Nineteen

21.9K 1K 209
                                    

SYREEN

NAKITA ko ang gulat sa mga mata ni Dallia kaya't napangiti ako.

"Oh my gosh, baby girl! You have sons? OMG! OMG!" anito saka pinagyayakap ang kambal ko.

Aba'y naiintindihan ko naman ang gulat niya. Si Veron din naman noon, kahit nasa tiyan pa lang ang dalawa, windang na windang iyan at hindi makapaniwala na mayroon akong kambal na lalaking dinadala.

"Nanay, tagal ikaw uwi," ani Liran sa akin at ngumuso pa ito.

Sa dalawang anak ko, si Liran at pilyo at malaki ang tsansa na makamana ng mga kagagahan ko sa life. Madalas nakakagalitan iyan ng lolo niya dahil kung anu-ano ang ginagawa. Kung wala sa itaas ng mga puwedeng akyatan, makikita mo nasa hawakan ng hagdanan at nagpapadulas. Kung may sakit sa puso ang magbabantay sa kaniya, mas mauuna pang papanaw.

Si Livan naman, kahit magtatatlong taon pa lang, hindi ko alam kung saan at ano ang minana niyang ugali na ito. May mata siyang nakakatakot na animo lagi kang uusigin at hindi mo alam kung kailan siya kikilos para may sabihin na makakasakit sa 'yo o may mismong gagawin na hindi mo inaasahan. Masasabi ko naman na kamata sila ng ama nila, pero ang mata ni Livan, parang mga mata ng mga sindikato o mga delikadong indibidwal na nakakasalamuha ko. I've been to various missions kaya naikukumpara ko.

"Pasensya na anak, ha? Nag-resign na ang Nanay. Puwede n'yo na akong makasama araw-araw," nakangiti kong wika sa kanila at ngumiti naman si Liran sa akin.

Hinding-hindi ko pagsisisihan na itinago ko sila. Mula nang bumalik si Leik, malaki na ang naging pagdududa ko kaya't mas pinili kong hindi sabihin sa kaniya ang tungkol sa kambal. Ayaw kong masaktan ang mga anak ko, mas maigi nang ako na lang. Kapag sila ang nasaktan, kahit si Leik pa, mapapatay ko.

Hindi ko ikakaila na mabilis akong bumigay sa kaniya dahil sa galing niyang manuyo. Idagdag pa ang mga nakakadarang niyang mga salita na, bwakanang ina, akala mo talaga ay totoong-totoo!

Nagsimula akong magduda nang sabihin niyang walang dahilan kung bakit gusto niyang ibalik ako sa buhay niya, tapos ay nasundan ng gusto niya hindi umano ng anak, at nasundan ng gusto niya ng ikalawang tsansa. Marupok at gago ako, pero tumatalas ang utak ko kapag kasangkot na ang mga anak ko.

"Nariyan ka na pala," ani Tatay kaya't agad akong nagmano sa kaniya. Gayon din sina Veron at Dallia.

"May grocery pa po ba?" tanong ko at tumango naman ang Tatay sa akin.

"Lolo, can I stay at my room now?" tanong ni Livan kay tatay. Deretso siyang magsalita sa edad niya. Hindi gaya ni Liran.

"Sige. Inayos ko na rin ang painting materials mo," ani sagot ni Tatay at agad akong hinalikan ni Livan sa pisngi bago siya tumakbo paakyat ng kwarto niya.

"Huwag tumakbo anak—!"

"Pumasok na kayo o kung gusto n'yo ay r'on na muna kayo sa swing. Inaayos ko lang ang pagkain," ani Tatay kaya't tumango ako sa kaniya at inaya ko sina Veron at Dallia.

"Nanay, ako po lalaro lang d'on," anas naman ni Liran at tinuro niya ang maliliit na kahoy na kabayo kaya't tumango ako.

"Mag-iingat, anak, ha?" Nakangiti naman siyang sunod-sunod na tumango sa akin.

Nang makarating kami sa swing ay naupo kami at nakita ko na naman ang mangha sa mga mata ni Dallia.

"They are so cute, Syreen! I want twins too!" masayang wika nito kaya't lumingon ako kay Veron at binigyan ko ito ng nang-aasar n tingin.

"Gumawa na kayo ng kambal, beks. Kaysa nakiki-anak ka sa akin. Gumawa ka ng sarili mo," tumatawang wika ko at ang walamghiya, inambaan ba naman ako ng sampal.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon