"Nanay! Habol ako po bubuyog, uusap ka pa rin po!" sumbat niya sa akin na ikinagulat.

Sa huli ako pa ang nag-sorry sa kaniya at pinasok siya sa loob ng bahay. Mukhang manipulative sad boy yata ang anak ko pagtanda, bwakanang ina.

Ngayon ay nakaupo kami sa sala nina Dallia at Veron habang tinitingnan nila ang photo album ng kambal.

"Sa kahit anong anggulo ko talaga tingnan, wala silang nakuha sa kapangitan mo," ani Veron at parang sinipat pa ng hinayupak ang mukha ko at ang mukha ng kambal sa litrato. "Napakalakas naman ng dugo ng mga Laugthner—"

"Ng mga Freezell kamo. Kapag pinagsama-sama mo sila. Iisa ng mga mata. Akala mo any moment babaliwin ka," putol ko sa kaniya saka ako tumayo para kuhanin ang kape na ipinatimpla ko kay Tatay.

Nadatnan ko si Tatay na nakangiting sinusubuan si Liran at Livan ng pagkain habang kapwa naman busy ang kambal sa mga ginagawa nila. Si Liran nagbubuo ng robot gamit ang lego, at si Livan naman ay nagpipinta.

"Ayos ka lang po ba, Tay? Babalik na po bukas si Dindin. May makakatulong ka na po," wika ko at tumangi naman ito sa akin.

"Nakakabawas sila sa mga iniinda ko, pero Syreen, gusto ko lang malaman mo. . ." saglit siyang huminto na tila nag-aalinlangan sa sasabihin nila sa akin.

"Ano po iyon—"

". . . huwag mo nang gastusan ang kidney transplant. Hindi ko naman kailangan pa n'on. Kung kukunin na ako para sumunod sa nanay mo, maluwag kong tatanggapin," aniya sa akin at nawala ang maliit na ngiti sa mga labi ko.

May altapresyon siya, at nang tukuyin namin ang pinagmumulan ng altapresyon niya, kidney failure na pala, pero kahit kailan ay hindi niya ginusto ang proseso ng dialysis kaya't ni minsan ay hindi siya nagpagan'on.

"Ayaw mo bang makasama nang mas matagal pa ang mga apo mo, Tay?" tanong ko sa kaniya ngunit imbes na malungkot ay ngumiti siya sa akin.

"Kaya nga sinusulit ko na hangga't nakakasama ko pa sila. Iniisip ko rin na malungkot doon ang nanay mo. Sigurado ako, gusto niya na rin ng makakasama," aniya at muli nang itinuon ang pansin sa pagpapakain sa kambal.

Dinampot ko ang tray ng mga kape saka na sana ako lalabas ng kusina nang muli na naman siyang magsalita.

"Ayusin mo ang buhay mo. Piliin mo kung saan ka sasaya. Piliin mo ang tama. Doon lang naman magiging maayos ang lahat, kapag pinili mo nang isatuwid ang lahat," aniya kaya't napakagat-labi ako saka na ako tuluyang lumabas ng kusina.

        

MASAMANG-MASAMA ang tingin sa akin ni Veron habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

"Sige na kasi!" nakangusong pamimilit ko sa kaniya.

"Napakasura ng ugali mong walanghiya ka! Ang ganda-ganda ko pa naman! Paano kapag biglang nagwala iyon sa sasabihin ko tapos suntukin na lang ang maganda kong fes? Papanagutan mo ba? Punyeta ka! Sarap ipatanggal ng tinggil mo, letse!" himutok niya sa akin.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon