Seven

27.4K 1.1K 237
                                    

SYREEN

TITIG na titig siya sa akin at mukhang inaalam niya kung anong magiging desisyon ko. As if naman mababasa niya, kung anong tumatakbo sa utak ko ngayon.

"Talk, Syreen. Huwag mo 'kong—"

"Paasahin? Gaguhin? Tarantaduhin?" putol ko sa kaniya at naglakad-lakad ako sa harapan niya. "Hindi ko naman ikakaila sa 'yo na marupok ako dahil iyon ang totoo. . . pero hindi kaya masyadong tanga naman na ang turing mo sa akin?"

I saw how his brows furrowed. Mukhang hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ko.

Tinitigan niya ako nang mabuti saka siya dumukwang, itinukod ang mga siko niya sa mga tuhod niya at pinagsalikop ang magkabilang kamay niya. "I'm only asking a second chance for us—"

"Ang dali naman kasing sabihin niyan sa 'yo, pakingshet. Hindi naman kasi ikaw ang nasaktan, ikaw kasi ang nang-iwan. Aba'y kung ganoon lang naman talaga kadaling mag-move on at patatagin ang sarili, bakit ako magpapakipot? Redeeming myself back was as hard as accepting that you only played with my feelings. . . that you took advantage of my naiveness." Nakita kong may dumaan na guilt sa mga mata niya ngunit agaran naman iyong nawala.

Legit check lang ha? Parang pinipiga ang dibdib ko. Ayaw ko na kasi talagang maalala lahat ng katangahan at pagpapakabobo ko noon pero heto siya't kulang na lang ay ungkating ang bwakanang inang nakaraan namin.

"I'm not invalidating your emotions. Of course, you deserve to give me back the pain I've caused you. Hindi ko inaalis iyon sa 'yo. . . but, darling, I want to go back home now. I want you to be back in my life now. Three years was enough for fooling myself. I'm damn tired, and I want to go back where my heart really belongs," aniya sa akin habang seryosong-seryoso ang titig at tono niya. Parang gusto niyang pasukin ang hangganan ng pagmamatigas ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Naglakad ako patungo sa gilid na sofa at naupo bago muling bumaling sa kaniya na nakasunod pala sa akin ang mga titig. "Home? I'm not your home, Leik. You don't destroy your home. Are you even sane? Akala mo ba napagaan nang ginawa mong pag-amin sa akin ang loob ko? No. You only make it worst."

"But you kissed me," aniya at halos bulong na lamang iyon na umabot sa tainga ko.

"I kissed you, yes. . . but I only did that to balance the situation and nothing else. Kung ikaw ba ang nasa posisyon ko at sinabi ko sa 'yong tinaboy kita three years ago para lang samahan ang isang lalaking mentally unstable, would you easily and quickly accept the pain I gave you? Would you quiclly accept my back in your life just because I told you that you were my home?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya at nakita ko siyang napayuko at natahimik.

"I wont," he replied that surprised me.

I flicked my tongue and chuckled sarcastically. "See? The end didn't justify your means. Anong gusto mong gawin ko? Magta-thumbling pabalik sa 'yo dahil ako na ngayon ang pinipili mo? Ang intindi mo ba, masarap maging part ng option? ng choices? Babalikan mo 'ko dahil pagod ka na sa unang pinili mo? Babalikan mo 'ko dahil ayaw mo na sa naging desisyon mo? Bigyan mo naman kahit paano ng kahihiyan ang sarili mo, Leik. Aba'y totoong marupok ako, pero nag-iisip pa naman ako. Second chance for this marriage? I'm sorry. . . bodyguard lang ang kaya kong i-offer sa 'yo," wika ko saka ako tumayo at kinuha ang bag ko.

Nagsimula akong maglakad patungo sa pinto at hindi naman niya ako sinundan na talagang pinagpapasalamat ko. Baka kasi imbes na lumayas ako, bumalik ako dahil sa pagkarupok-rupok ko.

Hawak ko ang seradura ng pinto nang muli ko siyang lingunin.

"Have a good life with Zylin, Leik. Have a good life with that mentally unstable woman that you chose over us. . . ako na ang mag-aasikaso ng annulment papers."

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now