Ten

26.7K 1K 122
                                    

SYREEN

KULANG ang salitang panginginig ng laman para i-define ko ang nararamdaman kong takot at kaba sa buong sistema ko. Punyawa, kahit lahat na yata ng tapang ng loob sa buong universe, isuksok ko sa buo kong pagkatao, kapag nakita ko ang isang Aeickel Lavria Freezell-- Ricafort, mangangatog pa rin ang lahat ng kalamnan ko. Pakingshet! Si Chief kaya 'yon!

"Long time no see, Syreen."

Tapos babanat pa siya ng ganiyan? Okay, ready na akong matigok habang tuyot na tuyot. Kill me now, Chief! I'm ready. Don't touch me, I'm touchless.

"H–Hello po, Chief. K–Kumusta ako—I mean, kayo po. Kumusta po kayo?" Anak ng bwakanang ina. Nagbubuhol ang dila ko. Kahit yata triplehin o sampuin pa si Lawa, lamang pa rin ang takot ko kay Chief. Para siyang walking hurricane. Ramdam ang ragasa.

"I'm all good. Puwede naman siguro muna akong maupo sa sala ninyo habang kumakain kayo?" ani Chief sa blangkong tono at para akong gago na bigla na lamang kinuha lahat ng laman ng mesa at ipinaglalagay lahat iyon sa lababo.

"Hindi, Chief. Hindi ka dapat naghihintay. Tapos na po kami," maagap na sagot ko sa kaniya saka ako bumaling kay Leik at pinanlakihan ito ng mga mata. "Tapos na tayo, 'di ba? Busog na busog na tayo, 'di ba?" May gigil pa sa pagbanggit ko ng mga salita. Baka kasi humindi ang bugok na 'to.

Kung siya hindi siya takot sa tiyahin niya, ibahin niya 'ko. Dulo pa lang ng anino ng buhok ni Chief, pati fukikels ko nangangatog sa nerbyos! Daig pa ang may vibrator, pakingshet!

Hindi kami pinansin ni Chief at tumungo na siya sa may sala na mag-isa. Humabol naman ako kaagad at iniwan si Leik na chill na chill lang sa buhay niya. Bahala siyang bugok siya. Kapag nagka-ipitan, talaga namang pati itlog niya iipitin ko.

Naupo ako sa katapat ng sofa na inuupuan ni Chief at kinakalma ko ang sarili ko. Kailangan kong ayus-ayosin ang mga pinagkikikilos ko. Isang maling kilos ko, buking lahat ni Chief ang mga dapat mabuking sa akin, bwakanang ina! Sigurado isang lingon lang sa akin nito, pati mga pinakakatago kong karupokan sa fallopian tube ko, madidiskubre niya.

"So how are you, Syreen?" tanong niya sa akin at wala talagang mababakas na kaligayahan sa tono ni Chief. Para siyang robot na monotone pero nakakakilabot.

"O–Okay lang, Chief. Huwag ka po sanang mambigla," utal-utal na sagot ko sa kaniya na sinundan ko pa nang awkward na pagtawa.

Biglang umupo si Chief na naka-de kwatro kasabay nang pagdating ni Leik na naupo sa tabi ko.

"Tita, can you please act normal?" ani Leik dito at parang gusto ko siyang batukan ng mga ten times dahil sa bunganga niyang parang sumusuka ng tae! Saan niya hinugot ang tapang ng loob niyang ganunin si Chief? How are you nga lang ni Chief, parang may kasama nang missile!

"I'm acting all normal here, Leik Andrey. How about you? Can you act normal?" sagot niya kay Leik na tila may malalim na pinararating pero kiber kung maiintindihan ko.

Ano naman bang panama nitong utak kong ga-munggo, sa utak ni Chief na parang descendant yata ni Einstein? Wala. Kahit tumuwad, tumambling, at mag-exhibition ako, hindi ako uubra. Para n'yo na lang kinumpara ang size ng Pandaka Pygmaea at Blue Whale—tali-talinuhan din ako sa pa-Pandaka Pygmaea at Blue Whale ko, e. Natutunan ko lang naman 'yan kay Veron.

"A–Ano po ba sanang sadya n'yo, Chief? Pababalikin mo na po ba 'ko—"

"I don't think you want to go back right now, agent Syreen. Sa nakikita ko. . ." Pinutol niya ang sinasabi niya saka niya ipinatong ang magkasalikop niya mga kamay sa tuhod niyang naka-de kwatro. ". . . parang gusto mo munang sulitin ang pamangkin ko, hanggang sa pareho nang bumigay ang mga tuhod n'yo," dagdag niya na ikinagulat at ikinatayo ko.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now