Fourteen

21.8K 909 99
                                    

SYREEN

MAKIKITA sa mukha ni Leik ang gulat sa balitang isinabog ko sa kaniya. Sino ba naman ang hindi? Kung sa bagay, gulat na lang naman ang mararamdaman niya, hindi na ang sakit at paghihirap.

"W–What are you saying bitch?" tili ni Zylin na at nakita ko kung paano nagbago ang matamis niyang ngiti kanina.

Bigla kong hinawi si Leik paalis sa harap ko at dinakot ko ang damit ni Zylin sa bandang dibdib at kinaladkad ko siya palabas ng bahay namin. Oo, wala akong pakialam kahit gaano pa siya magwala. Sinabi kong huwag niya 'kong sagarin dahil malala ang tama ko sa ulo! Sa burol pa ng nanay ko? Ay pakingshet siyang malala kung ganoon.

"LET ME GO!" tili niya at dahil madali akong kausap, hinagis ko siya pasubsob sa lupa. "OUCH!"

"Mabait ako. Iniintindi kong may sira ka sa ulo, but really? Sa burol pa talaga ng nanay ko? 'Tang ina ka ba? Tao ka ba? May utak ka ba?" gigil na pahayag ko sa kaniya. Kung magkakaroon lang talaga ako ng tsansa, babawian ko siya nang matindi. Tipong hindi na siya makakapagsalita o makakagalaw man lang.

"I am pregnant! Why are you doing this to me?" palahaw niya ngunit tinapunan ko lamang siya ng blangkong tingin.

"Ipaako mo sa totoong ama niya iyang anak mo dahil hindi gugustuhin ng anak mo na lumaki siyang ginagamit mo sa tama ng ulo mo. Hindi materyal ang mga anak na gagamitin mo lang sa paraan na gusto mo. Lumayo ka na sa amin ng asawa ko hangga't maaga dahil hindi mo gugustuhin na tuluyan kong isabog lahat ng galit na kinikimkim ko. Mapagpasensya ako, Zylin, pero oras na maubos ang pasensyang iyon, nakakalimutan ko lahat ng dapat hindi ko gawin," anas ko at nakita kong nahintakutan siya sa akin. She should be, dahil hindi ako nagbibiro.

Akmang tatalikod na sana ako sa kaniya nang bigla na lamang itong tumawa nang tumawa at kasabay niyon at ay ang pagdulog ni Leik sa akin.

"Syreen. . ."

"Get her out of here, Leik. Baka mapatay ko 'yan," anas ko sa kaniya nang akmang hahawakan niya ako sa braso.

Lalo pang tumawa nang tumawa si Zylin at hindi ko na alam kung ano bang problema niya. Bwakanang ina niya, feeling entitled siyang magbaliw-baliwan? Kung meron man may karapatan na mabaliw rito, ako 'yon!

"I have a secret to tell. . ." anito na pakanta ang tono at kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Zylin! Fucking snap out! Ano bang nangyayari sa 'yo?" sigaw ni Leik sa kaniya.

"Ialis mo na 'yan. Wala akong balak makinig sa baliw na babaeng 'yan dahil isa siyang malaking tanga. Parang awa mo na, Leik. Alisin mo 'yan dito. Ayokong makita ng nanay ko kung gaano kasama ang ugali ko. Ayokong malaman niyang kayang pumatay ng tao ng anak niya," anas ko saka ko sila kapwa tinalikuran at agad na pumasok ng bahay para tumungo sa silid ko.

Naupo ako sa kamay at kumuha ng unan para yakapin ito. Tumingin ako sa bed side table ko kung nasaan ang larawan namin ng nanay ko.

Napangiti ako ng mapait saka ko iyon marahang hinaplos. "Alam kong alam mo naman kung anong propesyon ko kahit hindi ko sabihin, 'di ba? Alam kong ilang beses mo nang nakita ang mga baril at granada sa gamit ko pero kahit kailan hindi ka nagtanong. Lagi mo lang akong sinusuportahan kahit pa sa lahat ng katangahan ko. . . kaya alam mo, Nay, hindi ko makuha bakit kailangan mong iwan ako. Balik ka na. . . balik ka na, Nay. Balik ka na sa akin."

       

NAGISING ako na pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin kaya't naging mabilis ang reflexes ng katawan ko. Agad kong kinuha ang baril sa ilalim ng unan ko at itinutok ito sa taong nakatitig sa akin.

"SHIT!"

Nagkagulatan pa kami dahil sa nangyari.

"Pakingshet naman, Leik! Bakit mo ba naman ako tititigan habang tulog? Wala tayo sa bahay mo!" galit na sigaw ko saka ko ibinaba ang baril.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora