Seventeen

22.9K 944 247
                                    

SYREEN

NAKARATING kami ng Phyrric at halos lahat ng narito ay gulat na gulat nang makita ako. Aba'y hindi ko rin naman sila masisisi. Bumalik ba naman ang diyosa ng Phyrric, talagang legit silang mawiwindang.

"OMG!" tili iyon na ikinalingon ko at pagkita ko ay si Missy na hangos na hangos kung ako'y takbuhin.

"ANG BABAENG—BWAKANANG INA!" anas ko saka ko siya pinigilan na lumapit sa 'kin at mabilis kong kinuha ang kamay niya. "WEDDING RING 'TO, AH?" gulat na gulat na wika ko.

Bigla siyang ngumiti at nangingimi na sinundot ako sa bewang. "Kasi naman, ih!" anito na lalo kong ikinawindang.

Pakingshet! Three years lang akong nawala pero parang ang dami nang naganap na malayo sa pagkakaalam ko.

"Anong nangyari? Kasal ka na—"

"With me. And this is our daughter, Kylle Reez Brizzle, but you can call her Kyree. Long time no see, Syreen," ani Hudsen na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan at may bitbit pang bata na sa palagay ko ay magdadalawang taong gulang na.

"Bwakanang ina, hindi nga? Nagkatuluyan kayo?" anas ko at ang animales na Hudsen, ngumisi pa sa akin.

"She threw away herself to me while drunk—"

"Hudsen! Iyang bibig mo na naman!" putol na singhal sa kaniya ni Missy.

"Ang lalandi n'yo! Akala ko baril lang ang pinapaputok n'yo at granada lang ang pinasasabog n'yo, may mga sideline pa pala kayong malayo sa expectation ko. Napapabilib n'yo 'ko diyan sa trip n'yo," anas ko saka ko marahang kinurot sa pisngi ang anak nilang hawak ni Hudsen. Ang bibilis makabuo ng mga talipandas.

"Hello po," anito sa akin kaya't npangiti ako.

"Hello, baby girl. I'm tita Syreen. The most gorgeous, the sexiest—"

"Shutangena! Huwag mong turuan magsinungaling si Kyree. Doon ka na lang kay Leik, mag-jerjeran kayo!"

Kahit hindi ko alamin o tingnan, alam na agad ng kaluluwang taglay ko kung sino ang kumontra sa akin.

Nilingon ko si Jice at sinamaan ko agad siya ng tingin. "Ikaw! Bwakanang ina ka, marami kang kasalanan sa akin. Talagang kapag ginigil mo 'ko, isisiwalat ko sa asawa mo lahat ng kabugokan mo sa misyon natin noon—"

"Okay lang tanggap niya naman. Kapag pinakain ko 'yon ng pukenjang ko, makakalimutan na n'on lahat ng kasalanan ko. Ikaw ba? Kapag sinabi ko ba kay Leik lahat ng kakemehan mo, agad mo ba siyang mapapakalimot gamit ang pukenjang mo? Excuse me, padaan. Jice Isaiah yata 'to. Only my pukenjang can heal my crimes!" anas niya saka pa naghawi ng buhok sa harap ko na animo ba talagang pagkaganda-ganda niya.

"Bunganga mo hindi pa rin nagbabago! Ilang taon na ang nakakalipas para pa rin akong may kausap na machine gun sa 'yo!" sita ko sa kaniya at ang loka-loka tinaasan lang ako ng kilay at ngumisi.

"Ako rin, Sy. May kausap na machine gun gabi-gabi. Sunod-sunod ang putok, kulay brown nga lang," aniya at parang bigla ko siyang gustong sabunutan.

"Mga lukaret kayo! Lalayas na kami! Naririnig pa ng anak ko 'yang paraan ng pag-uusap n'yo! Ang lakas n'yo pa namang mang-impluwensiya! Good bye!" aniya saka nito hinatak si Hudsen paalis.

"Wow, kung makapagsalita."

"Kunwari din 'tong si Missy, e. Baka nga nag-jejerjeran 'yan kapag tulog si Kyree."

Halos sabay ang himutok namin ni Jice at hindi ko talaga mapigilan ang mapailing. Kaya kami nasasabihan na parang iisa. Ang kaibahan lang talaga, malibog 'tong bwakanang inang Jice na 'to at ako ay tamang beastmode lang.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon