Eighteen

21.7K 1K 370
                                    

SYREEN

MABILIS akong bumaba ng sasakyan niya. Umiiyak na naman ako, bwakanang ina! Sabi ko matatag na 'ko! Sabi ko okay na 'ko! 'Tang inang mga luha 'to, parang mga gago ang mga hinayupak! Tulo nang tulo!

"Syreen!" dinig kong habol na tawag niya sa akin ngunit patuloy pa rin akong naglakad.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait habang lumuluha. Minsan napapabilib din ako ng sarili ko. . . minsan tama ang mga desisyon ko.

Hindi ko naman alam, ano bang nagawa ko sa nakaraan buhay ko at napaparusahan ako ng ganito, 'tang ina. Matino naman akong babae. Mapagmahal naman ako. Malambing naman ako. Maganda naman ako. Hindi naman ako kapalit-palit. Hindi ko makuha bakit sa akin nangyayari ang mga ito.

Naramdaman kong malapit na siya sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang lakad ko, ngunit nahigit na niya ako sa braso.

"Syreen—"

"Isa kang malaking gago!" anas ko sa kaniya saka ko binawi ang braso ko at mabilis ko siyang sinampal. "'Tang ina, Leik, hindi ko na alam alin ang totoo sa hindi sa 'yo! Hindi ko na alam kung kailan ka nagsasabi ng katotohanan at kung kailan mo ako nilulunod lang sa kasinungalingan! 'Tang ina, napakagaling mo! Wala kang kasing galing!" galit na galit na bulalas ko at wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya.

"I have to take the position. I have to and I need to—"

"Required bang saktan ako? Para sa posisyon na 'yan, required bang tarantaduhin ako? Paasahin? Gaguhin? Pag-isipin na okay ang lahat, iyon pala, may hidden agenda kang hayop ka? Ang saya-saya ko na sana, e. Ibinubuhos ko na ulit ang lahat sa 'yo kahit pa alam kong naging sobrang bilis ng lahat. Imagine, three years kang nawala sa buhay ko, pero kaunting suyo mo lang, bumigay ako?" Galit na galit ako. . . pero tumutulo nang walang humpay ang mga luha ko. "Alam mo ba kung bakit, Leik? Kasi. . . mahal na mahal kita. Kahit na ubos na ubos na 'ko, mahal na mahal ko pa rin lahat sa 'yo. Kahit kahayupan pa 'yan, kahit kagaguhan pa 'yan, kahit kaululan pa 'yan. . . lahat mahal ko, e. Kaya bakit ganito, Leik. . . Bakit mo 'ko ginaganito?"

Nakita kong itinikom niya ang mga labi niya. Para bang wala siyang handang sabihin at ipaliwanag sa akin. Parang hindi siya habdang magsalita. . . kasi putang ina, makikinig naman ako, e! Tanga ako. Martyr ako. Bobo ako. Marupok ako. Mulala ako. Kahit na kitang-kitang tinatarantado na 'ko, makikinig pa rin ako. Bakit ba ganito akong magmahal, 'tang ina!

"Do I have to say sorry—" Sinampal ko siya sa ikalawang pagkakataon.

"Lahat ng pagmamakaawa mo sa akin. Iyong mga araw na sinasabi mong mahal na mahal mo 'ko at kailangan mo 'ko sa buhay mo. . . iyong mga araw na pinaparamdam mong napakahalaga ko. . . iyong mga araw na gusto mo ng pangalawang pagkakataon para sa kasal na 'to. . . alin. . . alin doon ang totoo, Leik? Sabihin mo, nagmamakaawa ako sa 'yo! Sabihin mo!" bulalas ko at nasa punto na ako na gusto kong lumuhod sa harap niya para lang magsabi siya ng totoo.

"Wala, Syreen. Walang totoo sa mga 'yon. I did those things just so I could gain your trust and I could easily get what I want. When you told me you had a miscarriage, that caught me off guard. These are the truths," walang gatol na wika niya sa akin at tuluyang bumagsak ang katiting na tsansa na nasa dibdib ko. Para akong sinakluban ng lahat ng mabigat na pasanin sa mundo.

Ngumiti ako sa kaniya saka ako lumapit at sinakop ko ng dalawang palad ko ang mukha niya. . . at mabilis akong tumingkayad para lang gawaran siya ng halik sa noo.

Lumayo ako sa kaniya saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Huli na 'to. Sa susunod na magkikita tayo, hindi mo na 'ko mapapaikot.  Mahal na mahal kita. Maraming salamat sa pagpaparamdam sa akin na mahal mo 'ko. . . kahit hindi totoo, naging masaya ako."

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now