Twenty-two

21.3K 956 162
                                    

SYREEN

WALA ako sa sarili ko. Ramdam ko ang dumadaloy na takot at sakit sa akin. Hindi ko na alam kung anong dapat ko pang isipin sa mga oras na ito.

Sa dami ng mga taong nakabangga ko noon at ngayon, hindi ko alam kung sinong magtatangka sa anak ko. Sa dami ng mga nasagasaan kong buhay, wala akong ideya sa puwedeng kumuha kay Livan. Nauubusan ako ng isipin.

"Sy," tawag sa akin ni Dindin saka niya inabot sa akin si Liran. "Umiyak ka kung kailangan mong umiyak. Huwag mo naman tikisin 'yang sarili mo. Maglilinis na muna ako sa kuwarto ni Liran," aniya saka pa tinapik ang balikat ko.

"Nanay, nasaan po Livan?" tanong sa akin ni Liran saka pa niya hinaplos ang pisngi ko. Parang nagbabadya tuloy tumulo ang mga luha ko dahil sa ginawa niya.

"Anak, nasaan ka n'ong. . . n'ong umalis si Livan?" tanong ko sa kaniya. May malaki akong pinagtatakhan sa sitwasyon na ito at kailangan kong malaman iyon.

"Hahabol ko po 'yong butterfly sa likod ng padulasan," sagot niya sa akin at may mabilis na reyalisasyon na pumasok sa akin.

Binitawan ko si Liran at inakay ko siya papasok ng bahay.

"Dindin! Tay!" tawag ko at lumabas si Tatay mula sa kusina habang pugto ang mga maya at si Dindin naman ay lumabas mula sa silid ni Liran.

"Bakit, Sy?" tanong ni Dindin nang may pag-aalala.

"Dito lang kayo sa loob ng bahay. Walang aalis sa inyo. Walang lalabas. Hintayin n'yo na lang ang tawag ko. Huwag na huwag kayong magpapapasok ng kahit na sino. Mahahanap ko rin si Livan. Maiuuwi ko rin siya rito," paliwanag ko at inabot ko kay Dindin si Liran at mabilis na kinuha ang susi ng sasakyan ko. . . na matagal na panahon ko nang hindi nagagamit.

Mabilis ko itong pinaandar at tumungo sa Phyrric. Alam kong kumikilos na rin si Chief dahil kahit na ano pa ang mangyari ay apo niya pa rin naman ang nawawala. Dalawang araw na mula nang manggaling ako sa Phyrric kaya't umaasa akong mayroon na silang maibabalita sa akin.

Nakarating ako ng Phyrric at kahit pa sinasalubong nila ako ng ngiti ay hindi ko iyon pinansin. Tuloy-tuloy akong tumungo sa opisina ni Chief.

Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko silang nag-uusap ni Callia.

"The ghost agent has returned," anito sa akin saka ako tinitigan nang mariin sa mga mata.

"Wala akong panahon sa mga ganiyan ngayon, Callia," supalpal ko sa kaniya ngunit nginisian lamang niya ako. Bumaling ako kay Chief na wlaang emosyong nakatitig sa akin. "May napansin akong puwedeng makatulong sa paghahanap kay Livan—"

"That the kidnapper doesn't know he has a twin, right?" putol niya sa akin na ikinabigla ko. Talaga palang may connection siya sa lahat ng atom. Hindi na nakakapagtaka.

Naupo ako sa harap ni Callia at tumingin ako sa mga palad ko na pinagsalikop ko. "Tinanong ko si Liran kung nasaan siya n'ong nawala si Livan, at ang sagot niya sa akin ay may hinahabol siyang butterfly hanggang sa umabot siya sa likod ng slide. Ibig sabihin. . . hindi ako lubusang kilala ng kidnapper. Puwedeng random lang ang pagkuha niya ng bata, at nagkataon na si Livan ang walang bantay—"

"Did you really think of that? Kinakalawang ka na yata, Syreen," sabat ni Callia at nawala ang ngisi nito sa mga labi. "Nawawala ang anak mo, isa kang secret agent, tapos iiisipin mong random lang? Are you even thinking? I don't even know your sons but the moment I learned about this incident, I already knew this wasn't normal," patuloy niya at para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. "This was done by someone you know. Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pag-iisip ng ibang tao."

Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis. "Kung makapagsalita ka, parang naranasan mong makuhanan ng anak—"

"I didn't. . . pero alam ko ang pakiramdam nang magtraydor at traydorin. You should know that too," putol niya sa akin.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon