Two

34.8K 1.1K 85
                                    

SYREEN         

"ANO!?" tili ni Veron saka pa niya inilagay ang mga palad niya sa magkabilang gilid ng sintido niya.

Sinamaan ko ng tingin si Leik at nginisian ako nito. "Anything. . . my wife?" tanong niya at parang gusto ko na yatang sapakin ang mukha niya hanggang madurog.                   
"Ang tindi talaga ng kapal ng mukha mong demonyo kang kulang sa aruga!" singhal ko sa kaniya at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Veron dahil sa binunganga ko.
                  
"HOY, BILAT! HUWAG KANG GANDA-GANDA DIYAN! MAGPALIWANAG KA!" sigaw sa akin nang walang hiya saka pa ako pinagyuyugyog sa balikat.
                                    
Pakingshet! Kita ko ang saya sa mukha ng hayop na Leik na 'to dahil sa nakikita niyang ginagawa sa akin ni Veron.
                               
"Kumalma ka nga!" singhal ko sa kaniya at tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
                      
"HOW!? PAANO AKO KAKALMANG BILAT KA! JINUSAWA MO 'TONG FAFA ANDREY KO!" ani Veron saka pa ako inambaan ng sampal pero pinanlakihan ko lang siya ng mga mata.
       
"Tatampalin kita! Hindi mo pa 'ko hinahayaan na magpaliwanag!" sagot ko sa kaniya saka ko binalingan ang walang hiyang hayop na nasa harap ko. "Hoy fukikels wrecker slash playboy slash sad boy slash controversial actor slash manggagamit, lumayas ka sa harap ko dahil baka basagin ko pa 'yang bungo mong kulang yata sa hilot—"
                        
"Then do something, my wife. Puwede ka namang gumawa ng bagay na makakapagpatino sa akin," aniya saka pa ako kinindatan at parang gusto ko na siyang itapon sa bermuda triangle, pakingshet!
             
"Sheeeeeeeeet, kilikili kong malagkeeeet!" sigaw ni Veron at parang kinikilig pa siya sa ginawa ni Leik.
                          
"Punyawa ka, beks! Ako ang kaibigan mo, pero pinagagana mo 'yang kalandian mo!" bulong na singhal ko pero hindi niya ako pinansin. Parang nagti-twinkle ang mga mata niya ngayon kay Leik.
                   
"Sasama ka na ba sa akin pauwi?" aniya at naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
         
"Pakyu kang slapsoil ka! At bakit ako sasama sa 'yo? Ang tino ng buhay ko ngayon tapos susulpot-sulpot ka? Paki ko sa 'yo—"
        
"OMG, bilat! Siya ba ang may malaking kargada na malaki pa sa titsikels ng horsie-horsie? Sheeeeeeet! I want!" putol niya sa akin para lang ma-amaze sa walang hiyang Leik na 'to.
                  
Punyeta ka, Veron! Humanda ka sa 'kin! Tatagpasin ko 'yang kargada mo mamaya para matuluyan ka na lang!                  

"So ikinuwento mo na pala ako rito sa kaibigan mo?" aniya at para yatang sinilaban ang mukha ko dahil sa pag-iinit dala ng kahihiyan. Pakingshet! Makakapag-ihaw yata ako ng bakla ng taon. Kakabugin ko 'tong si Veron hanggang sa sumuka ng dugo dahil sa kahihiyan na bigay niya sa 'kin, punyawa!
             
Pinaningkitan ko siya ng mata saka ako lumakad papunta sa kaniya at hinaklit siya sa pulso para lang kaladkarin siya papunta sa loob ng gym.
                                
"HOY, BILAT! SAAN MO DADALHIN SI FAFA ANDREY—"
                          
"Humanda ka rin sa akin pagbalik ko, uunahin ko lang 'tong damuho na 'to!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
                           
Nagpakaladkad lang sa akin ang hayop na Leik na 'to. Hindi ko siya nililingon dahil baka mapasabog ko lang ang mukha niya sa sapak kapag nagkataon.
                       
Marahas ko siyang isinalya sa bodega ng gym. Alam kong masyado na akong marahas mula pa kanina, pero alam n'yo kung mabibigyan lang ako ng tsansa, kakarnehin ko 'tong demonyong 'to!
                               
"Gago ka! Ang tino-tino na ng buhay ko tapos ngayon susulpot ka bigla tapos aayain mo 'kong sumama sa 'yo? Sira na ba talaga ang ulo mo!?"              

"You talk as if I did something terrible to you," aniya saka pa ako nginisian ng mapait.                         

"'Tang ina, Leik. Ang tino kong tao, pero hindi ko alam bakit nakakilala ako ng gaya mong malaki yata ang kulang na turilyo sa ulo!" singhal ko sa kaniya. "Lakas mong magpa-ikot ng tao!"
         
"Babalik ka kasama ako, o kakasuhan kita at alam mong kayang-kaya kong manipulahin ang magiging resulta ng kaso," aniya at tinitigan ako sa mga mata.
                 
Sa paningin ko ngayon ay tila siya demonyo na naghahanap ng hahatakin pababa sa impyerno at ako napili niyang biktima.
                  
"Gago ka ba? Ano namang ikakaso mo sa 'kin? Wala akong ginagawa sa 'yo—"
                        
"Adultery. . . my deareast wife. Puwede kong palabasin iyon."
      
"Demonyo ka ba? Wala akong lalake!"
             
Nakakapagsisi, sobrang nakakapagsisi talaga kung bakit hinayaan kong maging marupok sa hayop na 'to noon.    

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ