Five

28.3K 1.1K 168
                                    

SYREEN

MATALIM ang tingin ko nang magtagpo ang mga mata namin ngunit ang kaniya ay tila walang emosyon. . . hindi man lang nagulat ang bugok na diablong 'to!

Naglakad ako papalapit sa mga isinugo ni satanas para gaguhin ang araw ko.

"Oh the bitch is here—FUCK!" Mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Sinungalngal ko lang naman ang mukha niya ng palad ko. Oo, literal kong tinulak ng palad ko ang mukha niyang puno ng kolorete palayo sa akin. "How dare you—"

"Talagang how dare me! Itigil mo 'yang bunganga mo! Ang baho ng hininga mo!" putol na singhal ko sa kaniya. Hindi pa 'ko nito nakitang napuno, e. Baka magulat siya pasubuan ko siya ng nguso ng baril.

"What do you want?" walang emosyong tanong sa akin ni Leik. Tindi rin talaga ng kapal ng pagmumukha ng isang ito.

Humalukipkip ako saka ko siya pinakatitigan. "Tingnan mo nga naman ang kapal ng mukha mo, ano? What do I want? Hindi ka nahihiya sa sarili mo niyan, Leik? Workplace ko, isasama mo 'yang kabit mo?" nakangisi kong wika sa pinuno ng mga hudas at bugok sa kalupaan.

Sa halip na mairita siya sa sinabi ko, unti-unting sumilay ang nakakapikon na ngisi sa mga labi niyang mahubog. Kapag talaga namang tinamaan ng diablo, ang dami kong tititigan, ang labi pa niyang magaling sumamba.

PAKINGSHET KA, SYREEN! IKALMA MO NGA 'YANG FUKIKELS MO! NAGAGALIT KA!

Kung bakit naman kasi akala mo nagpaparangal ang mga labi niya, bwakanang ina!

"So you're admitting it now that you are indeed my wife?" aniya sa nakakalokong tono. Gusto kong siya na ang sunod kong sungalngalin pero nagtitimpi ako. Baka may makakita sa amin na estudyante at lalong magkanda-letse-letse ang lahat-lahat sa buhay ko.

"Alangan naman na i-deny ko? May marriage contract tayo," taas-kilay na sagot ko saka ako bumaling kay Zylin na mukhang tanga dahil hindi maipaliwanag ang ekspresyon niya. "Kaya huwag kang bida-bida, girl. Tingin mo sa akin api-apihan? Magpapa-bully sa 'yo? Gaga ka pala, e. Kayang-kaya kitang pulbosin pero hindi ko ginagawa, kaya dapat kang magpasalamat sa akin. Sa susunod huwag kang pagala-gala sa teritoryo ko. . . baka magulat ka na lang, sakmal-sakmal ko na 'yang leeg mo," banta ko rito na sinamahan ko pa ng nakakalokong ngiti.

Sasagot na sana si Zylin nang bigla na lamang hinaklit ni Leik ang pupulsuhan ko at hinatak ako palayo sa kerida niyang mukhang sasabog na sa pikon at galit.

"Bitawan mo 'ko, bugok. Naa-allergy ako sa mga gaya mong kurimaw!" singhal ko pero hindi man lang ako pinansin at patuloy akong kinaladkad.

Hindi ko alam kung mapalad lang ba ako dahil walang mga estudyante o kahit tao man lang sa paligid para masaksihan ang pangde-delubyo sa akin ng bugok na 'to.

Narating namin ang opisina niya sa kakakaladlad niya sa akin saka niya ako marahas na ibinato sa sofa.

Nameywang siya sa harapan ako at tumingin sa taas bago nagbuntonghininga at muling tumingin sa akin. "Let's get this straight, Syreen," aniya sa napakaseryosong tono.

"Sigurado kang itutuwid mo 'to? Sa pagkakaalam ko kasi, lahat sa 'yo baluktot. Pag-uugali at paniniwala," pambabara ko sa kaniya na akala kong ikapipikon niya ngunit mali ako. May sumilay na isang kakaibang ngisi mula sa mga labi niya na animo may bigla na lamang siyang isisiwalat na bubugbog sa lahat-lahat ng mayroon ako.

Inalis niya ang mga kamay niya mula sa bewang niya saka siya humalukipkip at pinakatitigan pa ako ng mas mariin. "May tuwid sa akin, darling. . . pumasok pa nga sa 'yo," aniya ay ramdam ko ang paggapang ng kahihiyan sa katawan ay pagkatao ko.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now