Six

28.9K 1K 153
                                    

SYREEN

SIGURADONG mababasa sa mukha ko na mukha akong pinasabugan ng granada dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya.

"Earth to you, bilat! Para kang nabugbog ng tite—"

"Bunganga mo na naman!" sita ko kay Veron. Nasa 7/11 kami at kumakain ng ice cream. Kahit nasaan talaga, hindi niya magagawang maipreno ang bunganga niya. Kung hindi nga lang prof itong si Veron, pasok na pasok 'to sa mga comedy bar sa galing mang-alaska.

"Para ka kasing niyugyog ng three thousand times ng malaking sandata at hindi ka maka-get over," pang-aasar niya kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

Pagkatapos naming mag-usap ni Leik kanina ay pinirmahan ko nang agad ang kontrata. Hindi ko alam kung dahil sa hiya at takot lo sa nanay niya, o talagang marupok lang akong tao kaya ganoon ang naging resulta.

Nilayasan ko siyang agad nang makapirma na ako at pinuntahan ko nga itong si Veron. Natatakot din akong baka sarili ko na ang ipagkanulo ko kapag nagtagal pa kaming magkasama. Literal na parang naglalakad na kalibugan si Leik para sa akin. Ang hirap niyang iwasan lalo na't inborn sa mga tao ang ganoong bodily needs. At oo pakingshet, huwag n'yo nang ipamukha na three years na akong walang dilig.

"Tara na nga. Baka wala na naman tayong masakyan," aya ni Veron sa akin saka pa niya binitbit ang bag ko. Ugali niya talagang magmukhang boyfriend sa akin sa pagbibitbit niya ng bag ko. Lalaking-lalaki naman talaga siya kapag tinignan mo, tapos ang guwapo, basta huwag lang siyang magsasalita. Pasmadong bakla kasi ang bunganga niya.

Nakalabas kami ng 7/11 at nag-aabang ng jeep, nang bigla na lamang may humintong pamilyar na itim na Ford Ranger sa harap namin.

"Mukhang masarap ang sakay, bilat," siko sa akin ni Veron ngunit ibinaling ko sa iba ang paningin ko. Wala akong pantasya sa mga sasakyan at mas lalo na sa mga nasa loob. Dagdag lang sa polusyon ang mga hinayupak.

Hinawakan ko ang kamay ni Veron at hinatak ko siya patungo sa bandang poste para makita namin kung may dadaan na bus o jeep. Laki kasing harang ng sasakyan, e.

Saktong may dadaan na jeep sa harap namin nang bigla na lamang bumaba ang may ari ng Ford Ranger at parang gusto kong manakal nang makita ko si Leik na hindi maganda ang tabas ng mukha at akala mo ay nababalutan siya ng maitim na awra galing sa mga sinaunang kulto. Suot niya pa rin ang suot niyang long sleeves na navy blue na nakatupi ang mga manggas hanggang siko, at black na slacks.

Ano na naman kayang trip nitong bugok na 'to sa buhay? Para siyang isinumpa ng mga kapre sa sama ng timpla niya. Ang sama ng tingin niya sa kamay namin ni Veron kaya hindi ko na lang siya pinansin.

"OMG! FAFA ANDREY MY LOVES!" sigaw ni Veron at naglingunan ang ibang nag-aabang. Nakita ko kung gaano sila nagulat nang makita ang sikat na celebrity na ito na narito sa harap namin at parang kakainin ako—este kakain ng tao sa sama ng awra.

"Come with me," malamig na wika niya ngunit hindi ko naman sure kung ako ang kausap niya dahil inalis ko na ang tingin ko sa kaniya.

"PA-PICTURE NAMAN, ANDREY! OMG! MY DEAREST ANDREY!" tili ng isang babaeng mukhang taeng-tae sa guwapo.

Napalingon ako nang matanaw ko siya sa peripheral vision ko na naglakad papalpait sa akin.

Lumapit siya sa akin nang malapit na malapit sala bumulong. "I'm talking to you, Syreen. Sasama ka ba sa akin o hahalikan kita sa harap ng mga taong ito at alam mo kung gaano kalaking eskandalo iyon," aniya at naalarma talaga ako. ALAM NA ALAM NG BUGOK NA 'TO KUNG PAANO AKO TAKUTIN!

Agad kong hinatak ang bag ko kay Veron at akmang sasama na kay Leik nang bigla akong pigilan ni Veron. "Saan ang punta, bilat?" taas-kilay na tanong niya sa akin.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora