Twenty-seven

21.6K 879 265
                                    

SYREEN

HINDI ko magawang maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bwakanang ina! Katarantaduhan ba 'to? Nasa just for laugh gags ba 'ko? May mga hidden camera ba rito? May mga bigla na lang bang lalabas at sasabihan ako ng it's a prank?

"Kung nagbibiro ka lang, Leik, itigil mo na. Hindi na ako natutuwa, 'tang ina!" galit na bulalas ko at nagpilit akong kumawala sa upuan na kinatatalian ko.

Alam ko ang tungkol kay Freya at Scorpio. Matunog na matunog sila sa Phyrric kahit pa noong nagsisimula pa lang akong mag-training bilang isang secret agent. Alam na alam halos lahat ng mga agent kung anong klaseng mga traydor sila ng Phyrric. . . pero kahit na kailan, hindi ko nalaman kung sino at ano sila sa labas ng Phyrric.

Hindi ko maisip kung anong sinasabi nila na si Tatay si Scorpio at si Nanay si Freya. Ang pangalan ng tatay ko ay Protacio Averde at ang nanay ko naman ay Marleya Averde.

"Kung sana nga, Syreen. . . sana nga katarantaduhan na lang lahat ng ito, kaso hindi. Mahal kita, e. Mahal na mahal kita, pero kapag pinagpatuloy kitang mahalin nang hindi ko natatapos ang dapat matagal ko nang ginawa. . . para na rin akong nag-traydor kay Mama Stella," ani Leik sa akin at kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

Sunod-sunod ang patak ng mga luha ko sa kakaibang sakit na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang maglaho.

"Kaya ba gusto mo 'kong saktan? Kaya ba ginamit mo 'ko at paulit-ulit na sinasaktan para sa tuwing makikita akong lugmok ng tatay ko, mararamdaman niya rin ang bigat ng loob? Ganoon ba 'yon? 'Tang ina, Leik! Sagutin mo 'ko!" palahaw ko. Hindi ko na alam. Parang sasabog na 'ko sa sakit.

Ibinaba ni Leik ang baril at bigla na lamang siyang naglakad papalapit sa akin saka siya lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko.

"I'm. . . I'm sorry. I'm sorry for those times that I had to hurt you when I am hurting too. Patawarin mo 'ko. . . na kailangan pa kitang kasangkapanganin para lang saktan ang mga magulang mo. That day. . . That day I pushed you away, was the same day that I learned that you are Scorpio and Freya's daughter. I was so damn devastated. I kept asking myself. . . bakit sa dami ng babae, bakit ikaw pa? Bakit sa dami ng babae, ikaw pa na handa kong makasama hanggang sa huli kong hininga? Bakit sa dami ng babae sa mundo, ikaw pa. . . ikaw pa ang hindi ko puwedeng mahalin? Bakit. . . Bakit ang gago ng tadhana sa akin?" mahaba niyang wika at nabibigla ako sa mga naririnig ko. Para akong gagong umiiyak din sa mga naririnig ko.

"Nagsinungaling ka noong sinabi mo sa akin na hindi mo nirehistro ang kasal dahil hindi ka pa handa. Tama ba 'ko? Hindi mo nirehistro dahil nalaman mo na kung sino ang tunay na mga magulang ko," mapait na wika ko. "Pero. . . Pero 'tang ina naman, Leik. Ano namang kinalaman ko sa mga kahayupan nila? Bakit. . . Bakit pati ako kailangang magdusa nang ganito? Bakit gan'on? Bakit. . . pati ako kailangan mong saktan at pahirapan?" sumbat ko sa kaniya. "Putang ina ang sakit. Hindi mo na lang ako biglaang sinaktan o pinatay. . . bakit inuunti-unti mo?"

"I'm sorry, Sy—"

"PARA SAAN IYANG SORRY MO!? PARA BA MALINIS ANG KONSENSYA MO? 'TANG INA NAMAN, LEIK!"

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at halos mahigit ko ang hininga ko nang muli niyang itutok sa sintido ni Tatay ang baril na hawak niya.

Natatakot ako. Sobrang natatakot ako dahil kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

"Leik. . . please, huwag ang tatay ko."

"I have to, Syreen. I have to—"

"Iniisip mo bang kapag nawala ang tatay ko, makakapagpatuloy ka na ng pagmamahal sa akin? Palagay mo ba kaya pa rin kitang tingnan sa mga mata pagkatapos nito. . . kung sa tuwing titingin ako sa 'yo, makikita ko kung paano nawala ang tatay ko sa akin? Palagay mo ba ganoon lang 'yon kadali?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Naging masamang tao siya sa inyo. . . pero naging mabuti siyang ama sa akin at lolo sa mga anak natin—"

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon